SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES
SPECIAL CHAPTER 1/2:
(Ps: Typo Errors Ahead!)
Nang matapos ang laban sa Intercollegiate Matches ay masaya at payapang bumyahe pabalik ng Japan ang Tokyo Team. Bago sila umalis kanina ay nagpaalam sa kanila ang mga players na nakalaban noon ng Tokyo Team sa Intercollegiate Matches. Karamihan sa kanila ay tanging nakikilala lamang sa Tokyo Team ay si Hanamichi Sakuragi.
Masayang nagpaalam sa kaila ang kuponan na nakalaban nila sa Row 1 Matches ng Intercollegiate, ang Amman Al Balqa Team ng bansang Jordan, Si Jabour, Khader at El Maghraby ang nakadalo sa laban nila sa Final 8 Global Rank Matches. Kasama rin sa Airport sina Solevenn, Sylvestre at Cadieux naman mula sa Paris Vert Serpents ng bansang France. Si Rajak, Jovanovska at Ivanova naman sa Skopje Sini Gromovi ng North Macedonia.
Magalang din na nagpaalam ang mga kuponan na nakalaban ng Tokyo Team sa Row Matches. Ang Team na mula sa Row 2, ang Seoul Green Valley ng South Korea na sina Kurooshi, Dojun at Sunah. Sa Row 3 naman ay ang kuponan ng Manila Blue Eagles ng Pilipinas na sina Pepito, Bautista at Macagcalat. At sa Row 4 naman ay ang Washington Yellow Fox ng America na sina Rukawa, Micheal, Moroboshi, Minami at Sawakita.
***
Nang makarating sila sa Tokyo International Airport ay sinalubong sila ng mainit na pagbati ng mga kilalang estudyante at guro mula sa Tokyo International College na kinabibilangang paaralan nina Hanamichi.
"WELCOME HOME! TOKYO TEAM!"
Bumati sa kanila ang College Coaches na sina Coach Ogata ng Osaka Evessa, Coach Mifune ng Kanagawa Alphas at Coach Terushima ng Aiwa Nagoya Fighting Eagles. Binati din nila si Coach Kawarama bilang pasasalamat sa paggabay sa mga players sa abroad.
Kasali din sa sumundo ang mga dating Coach ng ibang members ng Tokyo Team na mula sa Kanagawa. Kahit medyo matanda na ay mainit parin ang pagsuporta sa kanilang minamahal na players.
"Maki! Jin! Kiyota! Hahahaha ang mga bata ko!" Masayang bati ni Coach Takato at isa-isa niyang ginulo ang mga buhok nito. Kasama niya ang dating players ng Kainan Team na sina Takasago, Muto at Miyamasu.
Para namang maiiyak si Kiyota nang makita siya. "Coach Takato naman... Na miss rin namin kayo prehh!"
"Masaya akong makita ko ulit kayong tatlo, proud ako sa inyo dahil magpakahanggang ngayon ay dala niyo parin ang presensya ng Kainan Team." Coach Takato
Sina Sendoh, Fukuda at Ikegami naman ay napapikit at napatakip ng tenga sa lakaw ng bulyaw ni Coach Taoka sa kanila.
"NAMISS KO KAYONG TATLO ALAM NIYO BA HA! NAPANOOD KO LAHAT ANG LABAN NIYO! IKAW NAMAN SENDOH KULANG SA PASIKAT! SI FUKUDA PROPS! SI IKEGAMI NAMAN DISPLAY! ANG GAGALING NIYO!" sigaw ni Coach Taoka na may halong pagmamahal. Kasama niya rin ang dating players ng Ryonan na sina Koshino, Uekusa at Uozumi.
Parang maiiyak naman si Sendoh sa kanya. "Ibang klase ka talaga magpakita ng pagmamahal sa amin, Coach. Dama namin lagpas tenga." Saka natawa si Sendoh.
"Gunggong ka talagang bata ka!" Coach Taoka
Si Hanamichi naman ay nakikipag-usap ngayon kina Akagi at Mitsui kasama si Haruko at ang Apat na Ungas.
"Gori, Mitchi... Diretso naba kayo pa Kanagawa o dadaan pa kayo sa amin?" Tanong ni Hanamichi sa kanila.
Ngumiti si Mitsui bago sumagot. "Oo, Sakuragi. Maraming panahon na rin ang nagamit ko kaya panigurado tambak na yung aasikasuhin kong trabahong iniwan ko."
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️
FanficSa ikalawang yugto ni Hanamichi Sakuragi sa pagsabak sa Intercollegiate Matches ay nagawa ng kanilang kuponan na talunin ang ibang NUMBER 1 TEAMS na nakabilang sa kanilang Row at nahirang bilang representative sa Row 1 ng Division 1. At sa Row Match...