CHAPTER 194:

536 47 6
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 194:

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Natikom ang bibig ni Hanamichi sa sinabi ni Sylvestre sa kanya.

"Ikaw naman, di mabiro." Sabi agad ni Hanamichi.

"Pwess hindi ito ang oras para makipagbiruan. Matuto ka namang magseryoso." Sabi din ni Sylvestre sa kanya.

Tingnan naman ni Maki si Sendoh. "Narinig mo yun, Sendoh?"

Napakurap naman ito. "Bakit ako ang tinatanong mo?" Deny niya.

Nagsalita naman si Zakusa. "So, klaro ba yung mga impormasyon na narinig niyo? Any questions baka may hindi kayo naintindihan?" Tanong nito sa kanila.

Nagtaas naman ng kamay si Kiyota. "Pareng Zakusa... Tungkol sa magiging Round 5 match ng Intercollegiate. Diba ang South Korea ang ating makakalaban?" Tanong nito.

Tumango naman si Zakusa. "Oo, ang number 1 College Team ng South Korea ang Representative sa Row 2. Ang pangalan ng kanilang unibersidad ay Seoul Affiliated Academy, ang kanilang kuponan naman ay Seoul Green Alligators o Seoul Nogsaeg Ag-eo(Sul Noseyg-agu). Sa ngayon ay wala pa tayong data sa kanila." Sagot nito.

"Mukhang matatagalan bago tayo makalagap ng impormasyon sa kanila. Mukhang kailangan muna nating makarating sa Amerika bago makuha yun." Wika ni Mari sa kanila.

"Pahirapan 'to. Hindi tayo makapaghanda kapag wala tayong impormasyon tungkol sa kanila." Wika rin ni Maki.

Bumuntong hininga na lang si Sendoh at sumandal sa pader sa kanyang likod. "Hindi na natin poproblemahin yan." Napatingin silang lahat sa kanya nang sabihin niya yun.

"Anong ibig mong sabihin, Hijo?" Tanong ni Coach Kawarama sa kanya.

"May kilala po kase ako na isang Basketball Journalist. Dahil involve ang Tokyo Team sa Intercollegiate Matches ay trabaho nya na din ang makapag-interview at maglagap ng impormasyon sa ibang kuponan upang isali sa kanilang billboards." Nang marinig nila ang sagot ni Sendoh ay parang nakilala agad ng Tokyo Team kung sino ito maliban sa limang outside players na nasa kanilang harapan.

"Teka lang, Sendoh--- huwag mong sabihin na Ate yan ni Hikoichi?" Tanong ni Hanamichi.

Ngumiti lang si Sendoh at tumango bilang sagot. "Yep, siya nga."

Tumaas naman ang isang kilay ni Kiyota at tinuro si Sendoh. "May hindi kaba sinasabi sa amin? Sa tono mong yan mukhang malapit kayo sa isa't-isa ah?" Tanong nito na may ngising nakakaloko.

"Oo nga... Ikaw, Sendoh ahh--- umamin ka nga?" Dagdag naman ni Hanamichi.

Imbes na mainis o mairita si Sendoh sa kanila ay sa halip ngumiti na lamang ito at tumango.

"Sendoh---" awat sa kanya ni Fukuda at Ikegami.

"Oo, tama kayo ng iniisip. Nakikipag date ako kay Yayoi." Nakangiting sagot ni Sendoh sa kanila.

"ANO!!!" sabay na sigaw ni Hanamichi at Kiyota.

"Ano ba yan, hindi man lang marunong mag deny." Bulong ni Ikegami.

"Anong problema dun? Atsaka, lingid sa kaalaman niyo. Matagal ko na siyang inaanyaya makipag date sakin. Mga ilang beses na rin." Sagot muli nito.

"Sendoh! Seryoso ka ba sa pinagsasabi mong yan? Yung Ate ni Hikoichi? Talaga ba?" Hindi parin makapaniwalang tanong ni Hanamichi.

SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon