CHAPTER 213: TOKYO vs. SEOUL (South Korea)

532 51 22
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 213: TOKYO vs. SEOUL (South Korea)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

"UNOOOOOOOOOOOO!!!!" sigaw ni Hanamichi.

Sa sigaw na yun ay saktong pumasok ang Tres ni Sendoh.

*SHOOT!*

"UNO!" sigaw ulit ni Hanamichi saka tumakbo sa gawi nito.

"KAMBAL!" napatayo sa bench si Futatsu at Mittsu.

"ELBOWING! FOUL GREEN NUMBER 10!" Sabi ng Referee saka tinuro si Sunah.

Tila bumalik sa realidad ang isipan ni Sunah dahil sa anunsyo ng Referee. Nakita niya na lang na nakahandusay na sa sahig si Hitotsu habang namimilipit sa sakit. Nakahawak ito sa tagiliran.

Nakaramdam siya ng panlalamig. Hindi niya sinasadya.

"P-Pasensya---" tutulungan niya sana si Hitotsu na makabangon nang bigla siyang sapakin ni Hanamichi.

"IKAAAAAW!" sigaw ni Hanamichi saka sinapak ang pagmumukha ni Sunah.

*BLAAG!*

Sa pagsuntok ni Hanamichi ay natumba si Sunah sa sahig.

Napatayo ang Apat na Ungas sa gulat dahil sa ginawa ni Hanamichi.

"Naku hindi!" Mito

"Patay!" Takamiya

"Lagot!" Ohkusu

"Tapos na, galit na si Hanamichi!" Natatarantang sabi ni Noma.

"Huh? Bakit?" Tanong ni Coach Kawarama.

"Lolo Kawarama... Si Hanamichi. GALIT!" Kinakabahang sagot ni Mito.

"ANO!" Coach Kawarama.

Mabilis namang nagsiawat ang mga kasamahan nila. Tumayo si Kurooshi sa pagkakaupo saka tumakbo sa gawi ni Sunah para protektahan ito. Si Hanamichi naman ay inawat ni Maki, Sendoh, Ikegami at Kiyota. Apat na player na may malalakas na pwersa ang umawat kay Hanamichi.

"Tama na, Sakuragi!" Awat ni Maki sa kanya habang ang kamay nito ay parehong nakapigil sa braso ni Hanamichi.

Si Kiyota naman ang pumigil sa kanang braso, si Ikegami sa kaliwa habang si Sendoh ay nasa harapan ni Hanamichi.

"BITAWAN NIYO AKO!" sigaw ni Hanamichi sa apat.

Napatayo si Rukawa sa pagkakaupo nya nang makita niya ang reaksyon sa mga mata ni Hanamichi.

"Ito na nga ba ang sinasabi ko tungkol sa Seoul Team." Nanghihinayang sabi ni Rukawa nang makita niya ang galit ni Hanamichi sa mga mata nito.

Ay naalala ni Rukawa.

Ganyan din yung mga mata ni Hanamichi nung mga panahon na pinuruhan din siya noon ni Minami sa Interhigh.

"Aba! Minami Technique yun ah?" Tanong ni Sawakita. "Technique na sinasadyang injurihan ang kalaban!"

"Tumigil ka dyan, Sawakita." Saway ni Minami sa kanya.

"Totoo naman diba? Ganyan din ang ginawa mo kay Rukawa noon?"

"Dati yun!"

"Minami Technique parin yun!"

"Tumahimik ka!"

Parang maiiyak ang kambal ni Hitotsu nang makita nila ang kalagayan nito.

"Kambal!" Inalayan ni Futatsu si Hitotsu na makabangon.

SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon