SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES
CHAPTER 192:
(Ps: Typo Errors Ahead!)
THIRD PERSON'S POV
May apat na araw pa silang natitira upang ilibang ang sarili sa ibang bagay. Nagplano ang Tokyo Team na libutin muna ang syudad ng Skopje City bago lumisan. Kanya-kanya silang alis para aliwin muna ang sarili.
Magkasamang umalis si Maki, Kiyota at Jin, habang si Fujima naman ay kasama si Hanagata. Sina Sendoh naman ay kasama nito sina Fukuda at Ikegami. Ganun din ang Triplets.
Si Coach Kawarama naman ay sinabayan ng Apat na Ungas. Sinamahan nila ito dahil may bibilhin lang.
Samantala si Hanamichi at Haruko ay kasabay nila sina Zakusa at Mari. Patungo sila sa isang larayan ng street food ng Skopje. Maraming klase ng pagkain at uri ng inumin na siyang nagpatakam sa bibig nina Hanamichi at Zakusa.
"Tinginan pa lang ay mukhang masarap na!" Naglalaway na sabi ni Hanamichi.
"Mari... Gusto mo nito?" Tanong ni Zakusa sa kanya at tinuro ang nakarolyong tsokolate na nakalagay sa isang makapal na apa at umuusok pa dahil sa lamig.
"H-hindi kaya... Masyadong matigas yan? Baka mahirapan akong subuin yan. Hehehe." Napakamot na lang sa pisngi si Mari at ngumiti.
Ngumisi naman si Zakusa ng nakakaloko. "Yung sakin matigas din pero madaling subuin."
Nawala ang ngiti sa mukha ni Mari nang marinig niya yun, tiningnan niya ng masama si Zakusa at---
Isang malakas na sapok ang ginawa nito kay Zakusa.
*BLAAAAG!*
"Animal 'to! Manyak!" Sigaw nito pero humagalpak lang ng tawa si Zakusa.
"HAHAHAHA! Biro lang eh." Natatawang sagot nito habang hinaharang ang kamay dahil sa pinaghahampas siya ni Mari.
Samantala sina Hanamichi at Haruko ay hindi nila maintindihan ang tinuturan ng dalawa.
"Hoy--- kayong dalawa. Mas mabuti pa siguro na maghiwalay na lang tayo noh? Istorbo kayo samin ni Haruko eh." Maktol ni Hanamichi sa kanila na ikinatawa ng mahina ni Haruko.
"Sos, Sakuragi. Ang sabihin mo ay nahihiya kang bumanat kay Haruko. Dahil ba nandito kami?" Tanong ni Zakusa sa kanya habang may nakakalokong awra sa mukha.
Inirapan naman siya ni Hanamichi. "Hindi ako nahihiya. Sadyang istorbo lang kayo!" Sagot niya saka hinawakan ang kamay ni Haruko. "Magsosolo kami ni Haruko myloves--- maiwan ko na kayo mga gurang!"
Pagkasabi nun ni Hanamichi ay hinila niya si Haruko paalis.
"Pakasaya kayo!" Ngumiti si Haruko sa kanila at kumaway bago sila tuluyang umalis.
Nagpunta ang dalawa sa mga nakahelerang street foods. Meron ditong preskong prito na patatas na may chili-cheese flavor, mga burgers, ice cream vendors at iba pa.
Habang naglalakad nang magkasama ang dalawa ay napatingin ang mga tao sa kanila at dahil na rin sa mala kapreng tangkad ni Hanamichi kasama ang isang magandang dilag na katulad ni Haruko.
Pagkalipas ng ilang minuto ay naiwan si Haruko na nakaupo sa isang table habang si Hanamichi ay bumibili ng kanilang pagkain. Sa hindi kalayuang mesa malapit sa gawi ng dalawa ay nakatingin sa kanila ang limang pamilyar na tao.
Nang makumpirma nilang si Haruko Akagi ito, ang isa sa mga Manager ng Tokyo Team ay dali-dali nila itong nilapitan.
"Hello!" Bati ng isang myembro kay Haruko.
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️
FanfictionSa ikalawang yugto ni Hanamichi Sakuragi sa pagsabak sa Intercollegiate Matches ay nagawa ng kanilang kuponan na talunin ang ibang NUMBER 1 TEAMS na nakabilang sa kanilang Row at nahirang bilang representative sa Row 1 ng Division 1. At sa Row Match...