CHAPTER 237: TOKYO vs. MANILA (Philippines)

511 35 3
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 237: TOKYO vs. MANILA (Philippines)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Sa 25 seconds na natitira sa 2nd half ay lamang ang puntos ng Tokyo Team laban sa Manila Team. Maraming hindi makapaniwala sa nangyayare sa court. Hindi nila lubos akalain na mabilis na nakabawi ang Tokyo Team dahil sa tatlong player na iniresbak na siyang tumulong sa paghakot ng mga puntos.

"KONTING SEGUNDO NA LANG AT MAGTATAPOS NA ANG LABAN!

TAPUSIN NIYO NA TOKYO!

KAYA PA YAN MANILA!

LABAAAAAAAN!" hiyawan ng mga manonood.

"Huwag mo na silang pagbigyan, Hanamichi! Nasa inyo na ang pagkakataon!" Cheer ng Apat na ungas sa kanila.

"Oo! Alam namin!" Sigaw pabalik ni Hanamichi sa kanila.

Ang Tokyo Team ang huling nakagawa ng opensa. Ang bola ay hawak ngayon ng Manila Team.

Napaisip si Pepito, napakaikling minuto na lang, imposible pa kayang mahabol nila ang lamang? Lalo na ang depensa ngayon ng Tokyo Team ay mas pinalakas at pinatibay dahil sa paghalili ni Maki, Sendoh lalo na si Sakuragi na siyang nagpapahirap sa kanila na makapuntos.

Hindi rin nila pwede balewalain ang fast steal nina Fujima at Sendoh, kung hindi silang dalawa sumisingit naman si Maki. Pagdating sa puntos ay naghahakot si Fujima at Sendoh, lalo na ang three point sharp shooter na si Jin.

Pagdating naman sa Rebound, kahit walang masyadong ambag sa puntos si Hanamichi hanggang sa katapusan ng kanilang laban ay namamanage niyang agawin ang rebound sa pagitan nina Bautista, Magallanes at Pepito.

Napahinga ng malalim si Pepito sa kanyang naobserbahan. Ngayon alam na niya kung bakit tinatawag na DARK HORSE ang kuponan ng Tokyo: Black Samuraiz Team.

Napatingin siya sa oras, 19 seconds na lang.

Ang bilis.

Sinimulan na nila ang opensa.

Sa Tokyo bench area at audience, ay sandal na nakatutok sa laban si Coach Zakusa at Coach Kawarama. Nagdadasal na sana ay mangyare ang pinakahihintay nila.

"Tiwala lang, Team... Mananalo tayo." Hindi maiwasang kabang sabi ni Coach Zakusa.

Dinribol ni Lakandula ang bola patungo sa half court ng Manila Team. Ang kanyang mga kasamahan naman ay nagsitungo sa kanilang perspective offensive zone. Nang tuluyang makapasok si Lakandula sa saktong lugar ng point guard area ay siya namang pagdating ni Fujima upang depensahan siya.

Subalit agad nilipat ni Lakandula sa kanyang harapan na saktong dumaan si Macagcalat. Agad nalipat ang tingin ni Fujima sa kanyang likuran at hindi nga siya nagkamali, pinasa niya ang bola sa likuran.

Pero hindi na ito nahabol ni Fujima dahil nakalayo na sa kanila si Macagcalat.

Pero buti na lang ay nakasunod at bantay sarado si Maki sa kanya. Kahit saan siya magpunta ay nakasunod ito palagi sa kanya, dahil sa tibay ng depensa nito ay hindi niya magawang makatira para magkaroon muli ng puntos para sa kanilang kuponan.

Habang pinapatalbog niya ang bola ay bigla siyang huminto at humarap sa ring si Macagcalat at pinose ang bola para tumira.

Agad naalarma si Maki doon saka itinaas ang kamay upang pigilan siya. Pero agad iniba ni Macagcalat ang kanyang posisyon palayo kay Maki para hindi nito mapalpal subalit ay hindi siya makatakas kaya agad niyang ibinaba ang bola saka ginawa ang down pass.

SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon