SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES
CHAPTER 238:
(Ps: Typo Errors Ahead!)
THIRD PERSON'S POV
Sa Tokyo International Airport ng bansang Japan, ay nakatayo ang dalawang binata na kulay blue at pink ang buhok na may mga dalang bagahe. Kanina pa sila naghihintay sa kanilang isa pang kasamahan, halos naiinip na sila dahil sa sobrang tagal.
"Lokong blondito na yun 'to ah, ang tagal niya." Naiinip na sabi ni Muzaka.
"Ano pa ba ang ginagawa niya? Nakakainip na." Maktol din ni Sakurayashiki.
"Heh... Siguro ginawa pa yung marital duty bilang asawa--- Hehehe, ang ganda pa naman ng Ate ni Ryueen." Bulong ni Muzaka na may nakakalokong ngisi.
Ngumisi rin si Sakurayashiki ng nakakaloko. "Nasa gitna siya ng labanan ngayon. Ang swerte ng hayup." Nagsibungis-ngisan silang dalawa sa naiisip nila.
"Gago kayo ah, ganyan ba ang akala niyo sakin?"
Agad silang natigil sa kakabungisngis nang dumating si Yuki sa kanilang harapan. Nakatingin ito ng masama sa kanila.
"Masisisi mo ba kami? Ang tagal mo kase eh." Simpleng sagot ni Sakurayashiki.
"Deserve niyo yan mga boang, first time ko lang malate kung ano-ano na ang naiisip niyo." Inirapan sila ni Yuki.
Magsasalita sana si Muzaka nang mapansin niya ang dalawang hindi pamilyar na lalake na nasa likuran ni Yuki.
"Huh?" Turo niya sa dalawa.
Napagtanto naman ni Yuki ang ibig niyang sabihin. "Oo nga pala, ito ang dahilan kung bakit natagalan ako. Gusto pala nila sumama sa'tin byahe pa Amerika."
"Nice to meet you... Ako nga pala si Hisashi Mitsui, ang Scholarship owner ni Sakuragi." Pakilala ni Mitsui at nagkamayan sila.
"Ahh, kung ganun ikaw pala ang nagpapaaral sa kanya sa TIU. Pero... Masyado ka atang bata tignan para maging scholarship owner niya?" Nagtatakang tanong ni Muzaka.
"Oo, at magka teammate kami ni Sakuragi noon sa high school." Sagot ni Mitsui.
Napatingin naman si Sakurayashiki sa kasama ni Mitsui, halos magkasingtangkad lang sila nito.
"At ikaw? Player ka rin?" Tanong niya sa lalaking katabi ni Mitsui.
"Oo, ako si Takenori Akagi. Dati rin akong kasamahan ni Sakuragi sa Team nung high school." Sagot ni Akagi.
"Anong posisyon mo?" Sakurayashiki
"Centro." Akagi
"Ahh... Saang kuponan ka napabilang ngayon?" Tanong muli ni Sakurayashiki.
"Hindi na ako naglalaro, sa katunayan ay kasalukuyan akong sumasabak sa military training. Pero minsan, naglalaro ako depende kung wala akong gagawin." Sagot ni Akagi sa kanya.
Bago pa man malimutan ang paksa ay tinanong ni Yuki si Mitsui at Akagi kung anong pakay nila kung bakit gustong-gusto nilang sumama pa Amerika.
"Si Sakuragi at Rukawa ay parehong dati naming kasamahan sa Shohoku. Pero ngayong kolehiyo ay nabuwag sila at napunta sa magkaibang kuponan. Ang araw na ito ang match nila sa Pilipinas at ang sunod ay ang kuponan na ni Rukawa. Ang muling paghaharap nila bilang magkalaban ay ang pinakahihintay kong mapanood ng personalan." Makatwirang sabi ni Mitsui sa kanila.
"Ang labanan si Rukawa bilang totong kalaban ay isa sa pinakaasam-asam na maganap ni Sakuragi. Kahit nasa Shohoku High School pa kami ay lagi niyang sinasabi na tatalunin niya si Rukawa balang araw... At ang panahong ito na ang tinutukoy niya." Sabi rin ni Akagi habang nakatingin ng direkta sa kanila.
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️
FanfictionSa ikalawang yugto ni Hanamichi Sakuragi sa pagsabak sa Intercollegiate Matches ay nagawa ng kanilang kuponan na talunin ang ibang NUMBER 1 TEAMS na nakabilang sa kanilang Row at nahirang bilang representative sa Row 1 ng Division 1. At sa Row Match...