CHAPTER 259: TOKYO vs. WASHINGTON (America)

659 40 15
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 259: TOKYO vs. WASHINGTON (America)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

"Prime Line-Up laban sa Kage Line-up... Tara!" Sigaw ni Hanamichi habang naglalakad. Nakasunod sa kanya ang apat na player na kakapasok lang.

Sina Maki, Fujima, Sendoh at Jin.

Sina Micheal, Rukawa, Minami, Moroboshi at Sawakita ay nakatingin sa bagong line-up ng Tokyo Team. Nakaramdam sila ng gana dahil sa wakas ay ibinalik na sa court ang pinakatunggaling kalaban.

"Ngayon nagsama-sama na ang lima. Malinaw na sa akin na si Sakuragi ang babantayan ko." Wika ni Rukawa sa kanyang kasamahan.

"Panigurado, hindi na makikipagbiruan si Sendoh." Wika rin ni Sawakita.

"Nagbalik si Maki sa loob ng court, alam kong ako lang ang hinihintay niya. Ako ang magbabantay sa kanya." Ngumiti si Micheal habang nakatingin sa gawi ni Maki.

"Pinapaubaya ko na si Maki sayo, Micheal. Ako nang bahala sa tagahakot ng puntos nila." Tugon ni Moroboshi tila ang tinutukoy nito ay ang Sharp Shooting Machine na si Soichiro Jin.

"Siguradong babawi si Fujima." Bulong ni Minami.

Muling pumito ang Referee at binigay ang bola sa Tokyo Team. Dahil ang Washington Team ang huling nakagawa ng puntos, ang bola ay mapupunta sa kabila. Ang Tokyo Team ang magsisimula sa opensa.

Hawak yun ni Sendoh at tinalbog sa kanyang kinatatayuan. "Okay Team! Tabla na ang puntos sa kasalukuyang laban. Tayo ang mananalo sa kaduluhan ng laban!" Anunsyo niya habang nakataas ang hintuturo.

Napaismid naman si Sawakita. "Huwag kang pakasisiguro dyan... Dito palang magsisimula ang totoong laban." Wika niya at hinanda ang depensa.

"Salo!" Pinasa ni Sendoh ang bola kay Fujima.

Pagkasalo ni Fujima ay agad itong nagdribol palapit sa half-court ng Tokyo Team. Sumabay naman sa gawi nila si Jin at Moroboshi. Nagtinginan naman si Fujima at Jin at nagcross over.

Patuloy parin sa pagtakbo si Fujima habang nakasunod si Minami, pero laking gulat nito ay wala na pala kay Fujima ang bola.

"Ano? Nawala ang bola! Nasaan?!" Agad hinanap ni Minami ang bola hanggang sa nakita niya na lang na...

Hawak ni Jin ang bola ay pinagpatuloy ang pagdribol. Nakasunod sa kanya si Moroboshi, mas binilisan pa ni Moroboshi ang pagtakbo hanggang sa nakarating siya sa harapan nito at dumepensa.

*PASS!*

"Ano!" Moroboshi

Nasalo ni Maki ang kanyang pasa. Si Micheal naman ang nagbantay sa kanya. Ang Kanagawa Star at former 2 time MVP laban sa former NBA Recruited ng America.

Nakatayo si Micheal sa harapan niya na may malawak na depensa. Pero sumulong parin si Maki habang pinapalusot niya sa kanyang ilalim ang bola kahit panay ang galaw. Namamangha si Micheal sa kanyang husay sa ball handling. Iba talaga kapag Star Player, hindi basta-basta.

Akmang aatake si Maki nang humarang agad ang kamay ni Micheal sa kaliwa. Kaya nilipat niya sa kanan para ipasa ang bola pero nakaharang ulit ang kamay ni Micheal.

*PASS!*

"Ano! Fake pass?" Nagulat si Micheal dahil sa kaliwa napunta ang bola na saktong nakuha ni Sakuragi.

"Makinig ka Rukawa, maaari ngang nadali mo ako nung mga nakaraang tira. Pero... hindi na sa pagkakataong ito. Kami ang mananalo sa match nato o hindi kaya... kahit kayo pa ang manalo, siguradong natalo na kita. Naiintindihan mo?" Seryosong wika ni Hanamichi at laking gulat na lamang ni Rukawa nang wala na sa kamay niya ang bola.

SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon