CHAPTER 210: TOKYO vs. SEOUL (South Korea)

563 48 12
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 210: TOKYO vs. SEOUL (South Korea)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Nang matapos ang first half ay bumalik sa kani-kanilang locker room ang parehong kuponan. Sa Hanamichi naman ay napahawak sa leeg niya at hinilot.

"Masakit ba, Hanamichi?" Nag-aalalang tanong ni Haruko sa kanya.

Umiling naman si Hanamichi. "Hindi naman, naiinis lang ako sa nangyari."

"Bakit?"

"Nakakainis lang--- naiinis ako dahil hindi sila naglalaro ng patas sa atin. Nagtamo pa ng injury si Pangalawang Labo." Napaupo si Hanamichi habang nagpupunas ng pawis.

Nakatingin lang si Haruko sa kanya. "Kahit na ganun, Hanamichi. Huwag sanang manaig ang emosyong yan sayo baka yan ang magiging dahilan para mawala ka sa konsentrasiyon mo." Paalaala nito sa kanya.

Ngumiti lang si Hanamichi sa kanya. "Huwag kang mag-aalala, Myloves. Hindi mangyayari yun. Henyo ako at tayo ang mananalo sa labang ito!" Cheer na cheer niyang sagot.

"Okay mga peeps, makinig!" Pukaw ni Zakusa sa kanila matching palakpak.
"Sa mga nag-alala kay Hanagata, you don't have to worry na. Nasa clinic siya ngayon habang pinapakalma yung sugat na natamo niya sa gilid ng mata." Sabi nito sa kanila.

"Mabuti naman kung ganun." Nakahinga ng maluwag si Maki. "Nasaan si Fujima?" Tanong nito.

Napalinga naman si Hanamichi. "Oo nga noh? Nasaan si Fujiboo?" Tanong niya din.

Nagtaka din ang iba. Sumagot si Zakusa. "Si Fujima ay nasa clinic kasama si Hanagata. Masyado siyang nag-aalala sa high school bestfriend niya. Kaya sinabihan ko siya na pwede niya munang tingnan si Hanagata kapag nagsimula na ang second half."

Nagulat sila sa sinagot nito.

"Ano? Hindi maglalaro si Fujima?" Tanong ni Sendoh.

"Pansamantala lang naman, so chill lang okay? May ipapalit ako at ikaw Sendoh ang papalit kay Fujima sa pagiging point guard." Assign ni Zakusa sa kanya.

Bumusangot ang mukha ni Sendoh. "Sige na nga."

Tinignan naman ni Zakusa ang ibang magiging line-up sa second half. "Maki, mahalaga ka sa labang ito. Hindi pwede na walang Captain sa loob, Small forward ka. Hitotsu, ikaw ang maglalaro sa Centro--- kayong dalawa naman..." Turo niya sa dalawang kambal nito. "Futatsu at Mittsu, wag na wag niyong aalisin ang paningin niyo sa court. Anytime maaari magkainjury ang kambal niyo kapag nangdahas na naman ang Seoul, atleast may alam kayo at maipasok ko ang isa sa inyo." Assign niya.

Tumango naman si Futatsu at Mittsu. "Okay, Coach!"

Sunod naman tiningnan ni Zakusa si Hanamichi. "Sakuragi... Ikaw parin at alam mo na yun." Tanging sabi nito.

Bumusangot naman ang mukha ni Hanamichi. "Langya 'to, akala ko may tula ka na naman para sakin." Maktop niya.

"Mas walangya ka, kahit magsasalita ako ng mataas wala rin namang papasok sa kokote mo! Sos, wag ako." Inirapan siya ni Coach Zakusa. "Gawin mo parin yung tinatrabaho ng Henyo." Dagdag pa nito.

Imbes na mainis si Hanamichi ay ngumisi siya. "Okay, roger!"

Tinignan naman ni Zakusa ang huling member na bubuo sa bagong line-up. "Para sa posisyong, Shooting Guard... Ikaw ang ipapasok ko, Jin." Assign niya.

Nagtaka naman si Jin. "Huh? Bakit ako? Masyado pang maaga, diba?" Tanong niya.

"Ayaw mo?" Zakusa

"Hindi naman sa ganun. Pero sigurado ka ba? Kapag pumasok ako malalaman agad ng kalaban na ako ang tagahila ng puntos. Siguradong ako ang isusunod nila kay Hanagata." Paliwanag niya.

SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon