SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES
CHAPTER 251: TOKYO vs. WASHINGTON (America)
(Ps: Typo Errors Ahead!)
THIRD PERSON'S POV
Sa tatlumpong segundong natitira ay dala parin ni Rukawa ang pagkagulat niya sa ginawang pambihirang shot ni Hanamichi. Kitang-kita ng kanyang dalawang mata ang nangyare, natamaan yun ni Sawakita pero pasok parin.
Samantala sina Jabour at Rajak naman ay proud na proud sa nangyari, nagkaroon ng bunga ang kanilang ginawang kontribusyon kay Hanamichi. Napakinabangan at na nagamit sa wakas.
Si Hanamichi naman ay wala sa sariling napatingin sa kanyang dalawang kamay. Kahit siya ay nagulat, hindi niya akalain na matagumpay nyang nagawa ang isa sa maituturing na pinakamahirap at unpredictable Shooting Skills.
"Nagawa ko..." Niyukom niya ang kanyang kamao saka itinaas. "NAGAWA KO!" sigaw niya.
Pumalakpak naman ang apat na ungas at kunwaring naiiyak. "Hanamichi... Natutuwa kami para sayo!"
"Oo nga! Sana huwag lumaki ang ulo mo." Takamiya
Nanumbalik ang lahat sa normal nang pumito ang Referee at binigay ang bola sa Washington Team. Ang Tokyo Team ang huling nakagawa ng puntos kaya sila na muli ang depensiba.
Hawak ni Sawakita ang bola at pinatalbog ito. Hindi niya alam kung anong klaseng shot ang ginawa ni Hanamichi pero gusto niya yong subukan.
"Iba ka talaga, Sakuragi. Hindi mo'ko binibigo pagdating sa panggugulat." Nakaismid niya sabi saka sinimulan na ang opensa.
Dinribol ni Sawakita ang bola palabas ng inner court ng Tokyo Team. Sa outer area naman ay nandoon na nakatayo ang tatlong best shooter ng Washington na sina Rukawa, Moroboshi at Manami. Pinasa ni Sawakita ang bola kay Moroboshi.
*PASS!*
Pagkasalo nito ay mabilis niya itong dinribol hanggang sa tuluyan itong makalabas sa half court ng Tokyo Team. Pagkarating niya sa kanilang half court ay nakita niya si Rukawa na tutungo sa Shooting guard area.
Nakita ni Rukawa ang kanyang tingin kaya tumango ito. Pinasa ni Moroboshi ang bola agad sa kanya.
*PASS!*
Pagkasalo nito ay agad tumakbo si Hanamichi sa gawi ni Rukawa upang pigilan at babagan itong pumuntos subalit hindi na niya naabutan.
*SHOOT!*
Isang matagumpay na tres puntos ang nagawa ni Rukawa bilang pambawi sa nakuhang puntos ng Tokyo team. Naghiyawan ang naman ang Washington Audience Team. Dahil dun, ang 24 points ng Washington Team ay naging 27 points na. Lamang na ulit sila ng 5 points sa Tokyo Team na 22 points.
Natigilan si Hanamichi dun. "Hindi maari. Nakabawi agad ang Sorong 'to. Kainis."
Nilingon ni Hanamichi ang bolang shinoot ni Rukawa nang makita niya na hawak na agad yun ni Sendoh.
"Tara, opensa!" Sigaw nito.
"Depensa bilis! Depensa!" Sigaw din ni Lucas na siya namang sinunod agad ng kanyang mga kasamahan.
Agad silang tumakbo patungo sa court ng Tokyo.
Si Sendoh ay kasalukuyang hawak na ang bola. Mabilis at matulin ang kanyang pagdidribol hanggang sa nakalabas ito ng tuluyan sa court ng Washington.
"Bilisan niyo pang dalawa!" Sigaw ni Sendoh kina Hanamichi at Hitotsu na naunang tumakbo sa kanila.
Pagkapasok nilang lahat sa half court ng Tokyo ay agad gumawa ng defense formation ang Washington players. Mag-isang nakatayo si Lucas sa ilalim ng ring habang sa rebounding area naman ay si Rukawa.
"Bilis, Uno. Lusubin mo yung ilalim ng ring kung saan nadoon si Lucas. Ako nang bahala kay Rukawa." Sabi ni Hanamichi sa kanya.
"Sige, Sakuragi Tol. Paano kung harangan niya ako?" Tanong nito.
"Hindi natin yan aatrasan, Uno. Dahil kapag ginawa niya yun, makakapuntos tayo dahil alam niyang kaya kong pataubin sila ni Rukawa ng sabay." Sagot ni Hanamichi. Natigilan si Hitotsu sa sinabi niya.
Pakiramdam niya, intensyon ni Hanamichi ang mangbagsak ng kalaban yung tipong hindi na makakabangon pa.
Natatakot siya lalo na sa seryosong mata ni Hanamichi.
"Ngieee, paano pa kaya kapag galit na siya?" Kinikilabutan si Hitotsu sa kanya at sinunod ang sinabi ni Hanamichi.
Samantala si Rukawa na nakabantay sa rebounding area ay nakatingin sa papalapit na sina Hanamichi at Hitotsu.
Isang JBA Trainee Center at ang Red-Haired Rebound King ay palapit na ngayon sa kanilang gawi. Habang silang dalawa naman ni Lucas ay isang NBA Recruited at Ace Player na dating tinaguriang Super Rookie.
Naalarma silang dalawa ni Lucas nang agad nakarating sa kanyang gilid si Hitotsu na hawak na ang bola.
"Hawak niya..." Sabay na bulong ni Rukawa at Lucas. Hula nila ay titira ng jumpshot si Hitotsu.
Pagkarating ni Hitotsu 5 ft. ng inner court ay tumalon ito ng mataas para magjumpshot. Shinoot niya ito.
Medyo nahirapan si Lucas kay Hitotsu dahil mas mataas ang kamay nito kumpara sa kanya kaya natapsingan niya ang bola na ikinawala ng porma nito.
Napatingin silang lahat sa bola na tatama sa ring.
*TSSSSKKKKKK!*
May angking kabilisan din itong si Lucas, sa saktong pagkababa niya sa sahig ay nagawa pa niyang sabayan si Rukawa sa pagtalon nito para makuha ang Rebound.
Pareho sila ni Rukawa na dadakmahin ang bola.
*PAKK!*
"Sakuragi!" Biglang sambit ni Lucas at Rukawa nang sumulpot bigla si Hanamichi sa harapan nila.
At ang malala pa ay nakuha nito ang bola sa halip na sa kanya.
Napanganga si Lucas dahil sa napakataas na talon nito. Mataas, hindi pang ordinaryong player.
"Ako ang Hari ng Rebound! Mga mang-aagaw!" Sigaw ni Hanamichi sa kanila at agad na dinakdak ang bola sa ring.
*DUNKKKKKKKKKKKKKK!*
"YAHOOOOOOO!
AYOS!"
"NICE COVER! SAKURAGI!" Cheer ng Tokyo Audience.
"HANAMICHI ANG HARI NG REBOUND!" Magiliw na sigaw ng Apat na Ungas.
Tiningnan ni Hanamichi ang scoring board. Kulang pa at gipit na sa oras.
Nadagdagan ng 2 points ang kanilang score kaya naging 24 points na. 3 points na lang ang kanilang hahabulin at 10 seconds na lang magtatapos na ang first half.
Malalamangan pa kaya nila ang puntos ng Washington Team?
[PS: ANG KWENTONG ITO AY KATHANG-ISIP LAMANG AT WALANG KINALAMAN SA TUNAY NA KWENTO NG SLAM DUNK.]
YouTube Channel: ANIME VIRALS PH
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️
FanfictionSa ikalawang yugto ni Hanamichi Sakuragi sa pagsabak sa Intercollegiate Matches ay nagawa ng kanilang kuponan na talunin ang ibang NUMBER 1 TEAMS na nakabilang sa kanilang Row at nahirang bilang representative sa Row 1 ng Division 1. At sa Row Match...