CHAPTER 262: TOKYO vs. WASHINGTON (America)

593 43 7
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 262: TOKYO vs. WASHINGTON (America)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

"Kung ganun, tayong dalawa ang tatapos sa match na'to... Sakuragi." Rukawa

Dalawang minuto na nga lang ang natitira at magtatapos na ang laban sa pagitan ng Tokyo Team at Washington Team. Parehong may 46 points ang parehong kuponan. Bawat kuponan na kanya-kanyang pagtitibay sa laro at tagisan. Napakaikling minuto na lang at malalaman kung aling kuponan ang magiging numero uno sa Division at mahing pangalawa.

Dahil ang Tokyo Team ang huling nakagawa ng puntos ang bola ay mapupunta sa Washington Team.

"LABAAAAAAAAN TOKYO!

WASHINGTOOOOOOON!

OPENSA!

OPENSA!

OPENSA!" cheer ng parehong squad.

Mabilis na dinribol ni Sawakita nag bola palabas sa half-court ng Tokyo Team. Siya at ang iba pa niyang kasamahan  ay awtomatikong dumaan sa division line at nilusutan ang dalawang depensiba na sina Maki at Sendoh. Dahil sa dalawang player na sumalubong sa kanya ay nabigyan ng pagkakataon na maging libre si Micheal sa kanyang lugar.

Kasalukuyang nakatayo si Micheal sa shooting guard area na may layuning pumuntos. Nakita ni Hanamichi ang kanyang magandang pwesto at kailangan niya itong pigilan kundi lalamang ang Washington Team sa kasalukuyang puntos.

Tatakbo sana si Hanamichi sa gawing iyon para magblock nang babagan siya ni Rukawa sa kanyang daan.

Pero seryoso lang ang mukha ni Hanamichi at nakipag palit ng pwesto kay Rukawa.

"HALA! NAGPALIT SILA!

SI RUKAWA AT SAKURAGI NA NAMAN!"

"Lusutan mo muna ako kung gusto mong iblock si Micheal." Sabi nito sa kanya.

Mahinang humalakhak si Hanamichi. "Ang yabang mo parin talaga Rukawa sa kabilang nangyaring pilay sa paa mo. Yung mukha mo lang ang matigas pero hindi ang katawan mo. Tandaan mo lang, Rukawa... Ang TOKYO TEAM ang mananalo." Marka nito at pinuwersa si Rukawa.

"Grrrrrrrrr..." Daing nilang dalawa nang maglaban ang kanilang mga pwersa.

"Hindi mo na ulit ako matutumba sa simpleng pwersa mo lang, Sakuragi. Hindi na yun mauulit." Pagmamayabang ulit ni Rukawa sa kanya na siyang kinadagdag ng kulubot sa mukha ni Hanamichi.

"Shattap Rukawa, syempre hindi na yun mauulit dahil magtatapos na ang laban kaya umayos ka. Tumbahin kita jan ee."Naiinis at nababanas na siya sa kahambogan nito.

Pero...

"SI MICHEAL!" sigaw ni Coach Zakusa.

Pagkasalo ni Micheal sa pasa ni Sawakita ay walang anumang nagshoot agad ito ng tres.

*SHOOT!*

"AYOOOOOOOOS!

SA WAKAS TRES!

MICHEAAAAAL!"

"Nice!" nag-apiran sila ni Sawakita.

"Tayo na! Depensa na, Team!" Sigaw agad ni Micheal sa kanila.

Dahil sa tres ni Micheal. Ang kaninang puntos nila na 46 points ay naging 49 points na. Lamang na sila ng 3 points sa Tokyo Team.

Syempre, hindi nagpautang ang Tokyo Team sa kanila. Agad nilang dinakma ang bolang shinoot ni Micheal at sinimulan agad ang opensa.

Hawak yun ni Hanamichi at dinribol ito palabas ng court ng Washington Team. Sa saktong paglabas ni Hanamichi dala ang bola ay bigla siyang binabagan ni Rukawa, nahinto si Hanamichi sa pagdribol ahead of center circle ng court. Subalit hindi umatras si Hanamichi sa kanya bagkus ay hinarap niya si Rukawa na may tigas ng mukha at harap-harapan niyang ginawa ang natutunan niyang ball handling.

SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon