CHAPTER 227: TOKYO vs. MANILA (Philippines)

407 40 7
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 227: TOKYO vs. MANILA (Philippines)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

[1st half-2nd quarter| 10 mins. 2 sec|
Tokyo Team: 16 | Manila Team: 16]

"Shattpad, Manaloto!" Hanamichi

Nangiwi naman si Pepito doon. "Hoy, Redhorse! FYI, hindi 'Manaloto' kundi Pepito! Rey Pepito, Pepito yung last name ko!" Panglalaban niya.

"Eto oh piso, bili mo ng kausap." Sagot ni Hanamichi sa kanya at kunwaring may tinapon saka na tumakbo sa kasamahan niya.

"Lakas mang-asar ng Redhorse na yun ah... Kung tutuusin mukha siyang rambutan sa buhok niya. Sheeesh." Pepito

"Tara, opensa!" Pukaw sa kanila ni Lakandula.

"Mag-iingat kayo sa mga gwardiya!" Sabi din ni Macagcalat.

"Kaasar, nabasa agad nila." Sabi ni Fujima kay Maki.

"Change tactic position na naman tayo para maisahan ulit sila. Ang laban natin ngayon sa Manila Team ay hindi pwersahan kundi sa diskartehan." Sagot ni Maki.

Sinimulan nang opensahin ni Lakandula ang bola. Diribol niya ito palabas ng court ng Tokyo Team. Nang makalabas siya ay chinest pass niya ang bola kay Gallego.

*PASS!*

Pagkasalo ni Gallego ay siya ang nagpatuloy sa opensa hanggang nakapasok siya sa court ng Manila Team. Gumamit siya ng bilis at ball handling skill para malusutan ang depensa ng Tokyo Team kaya nakalibre siya.

Saktong patapak siya sa tres puntos ng kanilang court nang sa half court palang ay tumira na siya. Isang half court shot.

*PAKK!*

Nabitawan ni Lakandula ang bola nang mapalpal yun ni Sendoh mula sa kanyang likuran.

"Si Sendoh." Sambit sa isipan niya.

Walang kahit anong salitang binitawan si Sendoh bagkus ay dinakma ang bola saka hinagis paitaas pagawi sa tumatakbong si Futatsu.

Sa unahan niya ay nakaback-up si Hanamichi.

Nang masalo ni Futatsu ang bola ay hinarap niya si Hanamichi kung saan pagawi ito sa court ng Tokyo Team. Ipapasa niya sana ito nang makita niya si Bautista na binabagan si Hanamichi.

"Kainis!" Tanging sambit ni Hanamichi.

"Hindi ka makaarte?" Ngumisi si Bautista sa kanya.

"Badjakan kita dyan ee." Sagot ni Hanamichi.

Napahinto sa pagdidribol si Futatsu nang babagan siya ni Pepito. Nasa outer area palang ng Tokyo Court si Futatsu nang hindi na siya makapagtimpi.

Inatras ni Futatsu ang kanyang isang paa nag step back pose saka seryosong shinoot ang bola.

*SHOOT!*

Tagumpay na pumasok ang outer court shot ni Futatsu na ikinahiyawan ng mga manonood.

Subalit, sina Hanamichi at ang iba pang Tokyo Team ay natigilan at natahimik. Gulat na gulat ang kanilang mga mata sa ginawang yun ni Futatsu, lalo na ang kaharap niyang si Rey Pepito.

Nganga ang mga bibig ng bangkong players ng Tokyo Team, hindi sila makapaniwala. Samantala sina Hitotsu at Mittsu naman ay simpleng lamang na nakangiti.

Hindi nila akalain, ang isa sa mga Main Center ng Tokyo Team ay kaya palang tumira ng Outer Shot. Nababangisan sila.

"D-Dos..." Sambit ni Hanamichi.

SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon