CHAPTER 241: TOKYO vs. WASHINGTON (America)

567 43 7
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 241: TOKYO vs. WASHINGTON (America)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Sa huling laban ng Row Matches ng Division 1 ay sa wakas, nagharap na ang dalawang maituturing na malakas na kuponan sa dibisyon. Ang Team Representative ng Row 1 ang Tokyo Black Samuraiz at ang Team Representative ng Row 4 ang American Yellow Fox.

Sa parehong bench ay nihahanda na ng parehong Team ang magiging starting five nila. Tinignan ni Hanamichi ang gawi ng Washington Bench area at doon ay nakita niya si Rukawa na isa sa mga pangunahing myembro nito.

Sakto namang nagtagpo ang tingin nila. Nagtitigan silang dalawa.

Pero inirapan siya ni Rukawa.

"Aba, bwisit 'tong Soro na 'to ah!" Yumukom ng kamao si Hanamichi habang nagbabaga sa sobrang inis.

Napabulong naman si Rukawa. "Gunggong talaga..."

Samantala sa Tokyo Audience ay nakaupo sa isang row sina Coach Kawarama kasama ang Senior Players at ang Apat na Ungas. Napapagitnaan ni Yuki at Mito ang Coach.

"Ito ang laban na pinakahihintay ng lahat." Sabi ni Mitsui habang katabi si Akagi at katabi din nito si Sakurayashiki.

"Tama ka, hindi natin ito mapapanood ng maayos kung live lang, iba pag personalan." Sabi rin ni Akagi.

"Geez, nakakaexcite yung laban. Pero sa pagkakataong ito ay lamang sa atin ang kabilang kuponan. Ang mga individual skills ng kanilang mga players ay hindi hamak. Walang mga tapon." Tinignan ni Yuki ang nakahelerang players ng Washington Team.

Tiningnan naman siya ni Mito. "Sandali lang po, Kuya--- I mean, Sir Yuki. Total nandito kayo, sinong naghahandle sa klase natin ngayon?" Tanong nito sa kanya.

Nagtaka naman si Muzaka at Sakurayashiki sa tinanong niya saka tiningnan si Yuki.

"Anong sinasabi niya?" Tanong ni Muzaka.

Napasapo ng noo si Yuki, nakalimutan niyang sabihin sa dalawang ito. "Ganito kase yun... Itong si Mito, Kiyota at Sakuragi. Mga estudyante sila sa klase ko. Sa madaling salita, ako ang Adviser nila."

"Ano!" Ngumiti lang si Yuki at Mito.

"Pero, don't worry Mito. Nandoon naman si Reishun para temporaryo maging Adviser sa klase natin. Tsaka, masyado kang pormal para tawagin mo akong Sir ee wala naman tayo sa school." Kinindatan ni Yuki si Mito. Napakamot na lang ito ng pisngi.

"Sige po, kung yan ang gusto niyo, Kuya Yuki." Muli nilang binalikan ng atensyon ang court nang tumunog ang speaker nito.

Speaker: "Ngayon ay nakahanda na ang starting players ng parehong kuponan. Hayaan niyo'ng ipakilala ko silang lahat. Ang starting five ng Tokyo International University: Black Samuraiz ng Tokyo, Japan at American International College: Yellow Fox ng Washington DC, America."

Ipapakilala na nito ang parehong First Five ng kuponan. Unang pinakilala  nito ang Tokyo Team.

Speaker: Mula sa Tokyo International University: Black Samuraiz...

Black No. 4: SHINICHI MAKI!"

Tumayo naman ang Team Captain ng Washington Team na si Micheal Okita. Nilapitan nito ang Rival-Best Friend ni Maki.

"Ikaw na ang bahala sa kanya, Moroboshi." Tinapik niya ito sa balikat.

"Okay." Sagot ni Moroboshi.

"Black No. 5: KENJI FUJIMA."

SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon