SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES
CHAPTER 240:
(Ps: Typo Errors Ahead!)
THIRD PERSON'S POV
Nang mga sandaling iyon ay wala sa oras na muling napasailalim sa matinding training si Hanamichi kasama ang Apat na Superiors Players na sina Yuki, Zakusa, Muzaka at Sakurayashiki.
Ang ibang natitirang players ay naglaro sa kaliwang court habang sa kanan naman ay sina Hanamichi.
Ang Triplets naman ay naaawa sa kasalukuyang kondisyon ni Hanamichi sa kamay ng Apat na Superior Players.
"Si Sakuragi-Tol ba talaga yang nakikita kong nakahandusay?" Hitotsu
"Para siyang nasa bingit ng kamatayan." Futatsu
"Hindi ako sanay na makita siyang ganyan ka bagsak... Nakakaawa siya." Mittsu
Samantala si Hanamichi habang nakahiga sa sahig at hinang-hina na. "P-patayin niyo na lang ako--- kahit isang strike lang..."
Napangiti na lamang si Hanamichi nang makita niya ang liwanag sa kalangitan at mga naghuhuning ibon.
"Mga anghel sa kalangitan, sinusundo niyo na ba ako? Huwag kayong mag-aalala. Payapa akong sasama sa inyo." Tuluyan nang nawala sa sarili si Hanamichi.
Nakita niya naman ang mukha ni Yuki na nakangiti sa kanya habang ito ay napapalibutan ng liwanag.
"Sakuragi..." Mahuning tono na sambit ni Yuki animo'y isang anghel.
"Waw~... Yuki--- Ikaw pala ang Anghel ko..." Ngumiti si Hanamichi.
Pero agad nawala ang ngiti niya nang naging madilim ang mga ngisi ni Yuki sa kanya.
"SAKURAGI!!!" sigaw nito sa kanya sabay buhos ng isang timbang tubig.
*WASSSSSHHHHHHH!*
Bumalikwas ng bangon si Hanamichi sa ginawa niya.
"WhaaaAaaaAAaAAh! ANONG NANGYARI?!!" biglang tanong niya.
Napaismid naman si Zakusa habang nakatingin sa basang si Hanamichi. Si Yuki naman nakatayo sa gilid na may bitbit na isa pang timba na may lamang tubig.
"Muntik ka nang nasiraan ng ulo, Sakuragi. Mabuti pa at naagapan agad yun ni Yuki." Ngumiti si Zakusa sa kanya.
"Ano, ayos ka lang?" Tanong ni Sakurayashiki sa kanya.
"Nako, kawawa naman siya." Nag-aalalang sabi ni Muzaka.
Bumusangot naman ang mukha ni Hanamichi sa mga sarkastikong kataga ng mga ito.
"Tumigil kayo mga plastik! Gusto niyo akong patayin ee!" Bulyaw niya sa mga ito.
Muli na naman siyang binuhusan ng tubig ni Yuki.
*WASSSSSHHHHHHH!*
"ANO BA, BOY CHARAAAN! NAMUMURO KANA!" singhal niya at agad na tumayo saka kinuwelyuhan ito.
"Ohh, akala ko ba ubos na ang lakas mo? May kaya ka pa palang maninghal?" Ngumisi si Yuki sa kanya.
Bumusangot muli ang hitsura ni Hanamichi at binitawan siya. "Hindi ako magpapatalo sa inyo." Tanging sabi nito.
"I like your fighting spirit, bata. Pero may hangganan din yan." Singit naman ni Sakurayashiki. Tinignan niya naman si Akagi saka sinenyasan na lumapit.
"Huh?" Tumayo si Akagi at lumapit sa kanila.
"Ikaw yung Kuya ni Ms. Akagi, tama ba? Pwede ka bang mag volunteer dito?" Aya sa kanya ni Sakurayashiki. "Total dati kang player, ikaw maglalaro sa centro, depensahan mo si Sakuragi kasama namin." Dagdag pa niya.
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️
FanfictionSa ikalawang yugto ni Hanamichi Sakuragi sa pagsabak sa Intercollegiate Matches ay nagawa ng kanilang kuponan na talunin ang ibang NUMBER 1 TEAMS na nakabilang sa kanilang Row at nahirang bilang representative sa Row 1 ng Division 1. At sa Row Match...