CHAPTER 202: TOKYO vs. SEOUL (South Korea)

685 49 13
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 202: TOKYO vs. SEOUL (South Korea)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

*** Cameron Indoor Standium **

Napawow sina Hanamichi sa hitsura ng loob ng sikat na standium. Hindi niya mapigilan ang mapangiti dahil naaamoy niya ang awra ng NBA. Ang ikinapagtataka lang ng Tokyo Team ay kung bakit iilang tao lang ang kanilang nakikita sa hallway ng standium.

Nasaan kaya ang ibang manonood?

May isang staff naman ang lumapit sa gawi ng Tokyo Team at nagpresenta ito na siya ang maghahatid sa kanilang magiging locker room area nito.

Si Coach Kawarama kasama ang mga Apo nitong babae pati ang Apat na Ungas ay nagpaalam na sa kanila nang makuha nito ang pinareserve na VIP tickets, sinabi pa nila na magkita na lamang sila kapag nagsimula na ang laban.

Nang makarating na sila sa kanilang private area ay kanya-kanya na silang lapag sa kanilang mga gamit at nagsibihis.

Unang natapos sa pagbihis si Hanamichi saka hinanap ang bagong sapatos na niregalo sa kaniya ni Akagi. Ang isang bagong sapatos na bigay din ni Mitsui ay iniwan niya sa hotel kasama ang luma niyang sapatos. Halos pareho parin ang hitsura at laki nito.

Pagkatapos suotin ni Hanamichi ang kanyang sapatos ay nakaramdam na lang siya ng excitement. Nasasabik na siya, hindi na siya makapaghintay.

Bago pa sila makalabas ay nagsuot si Hanamichi ng jogging pants na pula at itim na tshirt para sa warm up na gagawin mamaya.

Nang makatapos na ang lahat sa pagbibihis ay nakatayo sa kanilang harapan si Zakusa, Mari at Haruko. Ang labin-dalawang players ng Tokyo Black Samuraiz ay nakahelera sa harapan nila.

"Magandang umaga sa inyo players. Alam kong excited din kayo para sa match na ito. Pero guyss, expect at your own risk. Ibang-iba na ang match na ito kumpara sa match natin sa Al Balqa, Paris at Skopje. Sa labang ito ay nakatanggap tayo ng babala, kaya seseryosohin natin ang laban na'to. " Sabi sa kanila ni Zakusa.

Tumango naman silang lahat bilang tugon.

"Palagi niyong tatandaan na huwag maging kampante, gamitin lagi ang isip bago umatake at gumawa ng kilos. Dahil sa pagkakataong ito ay mas malakas na kuponan na ang ating makakaharap. Huwag niyong kalimutan na may GOAL tayo lahat! At yun ay ang maging Representative ng DIVISION 1 at makapasok sa FINAL 8 ng Intercollegiate Matches!" Taas kamay na sabi ni Coach Zakusa sa kanila.

"OO!!!" sigaw nila.

***

Naglakad sila ngayon kasama ang staff na nakaassigned sa kanila upang ituro ang pinto kung saan sila papasok sa loob ng court.

Nang makarating sila ay pinihit ni Hanamichi ang double door knob ng pinto...

Pero nakalock.

"Hoy! Ano 'to? Bakit lock?" Takang tanong ni Hanamichi. "Ayaw niyo ata kaming papasukin eh! Hoy! Ang daya!" Sinipa-sipa pa niya ang pinto.

Sinipa din siya ni Kiyota. "Bobo ka ba? Bakit? Narinig mo na ba ang time buzzer ng court? Narinig mo na?"

Bumusangot naman ang mukha ni Hanamichi. "Hindi pa."

SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon