CHAPTER 228: TOKYO vs. MANILA (Philippines)

373 35 4
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 228: TOKYO vs. MANILA (Philippines)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

[1st half- 2nd quarter| 4 mins. 22 sec|
Tokyo Team: 21 | Manila Team: 20]

Humahabol ang Manila Team sa kanila, kailangan pang paigihin ng Tokyo Team ang kanilang depensa at opensa laban sa kanila.

Hawak ni Fujima ang bola at dinribol ito patungo sa court ng Tokyo Team. Sa saktong division line ay binounce pass ang bola kay Futatsu. Pagkasalo nito ay tiningnan niya si Hanamichi na kinokorner ni Bautista.

Sinenyasan niya si Hanamichi ng mata sa mata. Nakuha niya naman ang ibig nitong sabihin saka kumilos na ayon sa plano.

Agad na tumakbo si Hanamichi sa ilalim nh ring, sa hindi inaasahan ay nandoon din si Pepito at dagdag pa nito ang pagiging depensiba ni Bautista kay Hanamichi.

Dalawang player ng Manila Team laban sa isang Player ng Tokyo Team.

Ginamit ng Tokyo Team ang pagkakataon dahil sa 2 in 1 nangyayare sa base area ng ring. At sa ibang zone ng Tokyo Court ay lamang ng isang member, ang bolang hawak ni Futatsu ay pinose niya para tumira nang si Gallego ang humarang sa kanya.

Isang fake attack ang ginawa ni Futatsu at pinatalbog nito ang bola sa libreng si Sendoh na nakatayo sa Shooting guard area.

*PASS!*

Pagkakuha ni Sendoh ay walang pasabing tumira agad.

*SHOOT!*

Muli na namang naghiyawan ang manonood. Tumaas na naman ang lamang ng Tokyo Team.

[1st half- 2nd quarter| 3 mins. 8 sec|
Tokyo Team: 24 | Manila Team: 20]

"Kaasar." Bulong ni Gallego saka tumakbo sa court ng Manila Team nang makuha ni Pepito ang bola.

Ganun din ang ginawa ng Tokyo Team, tumakbo sila patungo sa opponent court para sa depensang gagawin.

"Ayos, lamang tayo ng 4 points. Sana magtuloy-tuloy na." Sabi ni Haruko kay Mari.

"Hindi parin tayo pwede maging kampante, anumang oras babawi at babawi ang Manila Team." Sagot ni Mari.

"Hindi ko alam kung ano to o baka guni-guni lang. Kung oobserbahan ko ng maigi ang galaw ni Hanamichi, parang kinakabahan siya. Dahil ba si Bautista ang nagbabantay sa kanya?" Tanong nito.

"Kahit sino naman manginginig kung si Bautista ang kaharap." Mari

"May rason kung bakit si Sakuragi ang pinabantay ko kay Bautista. Dahil sa lahat ng players ng Tokyo Team, si Sakuragi lang ang may pambihirang tapang. Sanay siyang makaharap ng mga naghihigantehang mga Centro. Kung kinakabahan siya ay mas lalo siyang ginaganahan at nachachallenge siya.  Kapag umandar ang pagkaboang nyan, baka pagsabayin pa niya si Bautista at Pepito." Singit ni Coach Zakusa sa usapan nila. "Magtiwala tayo sa kanya." Dagdag pa nito.

Sinimulan na ng Manila Team ang kanilang opensa. Ang bola ay hawak ni Bautista, dinribol niya ito patungo sa kanilang half court. Awtomatikong dumaan sa center circle ng court, sa kanang bahagi niya ay kasabay nito ang libreng si Macagcalat.

Hindi nagdalawang isip si Bautista na ipasa ang bola sa kanya.

*PASS!*

Nang makita ni Maki na hawak ni Macagcalat ang bola ay agaran niya itong binabagan. Sa ibang parte ng half court ay nakaposisyon ang kanilang parehong kasamahan.

Ang nasa harapan ng opensa ng Manila Team ay sina Macagcalat, Gallego at Lakandula, samantala sa kanilang likuran ay sina Bautista at Pepito. Ang kanilang offense formation ay tinatawag na Archery Offense treat.

Ang longitudinal line of phase nito na nagsisilbing pana sa harapan ay si Lakandula, sa kanyang likuran naman ay si Bautista at sa pinakalikod ay si Pepito.

Nakita ng Tokyo Team ang kanilang kakaibang uri ng opensa kaya hindi rin sila nagpatinag alang-alang sa kanilang tagumpay laban sa Manila Team.

Ang defense formation ng Tokyo Team ay tinatawag na 4-in-1 arc. Kung saan apat na player ang nakabantay sa outer area habang ang isa ay mananatili sa inner court bilang haligi sa mga paparating na tira na maaari nitong pigilan.

Ang apat na members ng Tokyo Team na nakatayo sa harapan ay sina Maki, Fujima, Sendoh at Hanamichi habang ang naiwan sa loob ng court ay si Futatsu. Ang kanilang estilo ng depensa ay tinatawag na Umbrella Defense formation kung saan maboblock nito ang mga possible tactical attack ng kalaban.

Nagtinginan si Maki at Macagcalat na animoy parang binabasa ang kanilang susunod na kilos.

"Dalawang minuto na lang, malalamangan namin kayo." Sabi ni Macagcalat kay Maki.

"Gawin mo muna bago ka magyabang dyan." Maki

[PS: ANG KWENTONG ITO AY KATHANG-ISIP LAMANG AT WALANG KINALAMAN SA TUNAY NA KWENTO NG SLAM DUNK.]

YouTube Channel: ANIME VIRALS PH

SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon