SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES
CHAPTER 221:
(Ps: Typo Errors Ahead!)
THIRD PERSON'S POV
Kinabukasan...
Nag-ayos ng mga sarili ang buong players ng Tokyo Team. Lahat sila ay nakasuot lamang ng pulang jogging pants, itim na tshirt at itim na jacket na naayon sa disenyo ng kanilang kuponan. Sina Coach Kawarama at ang apat na ungas naman ay nakakaswal na damit na may saktong pormahan lang.
Samantala si Coach Zakusa ay nakasuot ng kulay itim na polo na talagang gwapong-gwapo ang lahat sa kanyang pustura. At nakapagdagdag pa nito ang nakapony tail na kulay ubeng buhok.
Tumawa naman si Hanamichi saka nilapitan si Zakusa at sinundot sa tagiliran.
"Hehehehe, ikaw boy ube ah. Dinibdib mo ba yung naslide kong bibig kagabi? Huwag kang mag-alala. Mukhang expensive si Daisho, ikaw naman mukhang ube ice cream dahil sa buhok mo." Ngising sabi ni Hanamichi sa kanya habang nanunundot.
"Bully ba yan o compliment?" Busangot na tanong ni Zakusa sa kanya.
"Hehehehe Hindi, ang ibig kong sabihin sa ice cream... Talagang maglalaway ang mga tao sayo. Ang di ko akalain na kahit gurang ka ay napakagwapo mo pala kapag nakaporma. HAHAHAHAH!" sa pagkakataong ito ay pinaghahampas-hampas na ni Hanamichi ang braso niya.
Sinapok naman si Mari ng nakatuping papel sa ulo.
*Pok!*
"Tumigil kana dyan, Hanamichi Sakuragi." Saway nito.
Napaulala naman si Hanamichi nang makita ang suot ni Mari. Nakalugay ang buhok, nakaplain white oversize shirt at black strip jeans ito na pinaresan ng Air Jordan 6 na sapatos.
Sasabihin sana ni Hanamichi na mukhang tomboy si Mari sa suot niya kaso hindi nalang tinuloy baka masapok ulit siya.
"Nga pala, nakita niyo ang ipit ko? Nawawala kase." Tanong niya.
Tinuro naman ni Zakusa ang ipit sa buhok niya. "Sori nasa akin. Akala ko kase hindi mo gagamitin." Sagot niya.
"Okay lang, ilulugay ko na lang tong buhok ko." Sagot ni Mari.
Lumapit naman si Zakusa sa kanya sabay labas ng pulang panyo. Inayos niya ito na parang gawing ipit.
"Itong panyo ko na lang ang gamitin mo. Akin na yang buhok mo, ako ang magtatali." Sabi nito saka lumapit sa likuran ni Mari.
Sinimulan na ni Zakusa ang pagtali sa buhok niya gamit ang panyo. Si Mari naman ay hindi mapigilan ang sarili na mapangiti. Kinikilig siya. Si Zakusa naman ay bango na bango sa buhok niya.
"Sa susunod hindi lang buhok mo ang itatali ko. Kundi ikaw, itatali rin kita sakin nang sa ganun ay wala kanang iisipin kundi ako lang." Biglang hinalikan ni Zakusa ang pisngi ni Mari.
Bigla naman siyang sinampal ni Mari dahil sa sobrang hiya. "Ano ba, nandito ang Team!"
"Boom, landi." Bulong ni Sendoh.
"Tapos kana ba, Hanamichi?"
Napatingin si Hanamichi sa gawi ni Haruko. Ngumiti siya at hinapit ang kamay ng kasintahan.
"Hehehehe ang ganda mo myloves." Nakangiting sabi ni Hanamichi.
Nakasuot si Haruko ng pulang dress na pinaresan ng denim jacket at itim na flatshoes.
"Dapat maaga na tayong aalis, baka maubusan tayo ng upuan sa standium." Sabi ni Haruko.
Tumango naman si Coach Kawarama. "Tama ka Hija. Tayo na players." Sabi nito at naunang naglakad palabas.
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️
Fiksi PenggemarSa ikalawang yugto ni Hanamichi Sakuragi sa pagsabak sa Intercollegiate Matches ay nagawa ng kanilang kuponan na talunin ang ibang NUMBER 1 TEAMS na nakabilang sa kanilang Row at nahirang bilang representative sa Row 1 ng Division 1. At sa Row Match...