CHAPTER 234: TOKYO vs. MANILA (Philippines)

407 37 4
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 234: TOKYO vs. MANILA (Philippines)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Ang 23 points ng Manila Team ay naging 25 dahil sa ball steal ni Bautista at follow up ni Lakandula. Si Hanamichi naman ay hindi makapaniwala na nagawang agawin ni Bautista ang bola sa kalagitnaan ng pagkuha niya ng rebound.

"Pasikat talaga, porket Senior player." Naiinis si Hanamichi.

Bigla naman siyang tinapik ni Futatsu sa balikat. "Pakalmahin mo ang sarili mo, Sakuragi-Tol. Hindi yan makakatulong sa estado natin ngayon."

"Huwag niyong mamaliitin si Bautista. Si Coach Kawarama na apat na beses nang inimbita na maging Head Coach ay personal siyang aprentis nung nasa Akita Team pa siya. Kaya hindi nakapagtataka kung magaling ang taong yan." Singit ni Sendoh sa usapan nila.

"Sendoh..." Napasambit si Hanamichi.

"Ipagdarasal na lang natin na walang rage na biglaang mangyayare. Kundi matataob tayo, magpakahanggang ngayon ay pigil na pigil parin sila. Hindi ko alam kung aling parte ang pinaghahandaan nila." Dagdag pa ni Sendoh habang nakatingin sa gawi ng Manila Team.

Sa halos labin-pitong minutong natitira sa 2nd half ay nanatili paring dikit ang mga puntos ng parehong kuponan.

Ang bolang kaninang shinoot ni Lakandula ay hawak ngayon ni Sendoh at pinapatalbog ito. Gayong wala sina Maki at Fujima na hahalili sa kanya ay kailangan niyang palakasin ang ugnayan nina Futatsu, Mittsu, Kiyota at Hanamichi sa kanya para makabuo ng matibay na opensa at depensa.

Nakaramdam si Sendoh ng pagkabahala sa mga susunod na mangyayare, lalo na sa awrang nararamdaman niya kay Bautista. Hindi lang si Bautista kundi pati rin ang ibang players ng Manila Team na nasa court. Tulad ng Tokyo Team, wala ring tapon.

Napangiti na lang si Sendoh ng hindi namamalayan. Naiisip niya na paano siya humantong sa ganitong sitwasyon gayong ang gusto niya lamang ay lumigaya sa basketball at simpleng pangingisda. Hindi yung maglalaro sa ibang bansa para harapin ang malahalimaw na mga kuponan na halos kayang manurog at manginjury ng players.

"Saan ba ako nagkamali sa buhay ko?" Wala sa sariling tanong niya.

Si Rukawa na nasa Audience area ay napatingin na lang sa gawi ni Sendoh. "Hmmm... Nag-ooverthink kana ngayon?"

Nang marinig nila ang pagpito ng Referee ay sinimulan na nila ang opensa.

Pinamumunuan yun ni Sendoh. Sa harapan niya ay nandoon sina Futatsu at Mittsu para masalubong nito ang mga Average height players ng Manila Team na tulad ni Pepito.

Pagkapasok ni Sendoh sa half cour ng Tokyo Team ay muli siyang sinalubong ni Gallego. Parehong nasagilid ang kamay upang manghigpit ng depensa sa kanya.

Pero hindi siya nakaisa kay Sendoh. Ginawa ni Sendoh ang through the legs ball handling habang umaabante.

Napaatras ng isa at dalawang hakbang si Gallego sa ginagawa niya.

Biglang dumirekta ng pakanan ang gawi ni Sendoh dala ang bola. Kaya agad sumunod si Gallego sa kanya.

Bigla namang lumipat sa kaliwa si Sendoh na muntik nang ikinadulas ni Gallego sa kakasunod.

Pero muli na namang lumipat si Sendoh sa kanan at biglang huminto saka nag long jumpshot mula sa outer area.

*SHOOT!*

Pero si Gallego ay biglang nanigas ang paa at natumba sa sahig.

*BLAAAAG!*

Napatayo ang manonood sa nangyare.

SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon