SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES
CHAPTER 225: TOKYO vs. MANILA (Philippines)
(Ps: Typo Errors Ahead!)
THIRD PERSON'S POV
Sa 17 minutes na natitira sa first half sa laban ng Tokyo Team at Manila Team ay unang nakapuntos ang Manila Team na umabot agad ng 8 points habang sa Tokyo Team naman ay 0 points pa rin.
Ang dalawang audience team na nanonood, ang Washington Team at Seoul Team ay hindi makapaniwala sa agarang nangyari sa Tokyo Team.
Si Rukawa naman ay napaisip kung ano na namanh kalokohang nasa kokote ni Hanamichi.
Bakit ganito ang laro niya? Nasindak ba sila sa impormasyong nalaman nila tungkol sa Manila Team?
Huminga na lang ng malalim si Rukawa at tinutukan na lamang ang laro. "Gunggong talaga."
[1st half-1st quarter| 17 mins. 58 sec|
Tokyo Team: 0 | Manila Team: 8]Si Macagcalat ang huling nakagawa ng puntos kaya ang bola ay mapupunta sa Tokyo Team. Hawak yun ni Maki. Pinatalbog niya ito habang nag-iisip ng magiging strategy. Ganun din si Fujima at Sendoh.
Si Hanamichi naman ay napansin ang kanilang tensyon.
"Concentrate Team... Focus." Bulong ni Coach Zakusa.
Sumipol naman si Sendoh.
"Simulan na!" Sabi ni Maki at sinimulan na ang opensa.
"Hmm." Coach Azul
Ang Manila Team ay nagsikalat sa kanilang defense zone upang ihanda ang malawakang depensa laban sa opensa ng Tokyo Team.
Ang mga tingin ni Macagcalat ay nakasunod sa kilos ni Maki. Nang makalagpas ito sa division line at tuluyang nakapasok sa court ng Tokyo Team. Pagkarating niya ay binabagan siya ni Macagcalat, sinide pass naman ni Maki ang bola pagawi kay Sendoh.
*PASS!*
Pagkasalo ni Sendoh ay saktong nasa outer area, si Gallego naman ang humarap sa kanya pero nilusutan niya ito gamit ang isang spin offense. Sa pwesto ng tres area ay shinoot ni Sendoh ang bola.
*SHOOT!*
"Okay!" Ngumiti si Sendoh habang nataas ang isang hintuturo.
Nagdiwang naman ang Tokyo Team dahil sa wakas ay nakapuntos na ang kuponan nila.
Si Coach Zakusa naman ay nagtaka kay Sendoh. "Itinaas niya ang hintuturo niya?"
[1st half-1st quarter| 16 mins. 47 sec|
Tokyo Team: 3 | Manila Team: 8]"Nice shot, Sendoh!" Cheer ni Mari at ng ibang players bangko.
Si Rukawa naman at Sawakita ay pumalakpak lang.
"Ang lalakeng 'to. Never ko pa siyang nakita nagseryoso sa basketball." Sabi ni Sawakita saka tiningnan si Rukawa. "Ikaw, nakita mo na?" Tanong nito.
Umiling si Rukawa. "Hindi rin."
Nag-apiran naman si Maki at Sendoh. Si Fujima na nakatayo sa tabi nina Hanamichi ay sinenyasan ng 'Okay' si Sendoh.
Si Hanamichi naman ay pabalik-balik ang tingin sa tatlo. Naiisip niya na baka nagpaplano ang tatlo na sila lang ang nakakaalam.
"Sakuragi." Tawag ni Fujima kay Hanamichi.
"Bakit, Fujiboo?" Tanong nito.
"Kami nina Maki at Sendoh, may plano kami. Kayo ni Futatsu, ang tanging gagawin niyo lamang ay pigilan ang mga bakod ng Manila Team. Si Pepito at Bautista. Tungkol naman kina Macagcalat, Lakandula at Gallego, kami nang bahala. Lilituhin namin sila." Sagot ni Fujima sa kanya saka hinampas ang pwet ni Hanamichi.
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️
FanficSa ikalawang yugto ni Hanamichi Sakuragi sa pagsabak sa Intercollegiate Matches ay nagawa ng kanilang kuponan na talunin ang ibang NUMBER 1 TEAMS na nakabilang sa kanilang Row at nahirang bilang representative sa Row 1 ng Division 1. At sa Row Match...