CHAPTER 244: TOKYO vs. WASHINGTON (America)

506 37 4
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 244: TOKYO vs. WASHINGTON (America)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Nang maidakdak ni Hanamichi ang bola ng matagumpay ay dinagdagan niya ito ng pang-aasar kay Rukawa dahilan para mabanas ang pasensya nito. Sa dunk na iyon ay muli na naman nilang nalamangan ng isang punto ang puntos ng Washington Team.

Inapiran naman ni Hanamichi si Maki dahil sa paghagis nito ng bola sa ring.

"Balik sa depensa!" Wika ni Maki sa kanyang mga kasamahan.

Samantala si Lucas naman ay nakangiting tumingin sa gawi ni Hanamichi, napapabilib siya sa ginawang harap-harapang dunk kay Rukawa. Kung ganun ay hindi niya dapat mamaliitin ito.

"Magaling ang Sakuragi'ng yun." Sambit niya. Si Rukawa naman ay nakatingin kay Hanamichi pero nilipat niya naman kay Sendoh.

Isang player lang ang gusto makalaban ni Rukawa sa match na'to kundi si Sendoh, subalit nakikitaan niya ng potensyal si Hanamichi kung kaya hindi niya ito pwedeng bastang pabayaan na lang.

Nilapitan naman siya ni Sawakita na may awrang mapang-asar. "Nakakahiya ka, Rukawa. Si Sakuragi yung ka 1 on 1 mo pero natalbugan ka?"

Tinignan naman siya ng masama ni Rukawa. "Gunggong."

"Aysus kunwari kapa, aminin mong mas malakas si Sakuragi ngayon sayo, kaya switch na tayo ng opponent player---"

"Masyado pang maaga para purihin mo siya ng ganyan. Makikita mo pag tumuntong na ang tamang oras." Iniwan ni Rukawa si Sawakita para kunin ang tumalbog na bola at nang masimulan ang opensa.

(Bouncing...)

Habang pinapatalbog ni Rukawa ang bola ay nag-iisip siya ng maaaring icocounter attack niya kay Hanamichi. Kung dati ay madali niya itong mababawian pero iba na ngayon. Lalo na sa panahon ng kanyang laban ngayon, nagkaroon ng ng karanasan si Hanamichi na makalaban ang mga malalakas na players at sinabak ang mga nakakamatay na training. Kaya, hindi na niya ito pwedeng maliitin kundi ito ang magpapatalo sa kanya. Lalabanan niya si Hanamichi na ayon sa gusto nito.

"Gunggong talaga," tanging bulong niya at sinimulan na ang opensa.

Dinribol niya ang bola, may kabilisan ito kaya agad siyang nakalabas sa half court ng Tokyo Team. Sa unahan niya ay nandoon sina Sawakita, Moroboshi at Minami habang sa pinakaunahan nito ay nandoon si Lucas. Kung ganun, ay kailangan niyang lusutan ang depensa ng Tokyo Team upang mapasa ang bola sa gawi ni Lucas at nang makapuntos.

Pagkapasok ni Rukawa sa loob ng kanilang half court ay muli na naman siyang sinalubong ni Hanamichi. May ginawa siyang foot trick dahilan para malito si Hanamichi at hindi napansin naipasa na pala nito ang bola.

*PASS!*

Spin move pa kanan ang ginawa ni Rukawa nang makalapit siya sa loob, si Hanamichi naman ay natigilan nang wala na pala sa kamay nito ang bola.

"Nawala yung bola." Hanamichi

"Pumuntos ka, Sawakita!" Sigaw ng isang manonood. Sinundan naman yung ng tingin ni Hanamichi at doon ay nakita niya si Sawakita na nakatayo sa linya ng tres.

Si Sendoh naman tumakbo palapit sa kanya, pero bigla siyang nahinto nang agad humarang sa kanya si Lucas.

"Huh?" Nagtaka si Sendoh dahil basta niya lang pinakawalan si Hitotsu. Anumang pilit niya para makalusot ngunit napakatibay ng depensa nito hanggang sa tagumpay na nagawa ni Sawakita ang tres puntos.

*SHOOT!*

"Ayos!" Bulong ni Sawakit na may ngiti.

Naghiyawan naman ang mga manonood dahil ang kuponan na ng Washington Team ang lamang. Nadaig nila ang isang puntong lamang ng Tokyo Team ng dalawang puntos. Ngayon ay may 10 points na sila habang sa Tokyo Team naman ay 8 points.

Ngumisi naman si Eri, "Ayos, isang tres pa ang gawin niyo para 5 points ang lamang, at kapag mangyare yun ay saka niyo na sila simulang tambangan."

Nagsalita naman ang boyfriend niyang si Micheal. "Sa estado ng Tokyo Team ngayon, I'm sure hindi tayo makadiskarte sa kanila ng maigi. Their team can be consider as an ultimate team. Mahihirapan tayong tambangan sila." Opinyon niya.

Sumagot naman si Eri sa kanya. "Then what's now kung isa silang ultimate team? Tayo naman ang Standard Team--- and wait lang. Bakit nga ba hindi ka sumali sa starting five?" Medyo naiiritang tanong niya.

"Why? Uhmmm... Papagurin ko muna yung starting five nila, saka ako papasok." Simpleng sagot niya.

Napangisi ulit si Eri. "You're the real villain here, darling."

"Parang ganun na nga... Bilang Team Captain na hindi hahayaang matalo ang Team." Micheal

SA COURT, kasalukuyang inoopensa ng Tokyo Team ang bola, hawak yun ni Fujima. Mabilis ang kanyang pagkakadribol kung kaya agad silang nakarating muli sa kanilang court kasama ang teammates nito. Sa saktong pagpasok niya ay binabagan siya ni Minami subalit agad na pinasa ni Fujima ang bola sa tumatakbong si Hitotsu.

*PASS!*

Pagkasalo ni Hitotsu ay saktong palapit siya sa restriction zone para malapitang makapuntos subalit lumantad sa kanyang harapan ang depensa ni Lucas habang ginagalaw ang mga kamay nito upang makuha ang bola.

Iniiwas ni Hitotsu ang bola sa kanya, siya ang pinakamalapit sa ring subalit hindi niya magawang makatira hangga't nasa harapan niya si Lucas.

"Kaaasar, hindi ako makatira." Bulong niya.

"Uno! Dito!" Tawag sa kanya ni Hanamichi.

Napatingin naman si Hitotsu doon, maganda ang pwesto ni Hanamichi, pinasa niya ang bola.

*PASS!*

*PAKK!*

Napanganga pareho si Hanamichi at Hitotsu sa halip na makuha nila ang bola ay biglang sumulpot kung saan si Rukawa at na steal ang pasa.

"Rukawa..." Hanamichi

"Bakit kase hindi mo agad kinuha, Sakuragi-Tol?!" Hitotsu

"Huwag ka na ngang manisi dyan! Umbagin kita dyan ee!" Sagot ni Hanamichi at hinabol si Rukawa.

Pero masyadong mabilis ang ginawang opensa ni Rukawa pabalik sa half court ng Washington Team. Sa kanilang first five, si Hanamichi at Rukawa pa lang ang naunang nakapasok sa Washington Court. Dahil kinapos ng konti si Hanamichi sa distansya ay malayang nagawa ni Rukawa ang simple pero detalyadong lay-up shot.

*SHOOT!*

Muli na namang naghiyawan ang audience area ng Washington Team.

"Ang galing mo talaga, Rukawa!

Grabe!

Ayos! Nadagdagan pa ang lamang natin!

Tayo ang lalamang sa first quarter!"

Pagkatapos maipasok ni Rukawa ang bola ay umatras na siya para abangan ang depensa ng kabilang kuponan. Ang bolang shinoot ni Rukawa ay hawak ulit ni Hanamichi at pinapatalbog na.

Dahil sa tira ni Rukawa ang kaninang 10 points ng Washington Team ay naging 12 points na, habang sa Tokyo Team naman ay 8 points parin.

"Habol tayo, Tokyo! 4 points lang yang lamang nila!

Mahahabol niyo pa yan!" Cheer ng mga manonood na nakaupo sa Audience area ng Tokyo Team.

"Mahusay ang number 11 ng Washington Team, sineseryoso niya talaga si Sakuragi." Wika ni Yuki.

Sumagot naman si Mitsui. "Mula pa high school hanggang sa gumraduate sila, kailanman hindi niya jinojoke-time si Sakuragi sa paglalaro." Sumang-ayon naman si Akagi.

"Madali lang para kay Rukawa ang lampasuhin si Sakuragi noon dahil baguhan pa ito. Pero sa mga abilidad nila ngayon, mukhang hindi na ganun kadali na maulit yon." Akagi

[PS: ANG KWENTONG ITO AY KATHANG-ISIP LAMANG AT WALANG KINALAMAN SA TUNAY NA KWENTO NG SLAM DUNK.]

YouTube Channel: ANIME VIRALS PH

SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon