SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES
CHAPTER 211: TOKYO vs. SEOUL (South Korea)
(Ps: Typo Errors Ahead!)
THIRD PERSON'S POV
"Coach Hyunjoo, nakita ko na ang basura. Dalawa sila." Sangwoo
Tumakbo pabalik sa court ng Seoul Team ang Tokyo Players para paghandaan ang kanilang depensa sa kalaban. Sa pwesto ng free throw ay nakatayo si Maki, sa shooting guard ay si Jin, sa point guard area naman ay si Sendoh. Habang sa loob at malapit sa ilalim ng ring ay nandoon si Hanamichi at Hitotsu nakabantay.
Ang opensa naman ng Seoul Team ay pang malawakan, ginawa nila ang 2-1-2 offense motion pero mga long range position para mabuwag ang dikit na depensa ng Tokyo Team.
Si Sunah at patungo sa kanan kung saan ang gawi ni Hitotsu, habang si Sangwoo naman ay pagawi ni Hanamichi.
"Uno, taasin mo pa ang pwersa mo sa kanya kumpara sa first half. 2nd half nato kaya siguradong may binabalak na silang masama." Sabi ni Hanamichi kay Hitotsu bago ito tuluyang makalayo sa kanya para depensahan si Sunah.
Nang makita ni Hanamichi na palapit si Sangwoo sa kanya ay sinalubong niya ito. Nang magkaharap ay walang alin-langang nakipagpwersahan si Sangwoo sa kanya na ikinabigla ni Hanamichi.
"H-ha! Ano!" Gulat niyang sambit habang tinutulak na siya ni Sangwoo paatras sa base area ng ring.
Ginamit ni Sangwoo ang kanyang lakas para macentro ang ilalim ng ring ito at upang ma step on the line si Hanamichi.
"Hahahaha... Labas ka muna sa court." Sabi ni Sangwoo kay Hanamichi habang tinutulak niya ito palabas.
Pumwersa din si Hanamichi. Hindi siya makakapayag na ang tulad niya ang makakatalo at di porket mas matangkad ito kaysa sa kanya. Ginantihan niya ang pwersa ni Sangwoo kaya napaabante niya ito palabas sa triangle zone ng ilalim ng ring.
"Aba, nagpupwersahan ang dalawang Power Forward ng parehong kuponan oh. Si Sakuragi laban kay Sangwoo." Sabi ni Sawakita habang nakaobserba sa laro.
"Si Mikio at Masashi nga napigilan ng sabay, yan pa kayang isa lang." Sabi din ni Rukawa sa kanya.
"So, galit kana sakin?" Sawakita
"Ewan ko sayo." Rukawa
Ang bolang hawak ni Ryeowook ay dinribol palapit sa tres linya ng court para puntos, ngunit naabangan siya ni Maki at napahinto ang kanyang takbong opensa.
Sa kanyang paghinto at saktong palapit ang isang kamay ni Maki upang agawin nito ang bola, subalit agad yung iniwas ni Ryeowook paibaba para hindi maabot at saka inilipat sa likod.
Nang magawa yun ni Ryeowook ay tumakbo siya sa gawi nang kanan, pero sandaling natigil si Maki nang wala na pala kay Ryeowook ang bola.
"Na saan---" nakita na lamang na hawak na pala ito ni Seohoo na patakbo sa outer ahead area ng 15 ft line ng inner court. Kapag tumira ito, saktong makakatres sila.
Nakita ni Maki na si Jin pala ang nagbabantay dito. Nang dumipensa na si Jin ay gumawa ng step back shot si Seohoo sa tres area.
*SHOOT!*
Nagsicheer ang Seoul Audience.
"AYOOOOSSSS PUNTOS!
ANG GALING NG TREEEEES!
MAHUSAY, SEOHOO!"
Ang kaninang 19 points ng Seoul Team ay naging 22 points na sa loob ng 18 minutes at 44 seconds ng 2nd half. Sa Tokyo Team naman ay 52 points. Malayo pa ang kanilang agwat, may 30 points na lamang ang Tokyo Team kumpara sa kanilang kanilang puntos.
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️
FanfictionSa ikalawang yugto ni Hanamichi Sakuragi sa pagsabak sa Intercollegiate Matches ay nagawa ng kanilang kuponan na talunin ang ibang NUMBER 1 TEAMS na nakabilang sa kanilang Row at nahirang bilang representative sa Row 1 ng Division 1. At sa Row Match...