SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES
CHAPTER 219: TOKYO vs. SEOUL (South Korea)
(Ps: Typo Errors Ahead!)
THIRD PERSON'S POV
Ang bola ay tumalbog sa sahig nginig yung pinatalbog ni Ryeowook. Kinakabahan siya sa mga segundong natitira. Gusto niyang manalo sa laban na ito pero nakikita niyang hindi talaga ordinayong team ang Tokyo Black Samuraiz.
"OPENSA!
OPENSA!
OPENSA!"
"DEPENSA
DEPENSA!
DEPENSA!"
Pinatalbog ni Ryeowook ang bola. Ang takbo ng oras ay paubos na.
Sinimulan na niyang idribol ang bola. Mabilis at matulin na ito. Ang kanyang mga kasamahan naman ay mabilis din nagsitakbuhan papasok sa court ng Seoul.
"DEPENSAHAN NIYO SILA, TEAM! AGAWIN NIYO ANG BOLA HANGGA'T MAARI!" sigaw sa kanila ni Haruko.
Ang buong gymnasium ay napuno ng mabigat na atmosperika. Nagiging agresibo na ang bawat galaw nila. Tutok na tutok ang lahat ng manonood lalo na sina Haruko, Mari, ang mga bangkong players, ang Apat na Ungas at si Coach Kawarama pati ang mga Apo nito.
Sakto namang dumating si Hanagata at Hitotsu na kalalabas lang ng clinic. Napatingin sila sa laban at silay namangha sa kasalukuyang estado ng kanilang kuponan.
Pagkalabas ni Ryeowook sa court ng Tokyo ay pinasa niya ang bola kay Sunah na nasa outer area. Pagkasalo nito ay nagpose agad ito at shinoot ang bola.
*PAKK!*
Pero biglang sumulpot ang isang kamay ni Hanamichi dahilan para mawalan ng balanse ang bola.
"REBOUND! KUNIN NIYO!" sigaw ni Coach Hyunjoo.
Nagmadaling tumakbo si Sangwoo at Seohoo palapit sa ring na ikinaalarma ni Hanamichi.
"Tumabi kayo!" Sigaw ni Hanamichi.
"Hindi kana makakaulit, tikbalang!" Nakangising sabi sa kaniya ni Sangwoo.
"Pwehh--- Sana kinain ka na lang ng Zombie sa Busan!" Masungit na sagot ni Hanamichi.
"Ano daw?" Sangwoo
Paglapit ng bola sa ring ay tumama lang ito sa unahan at tumalbog ng mataas.
Parehong nakahangad sa bola ang tatlong reboundant na sina Seohoo, Sangwoo at Hanamichi. Sabay silang tumalon at inabot ang bola.
*PAKK!!*
Si Hanamichi Sakuragi parin ang nakaabot sa bola.
Pagkababa nito ay naantay pala doon si Kurooshi at pinalpal ang bolang hawak ni Hanamichi.
*PAKK!*
"Whaaaaaahhh!" Sigaw ni Hanamichi sa gulat.
15 seconds na lang.
Ang bola ay muling nasa ere pero nadakma yun ni Kiyota.
*PAKK!*
"Sa amin na 'to mga prehh!" Sabi ni Kiyota at pinasa agad ang bola kay Sendoh na nasa free throw area ng Paris court.
*PASS!*
"Magaling!" Sabi ni Sendoh at dinrobol palabas ang bola.
"SIGE SENDOH!" sigaw ni Mari, Fukuda at Ikegami.
Binilisan ni Sendoh ang pagdribol sa bola hanggang sa nakarating siya sa outer area ng Tokyo Court. Akmang magsoshoot siya nang sumulpot ulit si Kurooshi at tinamaan ang bola.
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️
FanfictionSa ikalawang yugto ni Hanamichi Sakuragi sa pagsabak sa Intercollegiate Matches ay nagawa ng kanilang kuponan na talunin ang ibang NUMBER 1 TEAMS na nakabilang sa kanilang Row at nahirang bilang representative sa Row 1 ng Division 1. At sa Row Match...