CHAPTER 190:

974 46 12
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 190:

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Nang matapos ang laban ng Tokyo Team sa Skopje Sini Gromovi ng North Macedonia at nahirang bilang representative ng Row 1 ng Division 1. Sa mga oras na ito ay nakabalik na sila sa hotel na pansamantala nilang pinagpahingaan.

Ang ibang players tulad nina Maki, Fujima at Sendoh ay daling nakatulog dahil sa pagod nang makalaban ang dating Rank 6 ng Global Team. Katabi nila sa pagtulog sina Hitotsu at Mittsu habang ang isang kapatid nito na si Futatsu ay abala sa pagkakalikot ng kanyang laptop.

sina Haruko at Hanamichi naman ay magkatabing nakaupo sa balkonahe at tinatanaw ang magandang tanawin ng Skopje City. Samantala, sina Coach Kawarama, Coach Zakusa at Mari ay magkasama sa iisang table na may kasamang konting inumin habang nagdidiwang sa kanilang muling pagkapanalo.

"Sobrang natutuwa ako sa inyong muling panalo, Ryueen." Bati ni Coach Kawarama kay Coach Zakusa.

"Ako din po, Coach Kawarama. Kung hindi po dahil sa inyo lalo na sa munting katapusan ng laban, kung hindi niyo ako ginabayan ay baka tuluyan na akong nasiraan ng ulo dahil sa pag-iisip ng susunod na strategy." Nahihiyang sabi ni Coach Zakusa habang nakakamot sa ulo.

Tumawa naman si Coach Kawarama sa tinuran niya. "Ikaw talagang bata ka, talaga ngang marami ka pang bigas na kakainin bago maging isang Pro-Coach ng basketball. Pero sa totoo lang ay napapahanga mo ako, kahit bago ka palang naging Coach ay may naging achievements agad kayo."

"I admit if I'm not that totally enough of being a Coach for this kind of Team. Pero gagawin ko parin ang best ko, Coach Kawarama." Sabi nito saka kinuha ang isang basong champagne.

"Good to hear that." Nakangiting sabi ni Coach Kawarama saka sila nag toast at uminom.

Napatigil sa pag-inom si Coach Kawarama nang mapagtanto niyang nandyan pala si Mari kasama nila.

"Ikaw pala, Mari. Muntik na kitang nakalimutan..." Panimula nito.

Binaba ni Mari ang iniinom niyang champagne bago sumagot. "Bakit po?"

Ngumiti si Coach Kawarama sa kanya. "Balita ko, may relasyon kayo ni Ryueen. Totoo ba?"

Naibuga ni Coach Zakusa ang ininom nyang champagne dahil sa tanong na yun. "Coach Kawarama naman..." Panghihina niya sa kanyang boses.

"K-kase Coach Kawarama---" hindi natuloy ang sasabihin ni Mari nang muling magsalita si Coach Kawarama.

"Hindi niyo na kailangang itago sakin, gusto ko lang kumpirmahin. Ang totoo kalat na yun sa Team niyo kaya ko nalaman." Sabi pa nito.

Tiningnan ni Coach Zakusa si Mari habang ito ay napayuko na lang.

Mahina namang napatawa si Coach Kawarama dahil baka nag-iisip sila ng negatibong pananaw tungkol sa kanilang dalawa.

"Ano ba kayo, huwag kayong matakot na malalaman ko ang bagay na iyon. Pero, kayong dalawa. Itong tatandaan niyo, hindi lahat ng tao na makakaalam sa relasyon niyo ay same thoughts din katulad ko at ng kuponan niyo. Ikaw, Ryueen... Hindi ka lang Coach ng Tokyo Team at alam mong isa ka nang Teacher at si Mari ay 3rd year student palang. Alam niyo bang bawal sa batas ang ginagawa niyo?" Tanong nito sa kanila.

Agad namang dumipensa si Coach Zakusa. "Alam ko po yun, at isa po akong fresh graduate Teacher. Hindi naman siguro masama yun, atsaka hindi pa po ako lisensyado."

"Kahit na, sa ngalan na nagtapos ka Education course ay Teacher ka parin. Estudyante parin si Mari. Kahit dalawang taon lang ang agwat mo sa kanya, isipin niyo parin ang propesyon na kinuha niyo." Coach Zakusa

SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon