CHAPTER 248: TOKYO vs. WASHINGTON (America)

449 39 6
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 248: TOKYO vs. WASHINGTON (America)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

"Maniwala ka sa'kin... Si Sendoh na ang babantayan ko." Sagot ni Rukawa. "Si Sendoh muna ang uunahin ko. Kapag kay Sakuragi na... Magiging ibang usapan na." dagdag pa niya.

Hindi siya maintindihan ni Sawakita at nakatingin na lang sa kanya. "Paanong iba?" Tanong niya.

"Hindi mo maiintindihan kapag sinabi ko." Sagot ni Rukawa saka umalis.

Nagmaktol naman si Sawakita. "Hoy! Paanong iba? Kahit ikaw nga rin hindi ko maintindihan, pareho lang kayo."

Dahil sa tres ni Sendoh at naglamang ulit ng dalawang puntos sa Washington Team ay siya namang pag-iba ng mood ni Micheal. Ito na ang dalawang beses na nakalamang ulit ng 2 points ang Tokyo Team. Isa sa mga unusual happenings na mangyayare sa kuponan ng Washington Team ang malamangan.

Simula nung nirepresenta nila ang bansang Amerika bilang numero unong kuponan ay kailanma'y hindi sila nalamangan ng kalaban kahit ni-isang punto o tabla man lang. Hindi nila inasahan sa Tokyo Team nila ito mararanasan.

"Micheal... Diba may experience ka na nakalaban mo sila nung bago pa lang ang Team ng Ryokufu?" Tanong ni Coach Amerigo habang ang atensyon nito ay nakatuon sa court.

Tumango naman si Micheal. "Yes, Coach... Pero, si Sakuragi lang yung nakalaban ko noon kung pagbabasehan sa line-up ng Tokyo Team. Dati silang magkasama ni Rukawa sa Team nung high school pa sila, ang Shohoku Team ng Kanagawa." Sagot niya.

"Alam ko ang tungkol dyan... Pero kung ikukumpara mo si Sakuragi sa noon at ngayon. Ang masasabi mo?" Tanong muli ng Coach.

Natahimik sandali si Micheal tila pinag-iisapan ang maging sagot. "Nung una kong nakilala si Sakuragi ay masasabi kong isa syang napakakulelat at sangganong lalake. Nang nalaman ko na isa din pala siyang basketball player ay nagulat ako lalo na ang pagiging baguhan niya. Napakakulelat niya sa court, pasaway at matigas ang ulo. Sablay sa shot at depensa, pero ang reflexes niya ay napakapambihira. Bobo siya sa shooting, pero... Siya ang namumuno at naghahari pagdating sa Rebound." Paliwanag niya saka pumikit.

"Naalala ko pa kung paano nadapa ang isang kasamahan namin dahil sa kakahabol sa kanya. Talagang mabilis yang si Sakuragi... Partida, baguhan pa siya nong nangyari yun. Paano pa kaya na eksperyensadong manlalaro na at marami nang Forward at Centrong nataob?" Mahina siyang natawa. "Kung palakasan at patibayan ng katawan ang pag-uusapan sa kanila ni Rukawa... Mas lamang si Sakuragi." Dagdag pa niya.

Hindi nakapagsalita si Coach Amerigo nang marinig ang kanyang mga sinabi. Napaisip siya at nagtaka dahil bihira lang pumuri ng player itong si Micheal at hindi niya akalain na si Sakuragi ang isa mga ina-acknowledge niya.

SA COURT... Tinignan ni Minami si Rukawa habang dinidribol nito ang bola habang si Rukawa naman ay parang nag-aabang ng kanyang pasa. Hindi na siya nagdalawang isip si Minami na ipasa sa kanya ang bola.

*PASS!*

*PAKK!*

Napatingin ang lahat nang bigong napasa ang bola dahil sa biglaag sulpot ni Fujima kaya siya mismo ang nakasalo sa bola.

"Ayos! Nice interception!" Tuwang sigaw ni Mari.

Agad nagsibalikan sa Tokyo team half court sina Fujima at ang iba pang kasamahan nito. Nakasunod sa kanya si Hanamichi, Maki at Sendoh habang ang nakaback-up at nasa ilalim agad ng ring ay si at Hitotsu.

"Ang bilis. Nakarating agad sila dyan." Sabi ni Eri.

Nang makarating si Fujima sa half court ay pinasa niya ang bola kay Maki na nasa 3 point malapit sa small forward area. Pagkabitaw niya sa bola ay laking gulat niya nang makita ang kamay ni Moroboshi. Nakangisi ito sa kanya.

*PAKK!*

Ang bola ay tumalbog patungo kay Lucas. Agad napasunod ang Tokyo Team nang makita nila si Lucas na mabilis ang pagdribol nito at nakabalik agad sa half-court ng Washington. Nag overhead pass si Lucas kay Rukawa. Tumalon naman ito at tagumpay niyang nasalo ang bola.

Mabilis at matulin ang takbo ni Hanamichi  kaso mabilis din si Rukawa kaya hindi na niya mahabol hanggang sa makalapit na ito sa ring.

"Grrrrrr Rukawa! Ipasa mo yan sa kasamahan mo, huwag kang pasikat!" Sigaw ni Hanamichi habang tumatakbo.

"Tssk... Gunggong." Tanging sagot ni Rukawa at,

*DUNKKKKKKKKKKK!*

Isang malakas na dunk mula kay Rukawa ang pinalutong niya sa standium.

"AYOS ANG GALING!

GANYAN NGA RUKAWA!

SHEEEET L-O-V-E RUKAWA KA TALAGA SAKIN!" cheer nila.

"Kaasar..." Iritang bulong ni Hanamichi habang nakatingin sa scoring board ng standium. Ngayon, pareho nang may tig 17 points ang parehong kuponan, tabla na.

Ang tensyon sa paligid nv standium ay napapalibutan ng mabigat na atmosperika. Dahil ilang minuto na ang lumipas pero ang puntos ng bawat kuponan ay napakakunti pa lamang. Patunay na parehong malakas ang kanilang mga depensa at opensa, parehong ayaw magpalusot at hindi pabaya. Ang mga Intercollegiate Scoring Table Coach na nanonood sa kanila ay hindi mahulaan kung aling kuponan ang posibleng mananalo gayong pantay ang mga lakas nito.

"Ako ang nahihirapang huminga sa match na'to." Kunwaring naghihingalo na wika ng isa sa mga Intercollegiate Coach. May katandaan na ito at kulay ube ang buhok.

Nagsalita naman ang katabi nitong Intercollegiate Coach na blondie. "Hindi ka nag-iisa. Ang kuponan na naglalaban ngayon ay parehong may maitim na presensya."

Nagsalita ulit ang Intercollegiate Coach na kulay ube ang buhok. "Ee kung pustahan na lang tayo, Sai?"

"Sira-ulo kaba Ryuusuke? Nandito tayo bilang Coach hindi bilang sugarol. Nakakahiya ka, yung anak mo sa baba nagsisikap ng plano para manalo ang kanilang kuponan at ikaw plano makipagpustahan? Nakakahiya ka talaga!" Sermon ng Intercollegiate Coach na blondie sabay apak sa paa ng Coach na kulay ube ang buhok na ikinadaing nito.

Napalingon naman ang isang Coach sa kanila. "May problema ba... Mr. Zakusa?" Tanong nito.

Umiling naman si Coach Ryuusuke. "No, --- I mean nothing. Nakagat lang ako ng lamok." Palusot nito. Kinurot niya naman ang katabi niyang Coach na dilaw ang buhok.

"Aray!"

"Bakit--ikaw din, Mr. Yuki?"

"Nahh--- fine! I'm alright. Maraming lamok dito sa ilalim ng mesa namin." Palusot niya din.

"O-okay. Think we should put some mosquito repellent spray there." Sabi ng isang Coach.

"Thank you, then." Ngumiti pareho si Coach Sai at Ryunosuke.

Samantala sa Audience area, napatakip na lang ng mukha si Yuki nang makita niya ang kilalang tao sa Scoring table ng match.

"Patay! Anong gagawin ko? Kapag nalaman niyang iniwan ko si Reishun sa japan, siguradong bubugbogin niya ako! Bakit hindi ko nalaman na isa pala sa mga Scoring Coach si Papa!" Yuki

[PS: ANG KWENTONG ITO AY KATHANG-ISIP LAMANG AT WALANG KINALAMAN SA TUNAY NA KWENTO NG SLAM DUNK.]

YouTube Channel: ANIME VIRALS PH

SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon