CHAPTER 229: TOKYO vs. MANILA (Philippines)

366 39 6
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 229: TOKYO vs. MANILA (Philippines)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

"Dalawang minuto na lang, malalamangan namin kayo." Sabi ni Macagcalat kay Maki.

"Gawin mo muna bago ka magyabang dyan." Maki

"Magsapakan na lang kaya kayo?" Tanong ni Moroboshi na nasa upuan habang nakatingin sa gawi nila Maki. "Masyado kayong tensyunado. Hindi kayo makakapag-isip ng maayos niyan." Dagdag pa niya.

Nilusot ni Macagcalat ang bola pagawi sa kanang bahagi ni Maki nang maharangan siya nito, kaya naman ay agad niya naman itong nilipat sa kanan sa pagmamagitan ng spin handling papasa kay Lakandula.

*PASS!*

Nakita ni Maki na naipasa ni Macagcalat ang bola pero agad siyang umikot at tinamaan ang bola gamit ang likod ng kanyang palad.

*PAKK!*

"Natamaan niya!" sambit ni Kiyota na nasa bangko.

Agad namang sumulpot si Fujima at dinakma ang bola.

*RECEIVED*

"Balik sa court!" Sabi nito sa kanila saka mabilis na inalayo ang bola sa mga Manila Players.

Agad namang humabol sila Hanamichi, Futatsu at ang iba pa.

Mabilis na nakarating si Fujima sa court ng Tokyo Team. Sa half court pa lamang ay shinoot na niya ang bola. Subalit hindi niya namalayan si Lakandula na lumantad mula sa kanyang likuran, sa pamamagitan ng mga kuko nito ay tinamaan niya ang bola.

*PAKK!*

"Wala yan, Kyut." Nakangising sabi ni Lakandula sa kanya.

"REBOUND!" Sigaw ni Coach Zakusa.

"Ako na didto, Sakuragi-Tol. Ikaw na bahala sa rebound!" Sabi agad ni Futatsu kay Hanamichi.

"Paano ka, Dos?" Tanong naman ni Hanamichi.

"Magtiwala ka, kaya ko'to. Masyado nang mabigat ang pinapasan mo sa simula palang ng Intercollegiate Matches." Ngumiti si Futatsu sa kanya.

Hindi na nagsalita si Hanamichi at tumango na lang saka tumakbo patungo sa ilalim ng court.

Habang palapit si Hanamichi doon ay nauna na pala sa kanya si Pepito. Akmang susunod si Bautista para rumesbak nang babagan siya ni Futatsu upang hindi makalapit.

Nang tumama ang bola sa ring ay naunang tumalon si Pepito at inabot ito.

Pero...

May isang kamay ang sumingit at ang talon nito ay mas mataas pa sa talon na ginawa ni Pepito.

Nagulat si Pepito sa kanyang ginawa.

*PAKK!*

Tagumpay na nakuha ni Hanamichi ang bola.

"AKO ANG HENYO OF ALL TIME!" Proud nitong sabi habang nadakma ang bola.

Sa saktong pagkadikit nito sa kanyang kamay ay agad niyang binack-up ang isang kamay sa bola saka...

Ginawa ang Blind Dunk. Dinunk niya ang bola nang patalikod habang si Pepito ay napapailalim sa kanya.

*DUNKKKKKKKKKKKKKK!*

Nagpalakpakan at naghiyawan ang mga manonood sa ginawa niya. Si Rukawa at Sawakita ay napanganga. Si Micheal Okita naman ay pumalakpak din.

"Back dunk yun diba?" Tanong ni Sawakita.

"Siguro." Sagot ni Rukawa.

"Hindi... Mukha siyang Back Dunk pero hindi yun Back Dunk. Hindi niyo ba nakita ni hindi nakatingin si Sakuragi sa ring nang gawin niya yun?" Tanong ni Micheal sa kanila.

Ngumiwi si Sawakita sa kanya. "So unusual na hindi ka nag-iingles, Michealiling... Pero oo nga noh? Hindi nakatingin si Sakuragi sa ring sa dunk na yun." Sabi niya.

"Ang ang Blink Dunk , hindi man sa nag-aasume pero isa ako sa gumagamit ng ganyang estilo. Isa yan sa mga basic skills ko sa dunk." Sabi muli ni Micheal sa kanila.

"Mayabang." Bulong ni Rukawa.

"W-well its not like that. I'm just giving a facts about your false thought." Depensa agad ni Micheal sa kanya.

"Ayon, english na naman. Michealiling nga talaga." Sabat ni Sawakita.

"Anong Michealiling?" Takang tanong nito.

Nilapit naman ni Sawakita ang hintuturo niya sa tenga at pinaikot-ikot. "Ganun."

"Go to hell you baldie." Sabi Micheal sa kanya with a middle finger up sign.

Muli na namang nadagdagan ang lamang ng Tokyo Team. Ang kaninang score na 24 ay naging 26, samantala sa Manila Team ay 20 points pa rin.

Malapit nang matapos ang oras ng 1st half, subalit hindi nakakahakot ng puntos ang Tokyo Team dahil masyadong palaban ang Number 1 College Team ng Pilipinas. Ayaw magpatalo.

"TARA TEAM! BAWI NAMAN TAYO! WAG NATING HAYAANG MADAGDAGAN ANG LAMANG NILA!" Sabi sa kanila ni Lakandula habang nakataas ang isang hintuturo. "Don't panic, its organic!" Dagdag pa nya.

"Bulok, may organic ba sa basketball?" Tanong ni Pepito.

"Panira ka din ng trip ee." Lakandula

"Tara na! Bawi tayo, patay jud tang Coach Azul neto. Baka maging Coach Pula na siya!" Singit ni Bautista.

"Ambot nimo, isa ka pa." Pepito

[PS: ANG KWENTONG ITO AY KATHANG-ISIP LAMANG AT WALANG KINALAMAN SA TUNAY NA KWENTO NG SLAM DUNK.]

YouTube Channel: ANIME VIRALS PH

SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon