SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES
CHAPTER 235: TOKYO vs. MANILA (Philippines)
(Ps: Typo Errors Ahead!)
THIRD PERSON'S POV
Nakaramdam ng hindi kaaya-ayang presensya ang Tokyo Team sa pagpasok ni Magallanes at pagkabilang nito sa line-up ng Manila Team.
Labing-anim na minuto na lang ang natitira sa 2nd half - 3rd quarter. Ang kasalukuyang punto at 25 para sa Manila Team at 31 points naman sa Tokyo Team.
Hawak ng Manila Team ang bola. Nasa kamay yun ni Pepito, pinatalbog niya ito sa kanyang kinatatayuan habang katabi nito ang bagong pasok na si Magallanes.
Ang dalawang Kapitan ng Manila Team ay magkatabi habang nakatingin sa gawi ng Tokyo Team. Nilapitan naman sila ni Bautista.
"Seryosohin na natin ang trabaho." Sabi sa kanila ni Bautista.
"Tara na." Sagot ni Magallanes saka sila nag fist bomb ni Bautista.
Sa Bench Area naman ng Tokyo Team ay napadasal na lang si Haruko. "Galingan niyo... Sakuragi."
(Dribbling...)
"Ayan na sila." Sambit ni Sendoh.
Sinimulan na ng Manila Team ang opensa.
Dinribol ni Pepito ang bola palabas ng court ng Tokyo Team. Mabilis ang kanyang pagkakadribol tila may hinahabol, ganun din ang mga pinamumunuan niya.
Sa saktong pagpasok nila sa half court ng Manila Team ay sinalubong siya ng depensa ni Futatsu.
Pero dinali lang siya ni Pepito at nakalusot agad ito na ikinagulat ni Futatsu.
"Teka ano? Papaanong---" hindi na niya tinapos ang kanyang sasabihin nang agad niyang sinundan si Pepito.
Wala na silang oras na dapat aksayahin.
Tinapatan ni Futatsu ang bilis ng takbo at kilos ni Pepito. Inilapit niya ang kanyang isang kamay sa bolang dinidribol ni Pepito nang bigla itong huminto at biglang pinasa ang bola sa likuran.
*PASS!*
"Pinasa niya!"
Hawak yun ni Magallanes na nakapwesto na sa tres area ng kanilang half court. Sa saktong pagsalo ng bola ay agad itong shinoot.
Pero biglang sumulpot sa harapan niya ang isang kamay ni Mittsu para tamaan ang bola.
"Pipigilan kita."
Pero ngumisi lang si Magallanes at shinoot parin ang bola.
Laking mangha ng lahat sa ginawa niyang tira, isang 3 point long shot.
*SHOOT!*
"Ayos..." Bulong ni Magallanes.
Naghiyawan naman ang Manila Team Audience.
"AYOS! ANG GALING!
3 POINTS!
ISANG TRES NA LANG AT PANTAY NA ANG PUNTOS NATIN SA TOKYO!"
Dahil sa tira ni Magallanes, ang kaninang 25 points ay ngayon naging 28 na. Isang 3 point shot na lang at pantay na ang parehong puntos.
Napaapir si Pepito at Bautista sa kanya.
"Tara sa depensa. Agawan natin sila." Sabi sa kanila ni Lakandula.
"Uyy si number 1 point guard. Ang tahimik mo ata simula pa kanina?" Ngising tanong ni Magallanes sa kanya.
Inirapan naman siya ni Lakandula. "May pinaghahandaan lang." Sagot niya.
"Mukhang gusto ko yan." Mas lalong lumapad ang ngisi ni Magallanes dahil sa binabalak ni Lakandula.
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️
FanfictionSa ikalawang yugto ni Hanamichi Sakuragi sa pagsabak sa Intercollegiate Matches ay nagawa ng kanilang kuponan na talunin ang ibang NUMBER 1 TEAMS na nakabilang sa kanilang Row at nahirang bilang representative sa Row 1 ng Division 1. At sa Row Match...