CHAPTER 230: TOKYO vs. MANILA (Philippines)

388 34 2
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 230: TOKYO vs. MANILA (Philippines)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Maghuhuling minuto na lang sa 1st half, at sa kasalukuyang puntos ay lamang ang Tokyo Team sa Manila Team. Agad nagsiposisyon ang Manila Team para masimulan agad ang opensa dahil malapit na ang pagtatapos ng 1st half.

Pinasa ni Lakandula ang bola kay Gallego para pamunuan ang opensa.

Dinribol niya ito paalis sa court ng Tokyo Team saka sumulong sa kanilang half court. Sa unahan niya ay nandoon si Bautista, agad niyang pinasa ang bola dito.

*PASS!*

Nang tuluyan silang makapasok sa kanilang court, ang bolang hawak ni Bautista ay finollow-up niya kay Pepito sa pamamagitan ng air pass.

*PASS!*

Nang masalo ni Pepito ay saktong nakatayo siya sa shooting guard area saka hinanda ang bola para tumira.

"Pipigilan kita." Sulpot ni Futatsu sa kanyang harapan.

Nagulat naman si Pepito, pero hindi yun hadlang para hindi tumira. Inatras niya ang kanyang isang paa saka tumalon. Shinoot ang bola gamit ang estilo ng step back shot.

*SHOOT!*

Nang pumasok ang bola ay siya namang hiyawan ng kanilang tagasuporta. Chineer nila ang pangalan ni Pepito bilang puri.

Si Coach Kawarama at ang apat na ungas ay namangha na lamang. Ito ang unang beses na tumira ng tres ang Centrong Kapitan na si Rey Pepito.

"Ayan na, lumilitaw na ang pagiging Stretch 4 nung Team Captain nila." Napakamot na lang ng leeg si Mito.

"Hindi pala basta itong Manila Team, ang line-up nila ay magkasing tulad sa line-up ng Tokyo Team." Sang-ayon na wika ni Takamiya.

Nag-apiran si Bautista at Pepito sa kanilang tandem.

Ang kaninang 20 points ng Manila Team ay nadagdagan dahil sa tres ni Pepito kaya kasalukuyan na silang may 23, points. May tatlong puntos pa silang hahabulin.

39 seconds na lang.

Hindi na nagsayang ng oras ang Tokyo Team. Agad na dinakma ni Fujima ang bola saka mabilis na pinasa kay Sendoh.

*PASS!*

"Bilis, depensa!" Sigaw ni Pepito saka sinulong ang opensa ng Tokyo Team.

"Sige, habol." Bulong ni Sendoh at mas pinaigi pa niya ang kanyang opensa. "Salo!"

Bigla niyang pinasa ang bola sa patakbong si Maki at nasalo naman nito ang bola. Si Hanamichi at Futatsu naman ay mas binilisan ang takbo hanggang sa naunahan at lumagpas na sila kay Maki.

28 seconds...

"TOKYO PUNTOOOOOOS!

MALAPIT NANG MATAPOS ANG FIRST HALF!

LABAAAAAN!" hiyawan ng mga manonood.

Pagkarating ni Maki sa half court ng tokyo team ay binabagan siya ni Macagcalat. Kay biglang huminto si Maki sa pagtakbo na muntik nang ikinadapa sa mga players n nakasunod at nagkatingin sa kanya.

"Futatsu." Pasa ni Maki sa kanya.

20 seconds na lang...

*PASS!*

Pagkasalo ni Futatsu ay tinungo niya ang tres linya para malibang ang atensyon ng mga players dahil masyado silang titig sa bola.

Binabagan naman siya ni Pepito pero ginawa niya ang underneath pass saka umikot na saktong paalis sa nakaharang na si Pepito.

Konting segundo na lamang.

Nilakbay ni Futatsu ang kanyang paningin saka sinadyang hinagis ng bola ng napakataas.

*PASS!*

Napatitig ang ibang players sa bolang palapit sa ring.

"Masyadong malayo ang bola." Sambit na lang Manila Team.

Pero may isang kamay ang sumingit sa bola at tagumpay niyang nadakma ito.

Napanganga ang lahat nang makilala kung sino ang may hawak sa bola habang ito ay nasa ere.

"SAKURAGI!" tawag ni Haruko.

Dinagdag naman ni Hanamichi ang is apa niyang kamay para macorner ang bola saka itinaas nito.

"SLAAAAAAAM DUNKKKKK---"

Naputol ang halimaw na sigaw ni Hanamichi nang may player ding lumantad sa kanyang harapan at silang duwa ay parehong nasa ere.

"As if naman ay papayag na akong madagdagan muli ang lamang niyo aamin." Ngumisi si Bautista sa kanya saka harap-harapang pinalpal ang bola ng napakalakas mula sa kamay ni Hanamichi. "FACE TO FACE BLOCKED!" sigaw nito.

*PAKKKKKK!*

"Bautista!" Tawag ng kanyang mga miyembro.

Sakto namang natapos ang oras ng first half.

Ang bolang pinalpal ni Bautista ng malakas ay tumilapon ito ng malayo at saktong tumalbog ito patungo sa gawi ng Apat na Ungas.

Nang papalapit ang bola sa kanya ay kanya-kanyang tago agad sina Mito. Ngunit ang bola ay saktong napunta sa mga kamay ni Coach Kawarama.

Si Bautista na nakasunod ang paningin sa bola nang makita niyang nasa kamay ito at hawak ni Coach Kawarama.

Napatitig si Coach Kawarama sa bola saka lumipat kay Hanamichi at Bautista. Walang ideya si Coach Kawarama kung anong binulong bulong Bautista nang makita siya.

(time buzzing...)

Natapos na ang oras ng first half.

"Master Kawarama?" Sambit ni Bautista na hindi makapaniwala.

"Ano? Master? Kilala mo si Lolo?" Tanong din ni Hanamichi sa kanya.

"Si Master Kawarama... Siya ang Coach na personal akong tinuruan ng mga hard offense attack nung nasa Akita pa ako. Ang Coach na muntik na akong irekomenda para sa national team pero nagawa ko paring iwanan. At ang Coach na tanging nakasaksi sa aking pagsibol bilang magaling na manlalaro..." Ngumiti si Bautista sa gawi ni Coach Kawarama. " Long time no see... Master Kawarama Sakuragi!" Bati niya.

"Ano?! Si Coach Lolo? Master mo?!" Gulat na patanong ni Hanamichi.

[PS: ANG KWENTONG ITO AY KATHANG-ISIP LAMANG AT WALANG KINALAMAN SA TUNAY NA KWENTO NG SLAM DUNK.]

YouTube Channel: ANIME VIRALS PH

SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon