SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES
CHAPTER 198:
(Ps: Typo Errors Ahead!)
THIRD PERSON'S POV
Paglipas ng ilang oras sa byahe ay gabi na nang alas dyes nang makarating ang eroplanong sinasakyan ng Tokyo Team sa lokasyon ng Charlotte Douglas International Airport sa North Carolina, USA. Ang buong player ng Tokyo Team ay namangha sa ganda ng tanawin sa ibaba ng airport.
"Ito na ba ang Amerika?" Tanong ni Hanamichi.
"Grabe, napakailaw ng syudad." Manghang sabi ni Haruko.
Lahat sila ay nilibot ang paningin dahil sa ganda ng nakikita.
Nalipat naman ang tingin ni Hanamichi nang makita niya si Coach Kawarama na nasa gilid tila ba may tinatawagan sa cellphone nito. Ang buong Tokyo Team ay nagtipon sa gilid ng labas ng airport dahil hinihintay nito ang kanilang sunod na tanging si Coach Kawarama lamang ang nakakaalam.
Lumapit si Hanamichi sa kanyang Lolo. "Coach Lolo... Sino pong tinatawagan niyo?" Tanong nito.
Nakatingin parin si Coach Kawarama sa dial niya bago sumagot. "Yung mga pinsan mo... Sila ang susundo satin."
Nagulat naman si Hanamichi sa kanyang sinagot. Tila ba nabingi siya. "Ano po yun? Mga pinsan? Dito sa Amerika?" Pangkaklaro niya.
"Oo, mga pinsan mo."
Hindi makapaniwala si Hanamichi. Gulat na may halong tuwa nang malaman niyang marami pa pala siyang kamag-anak na natitira. At mismong nalaman niya dito sa Amerika.
Nasagot naman ng kabilang linya ang tawag ni Coach Kawarama.
["Heyyy Lolo---"] hindi na natapos ang bati nito nang magsalita agad si Coach Kawarama.
"Nasaan na kayo? Nandito na kami sa airport."
["Yes we know. We're already in our way na po."]
"Ano? Malayo pa ba kayo?"
["I mean--- at the airport na po. We are searching you right now."]
"Nandito na kami sa labas. Make sure na sakto para sa 20 ka tao ang sasakyan."
"Of course as like what you said, Lolo. We drove 3 vans with twinies."] Sabi sa kabilang linya at pinatay ang tawag.
Nakatingin parin si Hanamichi sa Lolo niya. "Ano daw po ang sabi?"
"Paparating na sila."
Lumipas ang tatlong minuto nang may dumating na tatlong itim na van sa harapan nina Hanamichi. Nakasunod itong huminto sa harapan nila.
Bumuga naman ng hangin si Coach Kawarama. "Sa wakas, nandito na rin sila."
Bumukas naman ang mga pinto ng tatlong van at isa-isa nun niluwa ang tatlong nag gagandahang mga babae. Naglakad ito patungo sa gawi nila.
Ang Tokyo Players naman ay napatitig sa kanilang alindog. Tatlong babae na magkamukha, parehong pula ang buhok at kasing tangkad ni Mari.
"Wow... Sino ang mga yan?" Tulalang tanong ni Kiyota.
"Ewan... para silang mga super model." Sagot ni Fukuda.
"Magkasing tangkad din sila ni Mari. Ganyan ba ang mga babae dito sa Amerika?" Tanong din ni Ikegami.
Ang tatlong babaeng palapit sa kanilang gawi ay parehong ngumiti at tumakbo palapit sa gawi ni Coach Kawarama.
"LOLO!" Bati ng tatlong babae at sabay nilang niyakap si Coach Kawarama.
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️
FanfictionSa ikalawang yugto ni Hanamichi Sakuragi sa pagsabak sa Intercollegiate Matches ay nagawa ng kanilang kuponan na talunin ang ibang NUMBER 1 TEAMS na nakabilang sa kanilang Row at nahirang bilang representative sa Row 1 ng Division 1. At sa Row Match...