SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES
CHAPTER 209: TOKYO vs. SEOUL (South Korea)
(Ps: Typo Errors Ahead!)
THIRD PERSON'S POV
Dahil sa ginawa ni Kurooshi kay Hanagata. Naalis sa court si Hanagata na duguan, hindi yun nagustuhan ni Hanamichi. Alam niyang hindi lang ganun ang kayang gawin ng Seoul Team.
Napunta sa Tokyo Team ang bola. Dalawang minuto na lang at matatapos na ang first half. May 39 points na ang Tokyo Team habang sa Seoul Team naman ay 19 points pa.
Mas na eager si Hanamichi na wag silang papuntusin, kahit daanin pa nila sa pwersa.
Hawak ni Sendoh ang bola, sinenyasan niya ang kanyang mga kasamahan na kumalat sa buong court para sa malawakang opensa at para mabigyan ng espasyo ang pagdaan nila sa depensa ng Seoul Team.
Binounce pass ni Sendoh ang bola kay Maki.
*PASS!*
Sa unahan nila at tumatakbo si Hitotsu at Hanamichi. Sinalubong naman sila pareho ni Suna at Kurooshi. Nag man to man defense sila.
Ang bolang hawak ni Maki ay dinribol papasok sa Tokyo Court, nang makarating ay binack pass kay Fujima na nasa kanyang likuran na saktong nasa area ng tres.
*PASS!*
Pagkatanggap ni Fujima ay nagpose ito para tumira pero hindi niya namalayan na nasa likuran nya nakasunod si Dojun at napalpal nito ang bola.
*PAKK!*
"Save!" Sigaw ni Fujima.
Si Hanamichi ang agad umaksiyon nun bago pa ito mahawakan ni Kurooshi.
*PAKK!*
Nang makuha ni Hanamichi ang bola ay dinribol niya ito palapit sa ilalim ng ring saka tumalon. Binabagan naman siya nina Sunah at Kurooshi.
"Wala yan!" Sigaw ni Sunah sa kanya.
Pero...
"Ano!" Laking gulat na lamang nila nang pinasa ni Hanamichi ang bola kay Hitotsu na nasa ibaba lang nila.
"Pinasa niya!" Sambit ni Sawakita.
"Ang galing ng pasa." Moroboshi
Nang masalo ni Hitotsu ang bola ay hindi ito nagdalawang isip at nagjumpshot sa ilalim ng ring.
*SHOOT!*
"AYOOOOOOOS!" hiyawan ng manonood.
1 minutes at 30 seconds na lang ang natitira sa first half at meron nang 41 points ang Tokyo Team. Mas lalong tumaas ang kanilang lamang kumpara sa puntos ng Seoul na 19 points.
"IPAGPATULOY NIYO LANG, BOYS! SULITIN NIYO LANG!" sigaw ni Mari.
"HUWAG SILANG PAISKORIN! KAYA NIYO YAN!" sigaw din ni Haruko.
Napayuko na lang si Coach Hyunjoo, maikling minuto na lang at matatapos na ang 1st half- 2nd quarter. Nakaramdam siya ng kahihiyan dahil lamang ng 22 points ang kalaban sa kanila. Hindi niya akalain na iba ang magiging takbo ng kanilang laro sa Tokyo Team kaysa nung laban nila sa Lithuania.
"Pambihira..." Tanging sabi niya at napahilamos na lamang.
"Seohoo!" Sigaw ni Dojun sabay pasa ng bola.
Natanggap yun ni Seohoo at nagdribol ito patungong Shooting-guard Area ng Seoul, agad umabang sina Hitotsu at Sunah sa ilalim ng ring. Sa Small-forward area naman ay nakaabang si Maki at sa Power-forward area naman ay nandun din si Hanamichi at Kurooshi.
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️
FanfictionSa ikalawang yugto ni Hanamichi Sakuragi sa pagsabak sa Intercollegiate Matches ay nagawa ng kanilang kuponan na talunin ang ibang NUMBER 1 TEAMS na nakabilang sa kanilang Row at nahirang bilang representative sa Row 1 ng Division 1. At sa Row Match...