SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES
CHAPTER 200:
(Ps: Typo Errors Ahead!)
THIRD PERSON'S POV
Nagtinginan parin si Hanamichi at Rukawa. Tuktok na tuktok at mata sa mata.
Unang kumurap si Rukawa.
"OH! Kumurap ka! Magpakahanggang ngayon ay hindi mo parin ako kayang talunin, Rukawa! Kukurap at kukurap ka sa mabangis na titig ng Henyo!" Ngising sabi ni Hanamichi habang nakaturo kay Rukawa.
Pero walang pakealam sa kanya si Rukawa. "Napuwing ako."
"Sos, nagpapalusot ka pa!"
"Gunggong."
"Bwisit, ayan ka na naman. Bakit ka ba nakipagkita sakin?" Direktang tanong ni Hanamichi sa kanya.
Sandaling natahimik si Rukawa. "Ginawa koto para personal kitang balaan sa magiging match niyo sa Round 5." Sagot nito.
Natigilan si Hanamichi sa kanyang sinagot. "Balaan? Anong ibig mong sabihin?"
"Ang Seoul Team ang susunod niyong kalaban, hindi ba?"
"Oo, sila. A-at anong meron?"
Naglakad si Rukawa palapit sa bakod at pinanood ang mga kabataang naglalaro.
"Mag-iingat kayo sa laban niyo sa Seoul Team. Mas malala pa sila sa Toyotama or sa Osaka Team nung College Matches. Pwersa ang ginagamit nila sa laro." Sagot ni Rukawa.
Naglakad naman palapit si Hanamichi upang pantayan siya. "Anong ibig mong sabihin na mas malala pa sa Toyotama at Osaka Team?"
"Nakita namin ang buong performance nila sa nakaraang round, at lahat ng yun ay naipanalo nila gamit ang pwersa." Tiningnan ni Rukawa si Hanamichi. "May nainjury ba sa inyo nung Round 1 hanggang 4?" Tanong nito.
"W-wala... Bakit?"
"Sa Round 5 meron na." Sagot agad ni Rukawa.
Nagulat naman si Hanamichi dun at kinuwelyuhan si Rukawa. "Ano bang sinasabi mong Soro ka? Na may maiinjury samin? Wag kang magsalita ng ganyan."
"Gunggong, sinasabi ko nga sayo para atleast may magawa kayo para maiwasan yun." Lumuwang ang pagkahawak ni Hanamichi nang sabihin yun ni Rukawa. "At isa pa... Akala ko ang kuponan namin ang maglalaban sa Round 5 atleast kaya namin silang gantihan. Pero hindi, ang kuponan niyo ang makakaharap nila. Kaya... Medyo nag-aalala lang ako." Dagdag pa nito na tila may naaalalang insidente.
Ang insidenteng nangyari kay Hanamichi kung kaya narehab ito ng ilang buwan.
"Minamaliit mo ba kami?" Biglang tanong ni Hanamichi.
"Hindi sa na ganun. Mahina kase ang utak mo kaya hindi moko naiintindihan." Sagot ni Rukawa. "Malalang injury ang makukuha niyo sa Centro ng Seoul Team. Ang nangyari sakin noon sa Toyotama at sayo noon sa Sannoh, ay magiging doble kapag sila ang nakaharap mo."
Parang bumaba ang kuryente sa katawan ni Hanamichi at hindi siya makakilos sa narinig nito.
Gaano ba ka barumbado ang kuponan ng Seoul?
Naalala ni Hanamichi ang Triplets nilang Centro na sina Hitotsu, Futatsu at Mittsu.
"Hindi, hindi, hindi..." Umiling-iling si Hanamichi. "Alam kong kaya nila pero... Hindi ko kayang isipin na---" hindi natapos siya kakaoverthink nang tapikin ni Rukawa ang braso niya.
"Pero kung handa kang ibahagi ang alam mong estilo na kayang magpataob ng malalakas na Centro katulad ng ginawa mo nuon kina Moroshige at magkapatid na Kawata sa mga Centrong kasamahan mo, ay malaki ang chansa na mahihirapan ang Seoul Team sa inyo." Sabi sa kanya ni Rukawa.
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️
Fiksi PenggemarSa ikalawang yugto ni Hanamichi Sakuragi sa pagsabak sa Intercollegiate Matches ay nagawa ng kanilang kuponan na talunin ang ibang NUMBER 1 TEAMS na nakabilang sa kanilang Row at nahirang bilang representative sa Row 1 ng Division 1. At sa Row Match...