SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES
CHAPTER 214: TOKYO vs. SEOUL (South Korea)
(Ps: Typo Errors Ahead!)
THIRD PERSON'S POV
Sa 14 minutes na natitira ay ipinasok na nga ni Coach Zakusa itong si Kiyota upang halilihan ang galaw ni Hanamichi Sakuragi sa court. Dalawang player mula sa Tokyo Team ang lumanding sa clinic dahil sa ginawa ng Seoul Team, sina Tooru Hanagata at Hitotsu Kyodaineko.
Kasalukuyang may 61 points ang Tokyo Team habang sa Seoul Team naman ay 24 points.
Masyadong mataas ang lamang ng Tokyo Team kumpara sa puntos ng Seoul Team.
Pumito ang Referee, dahil sa ginawang foul ng kabilang kuponan, ang bola ay nasa panig ng Tokyo Team. Hawak yun ni Sendoh.
Dahil walang tunay na centro sa kanilang kasalukuyang line-up ay napagdesisyunan ni Hanamichi na siya ang maglalaro sa posisyong iyon. Si Kiyota naman ang papalit sa kanya bilang Power Forward.
Humanda na ang Tokyo Team para sa kanilang magiging opensa.
Sa harapan ng kanilang opensa ay nakatayo si Hanamichi at Kiyota.
"Hoy, Matsing... Yung ngisi mo kanina, baka naman ipinasok ka ni Boy Ube dito para pigilan ako kung sakaling istrike-kin ko yung Centro ng Seoul na si Sunah?" Tanong ni Hanamichi sa kanya.
"Lol, bakit naman kita pipigilan?" Ngumisi si Kiyota sa kanya.
Napakurap na lang si Hanamichi. "Kung ganun---"
"Oo, Unggoy. Very bad mang pakinggan pero hindi ko kayang palampasin ang ginawa ng Centro'ng yun kay Hitotsu. Naaawa ako sa mga Pusakal natin, kung nakita mo lang sana ang hitsura nina Futatsu at Mittsu nung humandusay sa sahig yung nakakatandang kambal nila... Kahit ako siguro, magagalit." Seryosong sagot ni Kiyota sa kanya saka inayos ang pagkakaipit nito sa buhok. "Ika nga nila, maintain the sportsmanship. Walang personalan sa laro." Dagdag pa niya.
Sumagot naman si Hanamichi. "Yung ginawa ni Sunah hindi na yun matatawag na laro. Kung bardagulan lang pala ang gusto ng hayop na yun, isang headbutt ko lang siya at tumba na yun... Gagantihan ko ang mokong na yun sa ginawa niya kay Uno!"
"Kung gusto mong gumanti, gawin mo sa paraang laro parin ang makikita nila. Tulad ng ginawa natin noon sa Osaka." Muling ngumisi si Kiyota.
Natigilan naman si Hanamichi sa sinabi niya at nanumbalik na naman sa kanyang isipan nung nag match ang Tokyo Team sa Osaka Evessa. Ang sitwasyon ngayon ay katulad sa nangyari sa kanila noon, ang pinagkaiba lang ay biniktima ng Osaka Evessa sina Daisho, Watanabe at Nishizaki.
Lalo na si Hanamichi nung nakaharap niya ang higanteng Centro na si Akane Gyoku at ang Team Captain na si Morisuke.
May pagkakahintulad din ito sa ginawa nina Kishimoto, Itakura at Masahiro nung match ng Tokyo at Akita sa College Matches.
"OKAY!" biglang sigaw ni Hanamichi habang nakayukom ang kamao. "Mabait ako sa mabait. Pero kung tarantado ka... Demonyo ako." Ngumisi si Hanamichi.
Muling pumito ang Referee. Sinimulan na ni Sendoh ang opensa.
(Dribbling...)
Naghiyawan ang mga manonood sa muling pagpapatuloy ng laro.
"OPENSA!
OPENSA!
OPENSA!"
"DEPENSA!
DEPENSA!
DEPENSA!"
"14 MINUTES NA LANG TEAM! SAMANTALAHIN NIYO ANG LAMANG!" sigaw ni Mari sa kanila.
"GALINGAN NIYO HANGGANG SA KATAPUSAN!" Cheer din ni Haruko.
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️
FanfictionSa ikalawang yugto ni Hanamichi Sakuragi sa pagsabak sa Intercollegiate Matches ay nagawa ng kanilang kuponan na talunin ang ibang NUMBER 1 TEAMS na nakabilang sa kanilang Row at nahirang bilang representative sa Row 1 ng Division 1. At sa Row Match...