SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES
CHAPTER 195:
(Ps: Typo Errors Ahead!)
THIRD PERSON'S POV
Nakatingin si Hanamichi sa limang player na nakatayo sa harapan niya. Hindi siya makapaniwala na makikipag 5 on 1 siya sa malalakas na player tulad nila.
"Eh kung bardagulan na lang kaya? Kayang-kaya ko pa kayong---" hindi natuloy ang sasabihin niya nang batukan siya ni Sylvestre.
"Gunggong... Eh kung sumunod ka na lang kaya?" Saway nito kay Hanamichi.
Naghanda naman si Rajak ng isang bola saka ito binigay kay Hanamichi. Pagkatapos nun ay naglakad sila sa papasok sa sakop ng court. Direkta silang tumungo sa isang half court at pumwesto ng depensa.
Napatitig na lang si Hanamichi sa kanila habang nakatayo sa outer free throw.
Habang nakatingin siya kina Rajak, Jabour, Solevenn, Sylvestre at Cadieux ay hindi niya lubos maisip na maaari ito maglaro ng magkasama kahit parehong mula sa magkaibang kuponan.
Hindi maiwasan ni Hanamichi ang mamangha. Patagal nang patagal ang pakikipagsapalaran niya sa College Games at bawat manlalaro na may kabutihang magtraining sa kanya ay palakas ng palakas.
Ang huling malalakas na players na nagtraining sa kanya ay sina Yuki, Zakusa at Muzaka. Tinrain nila si Hanamichi sa mabuhanging basketball area. Akala niya yun na ang pinaka mahirap na part pero hindi niya akalain na mararansan niya ang isang napakaultimate line-up at ang namumuno ay si Rajak.
"Get ready, Redhorse. Magiging mahigpit kami sayo." Sabi ni Cadieux sa kanya habang nakatayo sa Small forward area.
Muling napalunok si Hanamichi saka sinimulang patalbugin ang bola.
Tiningnan niya ang limang kalaban niya. Maganda ang mga pwesto nito, dahil puro mga standard players ang mga ito ay posible na mag-iiba agad ang Defense formation nito at gagamitin ang mga individual skills laban sa kanya.
Dahil saktong nakatayo si Hanamichi sa outer free throw ay akmang ititres niya ang bola nang magsalita si Rajak.
"Huwag mong gawin yan." Sabi nito.
Nagtaka naman si Hanamichi. "Ha? Bakit?"
"Nakalimutan kong sabihin na ang una mong dapat gawin ay lusutan ang aming depensa. Titignan namin kung gaano kana kabihasa sa opensiba." Sagot muli ni Rajak.
Napakamot na lang ng pisnge si Hanamichi at tumango. "Okay!" Sagot nito at sinimulan na niya ang kanyang opensa.
Dinribol niya ang bola papasok sa inner court, akmang liliko pa lang siya nang maramdaman niyang wala na pala sa kamay niya ang bola.
"WhaaaAaaaAAaAAh anong nangayari?" Gulat niyang tanong. "Papaanong---" natigilan siya nang hawak na pala ni Rajak ang bola. "Waw ano yan? Magic trick? Mandurukot Technique?"
Muling binalik ni Rajak ang bola kay Hanamichi bago sumagot. "Ulit! Madyadong obvious ang galaw mo, Sakuragi. Hindi malayong maiintercept ka ng kalaban."
Napailing naman si Hanamichi. "Pambihira, hindi ko namalayan yon ah?" Kalahati sa sarili niya ang namangha sa ginawa ni Rajak. "Ang galing mag steal. Parang parang magnet."
"Isa pa!" Sabi ulit ni Rajak.
Umatras ulit si Hanamichi at pinatalbog ang bola sa kanyang pwesto.
"Eto na!" Sigaw ni Hanamichi at sinimulan na ang kanyang opensa.
Dinribol nya ang bola patungong left side range ng 3 point line kung saan nandoon nakatayo si Cadieux at Solevenn. Nakatayo ang dalawa sa harapan ni Hanamichi at dinepensahan ito. Pero umatras ng isang hakbang si Hanamichi kasabay nun ang pagtaas ng bola upang gawin ang Fade Away Shot.
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️
FanfictionSa ikalawang yugto ni Hanamichi Sakuragi sa pagsabak sa Intercollegiate Matches ay nagawa ng kanilang kuponan na talunin ang ibang NUMBER 1 TEAMS na nakabilang sa kanilang Row at nahirang bilang representative sa Row 1 ng Division 1. At sa Row Match...