CHAPTER 206: TOKYO vs. SEOUL (South Korea)

539 52 12
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 206: TOKYO vs. SEOUL (South Korea)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Pagkakuha ni Hanamichi sa bola ay itinaas siya ito upang ihagis sa kabilang court kung saan nakatayo si Sendoh na nakaabang.

"Salo, Sendoh!" Sigaw ni Hanamichi saka pwersang hinagis ang bola.

Pero natigilan si Hanamichi nang...

*PAKK!*

Napigilan ni Kurooshi ang pwersang pasa niya gamit lamang ang isang kamay.

Nagulat ang lahat sa nasaksihang iyon, kahit ang apat na ungas. Hindi sila makapaniwala na kayang tapatan ng lakas ni Kurooshi ang nakakamatay na pasa ni Hanamichi.

"Hindi maaari. Napigilan niya?"

"Nung taong huling gumawa niyan ay si Kishimoto, pero napuruhan ng grabe. Pero siya--- ibang klase." Nauumay na sabi nina Mito at Takamiya.

Napaisip sila, maaaring kayang tapatan ni Kurooshi ang lakas na taglay ni Hanamichi. Sa ilang laban na napagdaanan ng Tokyo Team ay ngayon lamang sila nakakita ng ganun.

Hula nila na hindi ordinaryong player si Kurooshi. Maaaring pagsimula ng laban at sa kasalukuyan ay nagpipigil pa lamang ito.

"Masama 'to." Bulong ni Mito.

Samantala si Sendoh at Hanamichi ay nakatingin kay Kurooshi. Natigilan sila, kaya ginamit ni Kurooshi ang pagkakataon.

*PASS!*

Pinasa niya sa libre nyang kasamahan na si Seohoo.

"Nako!" Tanging sabi ni Mari.

Nasalo ni Seohoo ang bola at walang alin-langang tumira sa inner court.

*SHOOT!*

Nakapuntos muli ang Seoul Team, umabot na sila ng 12 points. Pero kulang pa ang 12 points nila sa lamang ng Tokyo Team na 14 points.

"Ayos lang yan, Team. Pakalmahin ang mga isip." Pukaw ni Fujima sa kanila habang pinapatalbog ang bola.

Napatawa na lang si Sendoh at pinagpag ang kamay. "Ibang klase..." Tanging sabi ni Sendoh habang nakatingin sa nakangising si Kurooshi. "Kung ako sayo boi huwag mong aasarin si Sakuragi. Magsisisi ka." Bulong niya pero hindi yun narinig ni Kurooshi dahil na rin sa layo nito.

Pero si Sendoh ay nanatiling nakangiti parin, magkakaroon na naman ng showtime kapag si Hanamichi maubusan ng pasensya.

Hinanda ng Seoul Team ang kanilang sarili para sa depensang gagawin.

"ANG BILIS NYA!"

"FUJIMA!"

Mabilis na dinribol ni Fujima ang bola palabas ng half-court ng Seoul Team. Agad siyang nakalagpas sa division line kasama ang teammates nito.

Umatake naman ang sina Maki, Hanamichi, at Hanagata sa loob ng defense zone ng Seoul Team. Samantala sina Sendoh at Fujima ay naiwan sa outer area para sa gagawin nilang distraction offense para sa Seoul Team Team.

Kasama agad ni Hanagata si Sunah sa ilalim ng ring para sa baka sakaling palya na tira.

Hinarangan ni Dojun si Fujima.

Pero agad binaba ni Fujima ang kanyang sarili para hindi maabot ni Dojun ang bola at ginawa niya ang through the legs ball handling.

(Bouncing...)

Saka pinalusot ang bola patalbog sa ilalim ng ring.

"Nakalusot!" Dojun

Tumalbog ang bola patungo kay Kurooshi.

SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon