CHAPTER 224: TOKYO vs. MANILA (Philippines)

502 46 9
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 224: TOKYO vs. MANILA (Philippines)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

"Nakuha niya!" Napatuwid ng upo si Hitotsu nang makuha ni Pepito ang bola imbes sa kanyang kambal na si Futatsu.

Ang pagkakapalpal ni Pepito ay saktong tumungo sa mga kamay ni Gallego. Kasabay nun ang pagsimula ng oras.

"Nice one!" Nakangiting sabi nito at agad na idinribol ang bola.

Mabilis ang pagdribol ni Gallego at mabilis itong tumungo sa court ng Manila Team. Pagpasok niya ay agad naman siyang binabagan ni Sendoh upang hindi makadiskarte sa puntos, subalit si Bautista na nakasunod lamang sa dalawang ito kaya ang bola ay agad na ipinasa ni Gallego sa kanya.

*PASS!*

"Pinasa niya." Sendoh

Nasa 3 point line si Bautista nang makuha niya iyon. Nag pose siya. Si Hanamichi naman ay nasa kanyang likuran na may layuning palpalin ang bolang hawak ni Bautista mula sa likuran.

"Wala yan!" Sabi ni Hanamichi sa kanya at tinamaan ang bola.

Pero inilag yun ni Bautista paibaba na ikinagulat niya at ng lahat.

"ANO!"

Nabigo si Hanamichi na mapigilan ang bola at napatingin na lang sa ring nang ishoot yun ni Bautista.

*SHOOT!*

Naghiyawan ang Audience ng Manila Team nang masungkit nito ang unang puntos.

"AYOOOOOOS!

ANG GALING MO TALAGA BAUTISTA!

TRES YUN AHHHH?

ZOREN! ZOREN! ZOREN!"

[1st half-1st quarter| 19 mins. 30 sec|
Tokyo Team: 0 | Manila Team: 3]

Napangisi na lang si Coach Kawarama. Si Zoren Bautista ay ang dati niyang player sa kanyang kuponan. Hindi niya akalain na ang pag-uwi nito sa Pilipinas ang nagpadagdag ng lakas at galing nito.

Tinignan niya naman ang kanyang Apo na si Hanamichi Sakuragi. Hindi niya inaasahan na maghaharap ang dalawang pinakaimportanteng player sa buhay niya.

"Hanamichi, Apo... Dito masusukat kung gaano kagaling kapag si Souren na ang kaharap mo. Kapag hindi mo siya kayang talunin... Wala kang karapatan na talunin si Rukawa." Seryosong sabi nito.

Nag-apiran si Bautista at Gallego sa kanilang tagumpay saka tumakbo palabas ng court ng Manila Team. Ang bola ay tumalbog sa sahig at kinuha ni Maki. Pinatalbog niya ito.

Samantala si Hanamichi ay naiinis sa nangyari. "Ang bilis ata ng pangyayare?"

Habang pinapatalbog ni Maki ang bola ay napatingin siya sa court ng Tokyo kung saan ay kasalukuyang nakadepensa ang players ng Manila Team.

"Ang bilis nila kumilos." Sabi nito sa kanyang isipan at sinimulan na ang opensa.

Mabilis at matulin ang pagdidribol ni Maki hanggang sa tuluyan itong nakalagpas sa court ng Manila Team. Ang defense formation naman ng Manila Team ay agad na umiba, ang ibang players pa dito ay sumulong at ang iba ay binantayan ang inner area.

Ang gawi ni Maki ay tinungo ni Bautista.

"Ano? Palapit siya sakin---"

Nagulat si Maki sa kanya dahil napakabilis ng galaw ng kamay ni Bautista na akmang kukunin ang bola, pero naiwasan agad yun ni Maki.

SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon