CHAPTER 199:

519 31 0
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 199:

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Kinabukasan...

Nagising na lang si Hanamichi nang tumunog ang malakas na alarm sa hotel na pinag-iistayhan nila. Lahat silang natutulog ay tarantang bumangon dahil sa alarm na para bang may hindi magandang nangyayari.

"Ha? Ha? Anong meron? Bakit ang dilim ng paligid?" Tarantang tanong ni Sendoh na nakaupo sa kama habang nakapikit parin ang mga mata dahil kulang sa tulog.

"May sunog ba? Na saan?" Antok na tanong ni Kiyota habang ang buhok nito ay sabog.

Gustong matawa ng babaeng triplets sa mga pagmumukha nila. Napaisip tuloy sila kung first time ba nila ang ganitong pagising.

"Wake up, nihongo peps!" Kawayagi

"Get up and fix yourselves, the breakfast is ready." Kawanagi

"Lolo Kawarama is waiting downstairs with Mari and Haruko. They are now about to start eating." Kawaragi

Bumalik si Hanamichi sa pagkakataklubong sa kumot dahil sa englishang bungad. "Bahala kayo dyan. Kakabukas lang ng mata ko may english na naman." Maktol nito. Babalik na sana ang diwa niya sa muling pagkatulog nang may biglang humila sa kumot at unan niya.

"Are you jerk or a deaf? I said get up already!" Sigaw sa kanya ni Kawaragi na tila ubos na agad ang pasensya.

Si Kawayagi at Kawanagi naman ay parehong hinila ang paa ni Hanamichi at ginuyod paalis sa kama.

*BLAAAAG!*

"Aray!" Sigaw ni Hanamichi dahil tumama ang likod niya sa sahig. "Bitawan nyoko!"

"Take him outside." Utos ni Kawaragi sa mga kambal niya at sinunod nila naman ito.

Nang tuluyan nang nahila si Hanamichi palabas ay tiningnan ni Kawaragi ang ibang players na nakaupo parin sa hingaan. Tiningnan niya ang Apat na Ungas pero nakatayo na ang mga ito at nakasalute pa. Tiningnan pabalik ni Kawaragi ang ibang players.

Pero nag kanya-kanyang bangon at tayo agad ito at mabait na niligpit ang mga ginamit na unan at kumot.

"Hehehe lalabas po kami, Ms. Kawa--- sino ka ulit? Basta--- Ililigpit lang po muna namin yung mga gamit." Magalang na sabi ni Kiyota sa kanya.

Ngumiti naman si Kawaragi sa kanya. "Good, proceed downstairs immediately after that. The foods is about to get cold."

"Okay, Ma'am!" Nakasalute nilang sagot.

Paglabas ni Kawaragi.

Kanya-kanya silang bagsak sa kama.

"Grabe! Nakakatakot naman sila." Mangiyak na sabi ni Kiyota.

"Buti na lang si Sakuragi agad ang biniktima nila. Lagot tayo kapag isa sa atin." Sabi din ni Ikegami.

"Basta ako, magpapakabait ako dito." Singit ni Fukuda.

"Basta ako bukas, mas una na akong gigising bago yung Time Alarm." Sabi din ni Sendoh.

***

Pagbaba ng players sa may floor ng hotel resto, sa hindi kalayuan ay kita na nila ang mahabang mesa kung saan nandoon sina Zakusa, Mari at Haruko kasama si Hanamichi at ang triplets niyang pinsan.

Umupo na sila sa kanilang mga upuan na may saktong bente-kwatro ka tao. Habang kumakain sila ay panay ang sumbong ni Hanamichi sa kanyang Lolo tungkol sa ginawa sa kanya ng pinsan niya.

SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon