SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES
CHAPTER 233: TOKYO vs. MANILA (Philippines)
(Ps: Typo Errors Ahead!)
THIRD PERSON'S POV
(Time buzzing...)
Nagsimula na ang ikalawang yugto ng laban ng Tokyo Black Samuraiz at Manila Blue Eagles. Ang line-up ng Manila Team ay gaya parin sa first half, ang Tokyo Team naman ay umiba ang line-up na ikinataka ng Manila Team.
Pumasok sa court sina Sendoh, Futatsu, Mittsu, Kiyota at Hanamichi.
Nagtaka naman si Coach Kawarama kung bakit ganun ang line-up ng Tokyo Team, isang 3rd year, dalawang 2nd year at dalawang first year. Samantala sa Manila Team ay purong mga 4th year players.
Bakit binangko ni Coach Zakusa ang malalakas na gwardiya sa loob tulad nina Maki at Fujima? Hindi parin maalis kay Coach Kawarama ang pagkalito.
Hindi niya mabasa kung anong ideyang meron si Coach Ryueen Zakusa.
(Pumito...)
"Centers!" Tawag ng Referee habang nakahawak sa bola.
Naglakad muli sa gitna si Pepito, sa Tokyo Team naman ay si Mittsu ang humarap sa kanya.
Nagkaroon ng lito sa paningin ni Pepito. Pabalik-balik ang kanyang tingin sa pagitan nina Futatsu at Mittsu.
"Huh? Magkamukha kayo ah... Kambal ba?" Tanong niya.
Ngumiti naman si Mittsu at sumagot. "Triplets po." Magalang niyang sagot saka tinuro si Hitotsu na nasa bangko ng Tokyo Bench.
"Centers, maghanda na. Magsisimula na ang jump ball." Sabi ng Referee sa kanila at hinanda ang bola.
"Galingan mo, Pepito."
"Kaya mo yan, Mittsu!"
Kanya-kanyang posisyon naman ang parehong kasamahan nila, ganun din ang ginawa nina Pepito at Mittsu.
"Ang kasalukuyang line-up ngayon ng Tokyo Team ay may kambal." Sabi sa isipan ni Bautista. Tinignan niya naman si Kiyota. "Anong pakulo naman ng isang 'to?"
"Handa!" Sabi ng Referee at...
Hinagis ang bola.
*PAKK!*
Napatayo ang ibang manonood nang mabilis yung nadakma ni Pepito at pinalo pagawi kay Macagcalat.
*PAKK!*
Pero laking gulat ng lahat nang si Sendoh agad ang nakaagaw nun.
"WHAAAAAAAAAAAAH! ANG BILIS NI SENDOH!"
Agad nagsikalat sa court ng players ng Tokyo Team. Hinabol naman ni Gallego ang opensa ni Sendoh pero hindi na niya naabutan nang nakarating ito sa half court nila.
"Ang bilis." Gallego
Walang pasabing pinasa ni Sendoh ang bola kay Kiyota.
*PASS!*
Pagkasalo ni Kiyota mula sa shooting guard area ay shinoot niya agad ito.
*PAKK!*
Napalpal ni Bautista ang bola at tumalbog ito pagawi sa ilalim ng ring.
Tumilapon ang bola akmang mag-aout of bounds nang magawa itong dakmahin ni Pepito na mabilis pa sa lintik ang biglaang pagdating nito sa ring.
"Ayos!"
"Ngayon, opensa! Balik sa court ng Manila Team!
Parehong kamay ni Pepito ang nakahawak sa bola. Itinaas niya ito upang balaking overhead pass para walang player ang pangahas na pumigil nito.
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️
FanfictionSa ikalawang yugto ni Hanamichi Sakuragi sa pagsabak sa Intercollegiate Matches ay nagawa ng kanilang kuponan na talunin ang ibang NUMBER 1 TEAMS na nakabilang sa kanilang Row at nahirang bilang representative sa Row 1 ng Division 1. At sa Row Match...