SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES
EPILOGUE:
(Ps: Typo Errors Ahead!)
Author's Note: This chapter contains the phenomenal summarization of Intercollegiate Matches Season 3. The battle of Tokyo Team in Final 8 Global Rank.
ANG DIVISION 1 REPRESENTATIVES NG INTERCOLLEGIATE MATCHES:
TOP 1: AMERICAN YELLOW FOX
AT
TOP 2: TOKYO BLACK SAMURAIZAng parangal na natanggap ng parehong kuponan ay malugod na tinanggap bilang bunga sa kanilang pakikipagsapalaran mula sa Round 1 hanggang Round 7 ng International College Matches. Ang mga hindi birong napagdaanan sa basketball ay naging inspirasyon para mas umabante sa susunod na laban at buong tapang na haharapin ang mas malalakas na kuponan.
Ang Tokyo Team at Washington Team ay nagkasundo para suportahan ang isa't-isa, hindi dahil ay pareho silang Division Representatives kundi karamihan sa miyembro nito ay magkakilala at magkaibigan. Ang dalawang kuponan na ito ay sabay na nagsumpaan na walang susuko sa labanan pwera na lang ay tatalunin ng mas malakas na kuponan.
ANG PAKIKIPAGSAPALARAN NG WASHINGTON AT TOKYO TEAM SA EUROPA
Ang Intercollegiate State System ay nagkaroon ng desisyon na gaganapin ang susunod na laban sa PALAZZO DELLO SPORT ARENA or kasalukuyang kilala bilang PALALOTTOMATICA ARENA sa lokasyon ng Roma, Italya ng bansang Europa.
Ang laban ng Final 8 Global Rank Teams ng Intercollegiate Matches ay magiging grande dahil ang magaganap na laban ay mula sa pitong kontinente ay kinooperahan ito ng limang kontinente mula sa ASIA, EUROPE, SOUTH AMERICA, NORTH AMERICA at ang pinakamaliit na kontinente ang AUSTRALIA.
Sa kontinente ng Asia ay may bukod tanging 1 kuponan lamang ang napabilang at yun ay ang kuponan ng TOKYO BLACK SAMURAIZ ng bansang Japan.
Sa kontinente ng Europe ay may 3 kuponan na napabilang at yung ay ang kuponan ng MADRID TOROS ROJOS ng bansang Spain, LJUBLJANA MODRA RIBICA ng bansang Slovenia at ang MOSCOW BURYY MEDVED ng basang Russia.
Sa kontinente ng South America ay napabilang ang 2 kuponan. Ang BUENOS AIRES HORNERO RUFO AZUL ng bansang Argentina at BRASILIA ONCA VERDE-AMARELO ng bansang Brazil.
Sa kontinente ng North America ay nag-iisang napabilang ang kuponan ng AMERICAN YELLOW FOX ng basang United States.
At ang panghuli, ang kontinente naman ng Australia ay napabilang ang nag-iisang kuponan. Ang CANBERRA GOLDEN KANGAROO ng Australia's Capital City.
Ang lahat ng kuponang ito ay nagtipong sa iisang bansa at syudad, at yun ay ang bansang Rome, Italy. Sa saktong lugar kung saan ang lokasyon ng arenang gaganapin ang laban.
ANG PAGHANAY SA DALAWANG DIVISION TOP TEAMS
Ang kuponan ng Washington Team ay nahanay sa bracket ng kapwa Top 1 teams mula sa magkaibang Division. Ang Washington Team ang Division 1 Representative, habang ang Buenos Aires Team ay mula sa Division 2, ang Ljubljana Team naman ay mula sa Division 3 at ang kuponan ng Madrid Team ay Division 4 Representative. Ang mga kuponang nabanggit ay purong mga Top 1 sa kani-kanilang dibisyon.
Samantala, ang kuponan naman ng Tokyo Team ay nahanay sa bracket ng mga Top 2 Teams mula sa magkaibang Division. Ang Tokyo Team ang Division 1 Representative, habang ang Brasilia Team ay mula sa Division 2, ang Moscow Team naman ay mula sa Division 3 at ang kuponan ng Canberra Team ay Division 4 Representative. Ang mga kuponang nabanggit ay purong mga Top 2 sa kani-kanilang dibisyon.
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️
FanfictionSa ikalawang yugto ni Hanamichi Sakuragi sa pagsabak sa Intercollegiate Matches ay nagawa ng kanilang kuponan na talunin ang ibang NUMBER 1 TEAMS na nakabilang sa kanilang Row at nahirang bilang representative sa Row 1 ng Division 1. At sa Row Match...