SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES
CHAPTER 208: TOKYO vs. SEOUL (South Korea)
(Ps: Typo Errors Ahead!)
THIRD PERSON'S POV
Nagharap si Hanamichi at Kurooshi sa center circle. Nagtinginan ang dalawa at naghanda para sa jump ball. Nakapalibot sa kanila ang ibang players.
Nakatutok si Coach Kawarama sa kanila. "Jump ball huh... Marami nang mga Centro ang natalo ni Hanamichi sa Intercollegiate. Pero ang Kurooshi'ng yun... "
"Hanamichi kaya mo yan!" Sigaw ng Apat na Ungas.
Hinanda ng Referee ang bola at hinagis yun.
"Ayan na." Coach Hyunjoo
Nanlaki ang mga mata ng manonood nang makita nilang sabay tumalon si Hanamichi at Kurooshi na parehong may mataas na talon.
Kunting milimetro na lang ang lapit ng kamay ni Hanamichi sa bola para makuha 'to.
*PAKK!*
"Ano!" Nagulat si Hanamichi dahil si Kurooshi ang nakapalpal nun.
"Imposible!" Coach Zakusa. Nagulat din ang iba.
Hindi sila makapaniwala, lalo na ang team ng Yellow Fox. Si Rukawa, hindi siya makapaniwala, nakayang talunin ni Kurooshi si Hanamichi sa jumpball.
"Hahahaha... Mahusay, Kurooshi." Ngising bulong ni Coach Hyunjoo.
Ang bolang napalpal ni Kurooshi ay nasalo ni Ryeowook. Agad naman nagsibantayan ang ibang players ng Tokyo sa kanilang opensiba pero laking gulat nila ay wala na agad 'to sa kanilang tabi. Nakita na lang nila na nasa half court na ito.
Ang bolang hawak ni Ryeowook ay binounce-pass kay Seohoo. Pagkasalo ni Seohoo ay hinagis naman ito sa nakatalong si Sunah.
*PAKK!*
*DUNKKKKKKKKKKKK!*
"YAHOOOOOOOO!" Sigaw ng mga teammates nila. "AYOS! ANG GALING NG ALLEY HOOP!"
Nag-apiran ang Seoul Players samantala ang Tokyo Players ay speechless ng ilang sandali. Nagulat sila sa kanilang nasaksihan.
"Ang bilis nila." Tanging sabi nila.
"Masama 'to. Unti-unti nang nagpapakita ang galing nila.." Bulong ni Fujima.
Pagkatapos madakdak ni Sunah ang bola ay agad nagsibalikan sa division line ng Tokyo Team. Pagkatapos ay humarap sa opensa ng Tokyo Team upang salubongin ang depensa nila.
4 minutes at 30 seconds na lang ang natitira sa first half. Meron pang 19 points ang Seoul Team samantala sa Tokyo Team ay 34 points. Para sa kuponan ng Tokyo Team ay hindi pa masama ang sitwasyon. Lampasuhin na lang nila ito kung maaari.
"Higpitan ang depensa. Siguradong babawi sila. Huwag niyo paring kalimutan na sila ang numero unong kuponan ng Japan." Sabi ni Seohoo sa kanila.
"Oo!" Sagot ng mga kasamahan nila.
Kinuha ni Fujima ang bola at pinatalbog yun. Tiningnan niya ang kanilang puntos.
*PASS!*
Pinasa niya ang bola kay Maki. Mabilis silang umatake sa depensa ng Seoul Team.
Hinarap ni Ryeowook si Maki. Pero huminto lang ito at pinasa pabalik ang bola kay Fujima.
*PASS!*
"Pinasa niya..." Ryeowook
Pagkapasa ni Maki ay agad niyang nilusutan itong si Ryeowook. Agad namang binalik ni Fujima ang bola kay Maki.
*PASS!*
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️
FanfictionSa ikalawang yugto ni Hanamichi Sakuragi sa pagsabak sa Intercollegiate Matches ay nagawa ng kanilang kuponan na talunin ang ibang NUMBER 1 TEAMS na nakabilang sa kanilang Row at nahirang bilang representative sa Row 1 ng Division 1. At sa Row Match...