CHAPTER 203: TOKYO vs. SEOUL (South Korea)

711 47 18
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 203: TOKYO vs. SEOUL (South Korea)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Lumapit si Sunah at Hanagata sa Referee para maghanda sa Jumpball. Pumito ulit ang Referee saka hinagis ang bola paitaas...

Unang tumalon si Sunah para abutin ang bola pero...

Mabilis na nadakma yun ni Hanagata saka pinalpal patalbog kay Fujima.

*PAKK!*

Nagsimula ang oras...

"Ayos!" nakangiting sabi ni Hitotsu sabay palakpak.

"Magaling, Hanagata-senpai!" Futatsu/Mittsu

Maraming napatayong manonood dahil sa ginawa ni Hanagata.

"Nakuha niya." Sabi ni Minami.

"Talagang mahusay 'tong si Hanagata." Sawakita

"WhaaaAaaaAAaAAh ang bilis magdribol nung Fujima oh!"

Mabilis nagdribol si Fujima papunta sa area ng Tokyo Team pero biglang sumulpot si Dojun sa harapan niya. Pero hindi siya pinansin ni Fujima sa halip pinalusot nito ang bola sa ilalim ni Dojun at sa likuran nito nandun si Maki.

"ANO!"

"PINALUSOT NIYA ANG BOLA MULA SA ILALIM?"

"ANG GALING NG PASA NUNG FUJIMA!"

Nagpatuloy si Maki sa opensa papunta sa shooting guard area para makapag tres at nakarating nga siya sa gawing iyon, subalit mabilis na nakasunod si Ryeowook sa kanya at dinepensahan siya nito.

"Hindi ka makakalusot sakin, Old Nigga!" Ryeowook.

Hindi pinansin ni Maki yung tinawag sa kanya sa halip mas binibigyan nya ng tuon ang makapagpuntos. Tumalon siya at tumira 3-point jumpshot.

"Magtitres si Maki." Napatitig si Jin sa court.

Pero tumalon din si Ryeowook at inairblock si Maki.

"Wala yan!" nakangising sabi ni Ryeowook habang nasa ere.

Napaismid naman si Maki at agad niyang ipinasa ang bola kay Hanamichi na nasa ilalim ng ring na kanina lang pala naghihintay.

*PASS!*

Tumalon si Hanamichi at paharap na sinalo ang bola saka dinakdak ng patalikod sa ring.

*DUNKKKKKKKKKKK!*

"AYOS!" Sigaw ni Mari sa tuwa.

"WHAAAAAAAAAAAAH!!" Sigaw ng Apat na Ungas sa ginawang salubong ng kanilang kaibigan. "HANAMICHIIIII!!!"

Si Coach Kawarama at ang babaeng triplets ay napanganga dahil sa gulat at galing ng nakita nila.

"W-wow! He's so awsome!" Kawaragi

"ANG GALING MO, HANAMICHI!" masayang sigaw ni Haruko.

"A-ang galing..." Tulalang sambit ni Hitotsu. Parehong reaksyon din sa mga kambal nito.

Samantala sa bangko ng Yellow Fox ay natigilan si Michael nang makita niya ang ginawa ni Hanamichi.

"Back dunk yun ah?" Tanong niya.

"Oo, akala ko hindi mo alam yun." Sagot sa kaniya ni Sawakita.

"What are you sayin'? That's my signature dunk, baldiee." Sabi ni Michael sa kanya. "I'm just wondering... Where did he learn that from?"

SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon