CHAPTER 193:

589 36 5
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 193:

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Kinaumagahan ay dumalaw ang limang player na sina Rajak, Jabour, Sylvestre, Solevenn at Cadieux sa hotel na tinutuluyan ng Tokyo Team sa Skopje City. Binati nila ang dalawang Coach na si Zakusa lalo na kay Coach Kawarama bilang Lolo ni Hanamichi Sakuragi.

"Mabuti at napadalaw kayo dito mga Hijo. I'm still surprised na magkakilala kayong lima." Sabi ni Coach Kawarama sa kanila.

"Opo, Coach Sakuragi. Sa katunayan ay may impormasyon din kami para sa Row Matches ng Tokyo Team." Sagot ni Cadieux.

"Oo nga pala, ikaw si Cadieux tama? Ikaw din yung nagbigay ng information sa amin nung nasa Paris din kami?" Coach Kawarama.

"Yes po, it's me." Ngumiti si Cadieux.

Nagtipon ang lahat sa malawak na balkonahe ng room ng Tokyo Team, ang ibang players ay kanya-kanyang upo sa sahig. Si Cadieux ay may binigay na isang printed papers kay Zakusa tungkol sa venue kung saan gaganapin ang Round 5 ng Tokyo Team.

Nang matanggap yun ni Zakusa ay binasa niya iyon at nagulat ito nang mabasa niya kung saan gaganapin ang laban.

"Kung ganun, dito pala." Sabi ni Zakusa.

"Yes, Coach. That is one of the expensive standium na malalaruan niyo. Ang swerte ng Tokyo Team." Cadieux

"Anong standium ba yan?" Singit ni Hanamichi sa kanila.

Binuklat naman ni Zakusa ang papel at pinakita sa kanila ang hitsura ng standium na malalaruan nila sa kanilang next match. Namangha ang mga ito sa ganda at kung gaano ito kamamahalin.

"Waw naman, Zakusa! Mukhang sikat na basketball court yan ah?" Tanong muli ni Hanamichi.

"Oo... Ito ang basketball court na malalaruan natin sa Round 5. Ito ang Cameron Indoor Standium na matatagpuan sa Durham, North Carolina ng bansang Amerika." Sagot ni Zakusa na ikinamilog ni Hanamichi.

Pati nina Maki, Fujima at Sendoh.

"Ano? Sa amerika?" Nabibinging tanong ni Sendoh.

"Oo." Zakusa

Natigilan si Hanamichi nang marinig niya yon. "Seryoso ba yan? Sa Amerika talaga gaganapin ang susunod nating match? Diba taga doon din ang American Yellow Fox?"

Sumagot naman si Cadieux sa tanong niya. "Oo... Ang American Yellow Fox ay ang basketball team name ng American International College na matatagpuan sa Washington DC ng America."

"Capital City yan ng America, tama?" Tanong ni Haruko.

"Yes." Cadieux

"Dito sa part ng Amerika ang mas dapat nating paghahandaan." Biglang sabi ni Zakusa na ikinatingin ng kanyang mga miyembro.

Naalala naman ni Sendoh ang mga myembro ng Yellow Fox. "Tama ka... Ang representative team ng Amerika ang Yellow Fox. Ang kuponan na yun ay binubuo din ng mga players na kalahok noon sa Interhigh Matches sa Japan."

"Naalala ko, kabilang sa kuponan na iyon sina Micheal Okita ng Ryokufu, Tsuyoshi Minami ng Toyotama, Dai Moroboshi ng Aiwa, Eiji Sawakita ng Sannoh at Kaede Rukawa ng Shohoku." Isa-isa ni Fujima sa mga miyembro nito.

"Ang limang yan ay puro ACE PLAYER mula sa magkaibang kuponan noon sa high school at ngayon ay nasa iisang kuponan na sila ay masasabi kong napakalakas na nila." Wika din ni Maki. "Hindi na ako magugulat kung nakaya nila maging numero unong kuponan ng Amerika at tinalo ang mga Teams sa kanilang Row Bracket." Dagdag pa nito.

SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon