CHAPTER 254: TOKYO vs. WASHINGTON (America)

497 37 7
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 254: TOKYO vs. WASHINGTON (America)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Sa pagsisimula ng pangalawang set ng laban ay nakahanda na ang parehong bagong line-up ng mga kuponan. Nakatayo na sila ngayon sa gitna ng court, napapagitnaan nila ang Referee na may hawak sa bola.

"Centers!" Tawag ng Referee sa kanila.

Pumunta naman sa gitna ang dalawang centro mula sa magkaibang kuponan. Si Laxamana ng Washington Team at Mittsu ng Tokyo Team. Si Mittsu ang tatapat kay Laxamana dahil ang isang kambal nito na si Hitotsu ay nakabantay kay Lucas. Habang ang isa pa niyang kambal na si Futatsu ay nakabantay rin kay Maxwell.

Pumito ang Referee. "Okay... JUMPBALL!"

Hinagis ng Referee ang bola hanggang sa makarating ito sa pinakamataas, pwersang tumalon si Mittsu ng mataas kaya naabot niya ang bola.

*PAKK!*

"Ayos!" Tuwang sabi ni Maki habang nasa upuan.

"Magaling, Mittsu!" Sigaw ni Sendoh sabay palakpak.

"Magaling, Tres!" Sigaw din ni Hanamichi.

"Tssk, chamba." Bulong ni Rukawa.

"Shattap!" Hanamichi

Nang maabot ni Mittsu ang bola mabilis niyang inikot ang kamay niya sa harapan at pinalo ito papunta sa likuran niya.

"Ang galing! Pinalo niya papuntang likod!" Sigaw ng isang manonood.

Pinaandar na ni Mari ang timer na hawak niya na nakaset sa 2nd set at 3rd quarter ng laban.

Nasalo ni Hitotsu ang bola at sinimulan na ang opensa pero mabilis na nakasunod si Lucas sa kanya. Agad napatingin si Hitotsu sa libreng si Futatsu at doon niya ito ipinasa, nasalo yun ni Futatsu at mabilis na nagdribol.

Habang nagdidribol si Futatsu nakasunod si Maxwell sa kanya. Napaismid siya sa kanyang isipan. "Man to Man pala ah..."

Binagalan ni Futatsu ang takbo niya kaya nakarating sa harapan niya si Maxwell pero itinalbog niya ang bola sa ilalim ni Maxwell. Nagulat ito sa ginawa ni Futatsu at napatingin sa ilalim niya.

Mabilis na nakuha ulit ni Futatsu ang bola sa kanyang likuran.

"Ano?--- Ang bilis niya!" Na shock si Maxwell sa kanya.

Pati si Laxamana. "Centro ba talaga yan?"

Samantala si Hanamichi at Kiyota ay pareho lang na nakangisi sa ginawa ng Triplets.

"Aba! Ang galing nung Kyodaineko number 13 ng Tokyo!"

"Oo nga! Kung sa bagay ay pareho silang matangkad at Centro pa. Ang pinagkaiba lang ay mas mabilis kumilos yung number 13 kaysa sa nung Maxwell."

Napawika na lang si Kiyota. "Huwag niyo silang maliitin, maaari ngang nagtitimpi pa kanina pa ang panganay nilang kambal na si Hitotsu. Pero, hindi kapag kasama na niya ang kanyang mga kambal sa loob."

"Nagpapasikat na ang Triplets, asa naman at tatayo lang ako dito. Tara na Matsing!" Sabi ni Hanamichi saka tumakbo.

"Tama ka dyan, Unggoy!" Sumunod naman si Kiyota sa kanya.

Nang makapasok ang Offensive Team na Tokyo Team ay mahigpit naman Defensive Team which is ang Washington Team. Sa ilalim ng ring nakatayo sina Lucas at Hitotsu. Si Kiyota naman at Hanamichi na nasa outer lane at naghihintay sa ipapasang bola.

SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon