CHAPTER 217: TOKYO vs. SEOUL (South Korea)

480 37 4
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 217: TOKYO vs. SEOUL (South Korea)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Itinaas ni Sendoh ang kanyang hintuturo bilang kasalukuyang point guard sa line up. "Okay Team! Tapusin na natin 'to!"

"5 MINUTES NA LANG!" sigaw ng Apat na Ungas.

"NAAAMOY KO NA ANG TAGUMPAY!" Ngising sigaw ni Takamiya.

Dahil sa dunk ni Hanamichi, ang 69 points ng Tokyo Team ay naging 71 points na. Habang ang sa Seoul Team ay nasa 24 points pa rin. Tatlong puntos na lang sa Tokyo Team ay magiging 50 points na ang lamang nila sa Seoul.

Napakalaking agwat, imposibleng mahabol pa nila ito.

Ang bench ng American Yellow Fox ay manghang-mangha sa napakalaking lamang ng Tokyo Team. Hindi nila lubos akalain na kaya nitong mantambang ng kuponan sa Intercollegiate Matches at talagang sa best 4 pa ng Division 1.

"Kapag dumating na ang oras na makaharap na natin ang Tokyo Team, siguradong mapapasubo tayo." Sabi ni Moroboshi sa kanila.

"Panigurado." Sang-ayon ni Minami.

"Pero hangga't nandito ako na mula sa American Yellow Fox ng Washington City! Tayo ang mananalo!" Mayabang naman na singit ni Sawakita.

"Yabang." Bulong ni Rukawa.

"Atleast may maibubuga, kaya okay lang!" Bilib pang sagot ni Sawakita.

Mabilis ang pagdidribol ni Kurooshi, mula sa area ng Tokyo Team at palabas nito.

Pagkalagpas niya sa linya ng division line nila ay binounce pass niya ang bola kay Sangwoo na nasa left side outer area court ng Paris.

*PASS!*

Sa ilalim naman ng ring ng Seoul Team ay nandoon na agad si Sunah. Pagkasalo ni Sangwoo ay agad niyang inairpass Seohoo na nasa point guard at mabilis itong nag shoot.

*Shooting...*

*PAKK!*

Nagulat si Seohoo nang sumulpot sa harapan niya si Sendoh at natamaan ang bola. Pagkababa nito ay kukunin na sana niya ang bola nang madakma agad yun ni Kurooshi na nakasunod lang pala sa kanya saka finollow-up sa gawi ni Sunah malapit sa ring.

Nakita ni Hanamichi ang ginawa niya kaya mabilis itong tumungo doon at akmang tatalon nang harangan siya ni Kurooshi.

Medyo nagulat si Hanamichi doon, dahil parang kailan lang na nandoon ito na malayo sa ngayon ay nasa kanyang harapan na. Ang bilis!

"Matsing!" Tawag ni Hanamichi kay Kiyota.

"Eto na!" Sagot ni Kiyota habang tumatakbo.

"PIGILAN NIYO ANG DALAWA YAN! HUWAG NIYO SILANG HAYAAN NA MAGSAMA ULIT!" sigaw ni Coach Hyunjoo mula sa kanyang coaching area.

"Kaming bahala!" Sagot ni Sangwoo at agad hinarangan para babagan si Kiyota dahilan para huminto ito at hindi tuluyang nakalapit sa bolang patungo kay Sunah.

Pilit nina Hanamichi at Kiyota nakalusot sa ginawang panghaharang sa kanila subalit hindi nila nagawa.

Ang tanging narinig na lang ay ang malakas na kalabog mula sa pagdakdak ni Sunah.

*DUNKKKKKKKKKK!*

Sa wakas, nakapuntos muli ang Seoul Team.

"AYOOOOOOOS!

NAKAPUNTOS RIN SA WAKAS!" sigawan ng kanilang taga suporta.

Dahil sa dunk ni Sunah, ang kaninang 24 points ng Seoul ay ngayon naging 26 na. Medyo nakakatuwa man dahil nagawa pa nilang makapuntos, pero ang lamang ng kalaban ay imposibleng mahabol pa nila.

SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon