SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES
CHAPTER 264: FINAL CHAPTER
(Ps: Typo Errors Ahead!)
THIRD PERSON'S POV
Sa pagtatapos ng labanan sa pagitan ng American Yellow Fox at Tokyo Black Samuraiz ay nanalo nga labanan itong American Yellow Fox o kilala bilang Washington Team. Ang labanan ng dalawang kuponan na ito ay maituturing na pinakamabangis na labanan sa kasalukuyang taon ng Intercollegiate Matches.
Ang line-up ng Washington Team na pinamumunuan ng Team Captain at 4th Year Player na American-Japanese National at Ex-Recruited NBA Player na si Micheal Okita. At ang apat na mga kasamahan niya sa line-up ng laban ay una;
Ang Japanese National na nag-aral sa America na si Dai Moroboshi, ang 4th year player at Former Ace Player ng Aiwa Team at Former Star Player ng Aichi Prefecture at mismong best friend ni Maki.
Pangalawa, ang 4th year player na Japanese National din na si Tsuyoshi Minami na nagmula sa dati sa kuponan ng Toyotama at kilala bilang 'Killer Ace' at Ace Player ng kanilang kuponan na nagmula sa Osaka Prefecture.
Pangatlo, ang 3rd year player na Japanese National at Former Super Ace Player at Number 1 player ng Interhigh na si Eiji Sawakita na nagmula sa kuponan ng Sannoh Tech mula sa Akita Prefecture.
At pang-apat, ang 2nd year player na Japanese National at Former Super Rookie ng Kanagawa Prefecture na si Kaede Rukawa at Ace Player na nagmula sa kuponan ng Shohoku. Ang nag-iisang katunggali ni Hanamichi Sakuragi sa larangan ng basketball na kasalukuyan ding nag-aaral sa Amerika.
Sa kuponan ng Tokyo Team naman ay pinamumunuan ng 4th year player Team Captain na si Shinichi Maki. Ang 2 timed MVP ng highschool basketball matches at former Star Player ng Kanagawa Prefecture at 3 timed State System Representative na dating nagmula sa number 1 Team ng Kanagawa, ang Kainan. Ang apat pa niyang kasamahan na kumalaban sa kaduluhang laban sa Washington ay...
Una, ang 4th year player na si Kenji Fujima na dating nagmula sa kuponan ng Shoyo Team. Kilala bilang Perfect Point Guard at may karanasan sa pagiging Coach. Katulad ni Maki ay naging Kanagawa State System Representative din siya at ang tanging karibal noon ni Maki sa High school basketball tournament.
Pangalawa, ang 3rd Year Player at kasalukuyang 2 Timed Super Ace Player ng College Matches na si Akira Sendoh na dating nagmula at Ace Player sa kuponan ng Ryonan. Katulad ng dalawang nabanggit ay naging Kanagawa State System Representative din siya sa loob ng dalawang taon.
Pangatlo, ang 3rd Year Player at kilala bilang 3 point Sharp Shooting Machine na si Soichiro Jin na nagmula dating numero unong kuponan ng Kanagawa, ang Kainan. Katulad ng tatlong nabanggit ay naging Kanagawa State System Representative din siya bilang Leading Scorer dahil sa galing nitong manghakot ng puntos.
At ang pang-apat, ang 2nd Year Player at kasalukuyang MVP ng College Matches ng Japan at ang Hari ng Rebound na dating nagmula sa Shohoku Team na si Hanamichi Sakuragi. Isa sa Ace Player ng Tokyo Team at kilala bilang 'Devil Ace' dahil sa nakakamatay nitong galawan sa court at kinokonsidera na One-Man Army dahil lahat ng posisyon ay kaya nyang gampanan.
Sa pagsagupa sa isa't-isa ay nalaman ng lahat na nangingibabaw sa galing ang kuponan ng Tokyo Team kumpara sa Washington Team ayon sa manonood na nakasaksi ng laban.
Ang pagiging Top 2 ng Tokyo Team sa Division 1 ay hindi naging dahilan upang sila ay manlumo sa susunod na laban na kanilang haharapin sa paparating na Final 8 Matches. Bagkus, ay mas naging determinado sila at ngayon ay mas naging palaban.
Hindi man naging number 1 ang Tokyo Team, ay naging Top 2 naman sila sa pinakamagaling na kuponan sa Division 1.
Sa paparating na laban kalaban ang mga kapwa Division Representatives ay nakahanay na kung aling kuponan ang posibleng makaharap ng Tokyo Team.
Dahil ang Washington Team ang Top 1 ng Division 1, sa labanan ng Final 8 ay makakalaban din nila ang mga kapwa Top 1 Team ng tatlong Division, ang 2, 3 at 4. Ganun din ang hanay ng mga Top 2 Teams ng bawat Division. Ang Tokyo Team naman bilang Top 2 ng Division 1 ay makakalaban din nila ang kapwa Top 2 Division Teams.
Pero bago masimulan ang laban ay kakalkulahin at pagsasamahin ang mga puntos na nakamit ng bawat kuponan mula Round 1 hanggang Round 7. Pagkatapos ay ihahanay ang temporaryong ranggo ng Top 8 Global Rank ng Intercollegiate Matches.
***
Ang Intercollegiate Matches State System ay natapos nang kalkulahin ang bawat puntos ng TOP 8 Global Teams. Hawak na rin nila ang listahan ng temporaryong TOP 8 GLOBAL RANK ng Intercollegiate Matches.
Ang mga sumusunod na kuponan sa hanay ng TOP 1 Final List Teams ng Intercollegiate Matches ay temporary pinangungunahan ng:
Una, mula sa Division 4: ang UNIVERSIDAD AUTONOMA DE MADRID ng bansang Spain. Ang MADRID TOROS ROJOS o MADRID TEAM. Ang kanilang combined scores sa lahat ng Rounds ay umabot ng 722 score kaya sila ang nasa Temporary Rank 1 position ng Global Rank.
Pangalawa, mula sa Division 2: ang UNIVERSIDAD DE BUENOS AIRES ng bansang Argentina. Ang BUENOS AIRES HORNERO RUFO AZUL o BUENOS AIRES TEAM. Ang kanilang combined scores sa lahat ng Rounds ay umabot ng 684 score kaya sila naman ang nasa Temporary Rank 2 position ng Global Rank.
Pangatlo, mula sa Division 3: ang UNIVERSITY OF LJUBLJANA ng bansang Slovenia. Ang LJUBLJANA MODRA RIBICA o LJUBLJANA TEAM. Ang kanilang combined scores sa lahat ng Rounds ay umabot ng 627 score kaya sila ang nasa Temporary Rank 3 position ng Global Rank.
At ang pang-apat, mula sa Division 1: ang AMERICAN INTERNATIONAL COLLEGE ng bansang America. AMERICAN YELLOW FOX o WASHINGTON TEAM. Ang kanilang combined scores sa lahat ng Rounds ay umabot ng 616 score kaya sila ang nasa Temporary Rank 4 position ng Global Rank.
Samantala sa hanay naman ng mga TOP 2 Division list Teams ng Intercollegiate Matches ay:
Una, mula sa Division 4: UNIVERSITY OF CANBERRA mula sa bansang Australia. CANBERRA GOLDEN KANGAROO o CANBERRA TEAM. Ang kanilang combined scores sa lahat ng Rounds ay umabot ng 573 score kaya sila ang nasa Temporary Rank 5 position ng Global Rank.
Pangalawa, mula sa Division 2: UNIVERSIDADE DE BRASILIA ng bansang Brazil. BRASILIA ONCA VERDE-AMARELO o BRASILIA TEAM. Ang kanilang combined scores sa lahat ng Rounds ay umabot ng 520 score kaya sila ang nasa Temporary Rank 6 position ng Global Rank.
Pangatlo, mula sa Division 3: MOSCOW STATE UNIVERSITY ng bansang Russia. MOSCOW BURYY MEDVED o MOSCOW TEAM. Ang kanilang combined scores sa lahat ng Rounds ay umabot ng 502 score kaya sila ang nasa Temporary Rank 7 position ng Global Rank.
At pang-apat, mula sa Division 1: TOKYO INTERNATIONAL UNIVERSITY ng bansang Japan. TOKYO BLACK SAMURAIZ o TOKYO TEAM. Ang kanilang combined scores sa lahat ng Rounds ay umabot ng 492 score kaya sila ang nasa Temporary Rank 8 position ng Global Rank.
Ngunit lahat ng iyan ay temporaryong ranggo pa lamang. Ang dalawang hanay ay maglalaban-laban muna at maaaring mabago ang mga temporaryong ranggo at mahirang ang...
OFFICIAL NEW TOP 8 GLOBAL RANK NG INTERCOLLEGIATE MATCHES.
(NEXT IS EPILOGUE...)
[PS: ANG KWENTONG ITO AY KATHANG-ISIP LAMANG AT WALANG KINAHANGLAN SA TUNAY NA KWENTO NG SLAM DUNK.]
YouTube Channel: ANIME VIRALS PH
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️
FanfictionSa ikalawang yugto ni Hanamichi Sakuragi sa pagsabak sa Intercollegiate Matches ay nagawa ng kanilang kuponan na talunin ang ibang NUMBER 1 TEAMS na nakabilang sa kanilang Row at nahirang bilang representative sa Row 1 ng Division 1. At sa Row Match...