SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES
CHAPTER 212: TOKYO vs. SEOUL (South Korea)
(Ps: Typo Errors Ahead!)
THIRD PERSON'S POV
Dinribol ni Seohoo ang bola palabas sa court ng Tokyo Team upang makagawa sila ng opensa sa kanilang court kung saan nandoon nakatayo at nakadepensa ang Tokyo Team.
Pagkalampas ni Seohoo sa middle line ay binounce pass niya ang bola kay Dojun na saktong patungo ng point guard area. Sinundan naman siya ni Sendoh.
Pagkarating ni Sendoh sa kanyang harapan ay basta na lang hinagis ni Dojun ang bola sa ere.
Napatingin ang lahat sa bola.
"Masyadong mataas ang pasa." Bulong ni Sendoh.
Agad namang tumakbo si Hanamichi sa harapan ng ring ng Seoul upang abangan ang bola nang may player agad ang gumawi doon at dinakma ang bola sa ere.
*PAKK!*
Nanlaki ang mga mata ni Hanamichi nang makita niya kung gaano kataas ang talon ni Sangwoo.
"Nakuha niya!" Sambit ni Hanamichi.
Sa saktong pagdakma sa bola ay dinakdak agad ito sa ring.
*DUNKKKKKKKKKKK!*
Isang malutong na Alley Hoop ang pinakawalan ni Sangwoo na ikinanganga ni Hanamichi.
"WhaaaAaaaAAaAAh! Ang lakas!" Bulong ni Hitotsu.
Nagtagal ng tatlong segundo si Sangwoo sa ring saka bumaba. Tinignan niya si Hanamichi.
Nagtinginan ang dalawa.
Ngumisi lang si Sangwoo saka tinalikuran siya. Si Hanamichi naman ay nabubwisit sa pagmumukha niya. Alam ni Hanamichi ang moves na yun.
Isa yun sa mga gawain ni Hanamichi.
"Ang yabang ng lalakeng yun ah? Ee kinopya lang naman niya sakin ang moves na yun.
Pumalakpak naman si Coach Hyunjoo. "Mahusay, Sangwoo.... Boys! Bumawi kayo, 2nd half na. Malayo na ang narating ng Team natin, kaya hindi tayo pwedeng matalo sa laban na ito!" Sigaw nito mula sa Coaching Box.
"OO!" Sagot nila sa kanilang Coach.
16 minutes at 29 seconds na lang ang natitira sa 2nd half at ang puntos ng Seoul Team ay mula sa 22 ay naging 24 points na.
Ang bola ay tumalbog sa sahig, kinuha yun ni Hanamichi. Ang Seoul Players ay tumakbo patungo sa court ng Tokyo Team para ihanda ang depensa.
Pinatalbog ni Hanamichi ang bola at sinimulan ang opensa.
(Dribbling...)
"Lolo!" Tawag ni Hanamichi kay Maki at chinest pass ang bola.
"Bilis, sa unahan!" Sabi ni Maki sa kanya.
Tumingin si Hanamichi sa kanyang unahan at doon ay nakita niya si Sendoh at Hitotsu na papasok na sa loob ng inner area ng Tokyo Court. Samantala sa kanyang likuran ay nakasunod si Maki at Jin sa kanya. Isang 2-1-2 high low motion offense treat ang kanilang atake.
Nang mabasa ni Seohoo ang kanilang strategy offense ay sinenyasan nya ang kanyang mga kasamahan. Five fingers at 1 point.
Naintindihan naman yun ng mga Teammates niya ay sinunod ito. Ang ibig sabihin ng senyas na yun ay Man to Man Defense.
Nang makapasok si Maki sa half court ng Tokyo Team ay ipapasa na sana nito ang bola nang lumantad muli sa kanyang harapan si Ryeowook. Ang dalawang kamay nito ay parehong nasa magkabilang gilid na animo'y walang balak palusutin ang opensa ni Maki.
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️
FanfictionSa ikalawang yugto ni Hanamichi Sakuragi sa pagsabak sa Intercollegiate Matches ay nagawa ng kanilang kuponan na talunin ang ibang NUMBER 1 TEAMS na nakabilang sa kanilang Row at nahirang bilang representative sa Row 1 ng Division 1. At sa Row Match...