CHAPTER 215: TOKYO vs. SEOUL (South Korea)

680 47 11
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 215: TOKYO vs. SEOUL (South Korea)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Hawak ng Seoul Team ang bola. Pinatalbog yun ni Seohoo. Bago paman niya sisimulan ang opensa ay inisa-isa niya muna ang pwesto ng mga Tokyo Players. Meron itong malawak na depensa, pero sa pagkakataong ito ay nasa likuran na sina Hanamichi at Kiyota habang sa harapan nito ay sina Maki, Sendoh at Jin.

Si Fujima at Kurooshi na parehong nasa bangko ay nakatingin lang ng seryoso sa court.

9 minutes na lang ang natitira sa 2nd half- 4th quarter.

Si Sangwoo at Sunah ay sabay tumakbo bilang pinuno sa kanilang opensa upang mabuwang ang depensa ng Tokyo Team. Tulad ng inaasahan ng iba, si Hanamichi at Kiyota ulit ang humarap sa kanila.

Dinribol ni Seohoo ang bola palabas sa court ng Tokyo. Pagkalampas niya sa division line ay binounce pass niya ang bola kay Dojun.

*PASS!*

Si Dojun ang nagpatuloy sa opensa. Nasa unahan siya dala ang bola kaya siya ang namumuno. Ang kanilang opensa ay tinatawag na Diamond-one offense threat. Apat na player na korteng diamond habang ang isang player na kayang tumira ng long range shot ay malalagay sa dulo upang magsisilbing back up.

Nang makita ng Tokyo Team ang kanilang offense formation ay agad yun ginawan ni Maki pangtapat. Ginamit nila ang 4-1 defense motion na maikukumpara at mabisang pangtapat sa opensa ng Seoul.

"Sendoh, Jin, Kiyota dito!" Tawag ni Maki sa kanila.

Agad namang sumunod ang tatlo sa kanya. Samantala si Hanamichi ay naiwan sa likuran.

Naiwan siyang mag-isa.

Nang makasalubong nina Maki ang opensa ng Seoul Team ay laking gulat nila nang biglang umiba ang offense formation nito. Ang Diamond-one ay naging triangle two. Tatlong player ang nasa harapan ng opensa habang sa likuran naman ay dalawa.

Nang makapasok ang Seoul Team kanilang court at pinasa patalikod ni Dojun ang bola pagawi kay Ryeowook na saktong pa tres area.

*PASS!*

Pagkasalo nito ay tumira ito ng tres.

*PAKK!*

Ngunit natamaan ni Maki ang bola dahil para malawan ng porma ang bola.

"REBOUND!" Sabay sigaw ni Maki at Ryeowook.

Tatlong player ang umalarma para kunin ang bola na palapit sa ring. Si Sunah, Sangwoo at Hanamichi.

Binabangan ng ibang players ang opponent partner nito upang hindi makialam sa Rebound. Si Sunah at Sangwoo ay kumaripas ng takbo patungong base area para sa rebound na gagawin.

Si Kiyota ay umaksiyon din at binabagan ang isa sa kanila, laking gulat ng manonood dahil akala nito si Sunah ang haharangin pero si Sangwoo pala.

"Dito ka lang prehh!" Pigil ni Kiyota kay Sangwoo.

Si Sunah naman ay nakalusot sa depensa niya pero wala nang pakealam si Kiyota doon dahil nandyan naman si Hanamichi para harapin ito.

Nang makalapit si Sunah sa ilalim ng ring ay tumalon ito ng napakataas upang maabot nito ang bola nang hindi pa tumatama sa ring. Binabalak niyang mag alley hoop.

Nang tumalon siya ay hindi niya inasahan na nadyan pala si Hanamichi sa kanyang likuran na may mataas pang talon kaysa sa kanya.

"SAKURAGI!" Sigaw ni Sendoh habang kumakaway sa kanya.

Naunang naabot ni Hanamichi ang bola sa halip sa palad ni Sunah.

*PAKK!*

Isang malutong na Air Block ang ginawa ni Hanamichi kaya tumilapon ang bola pagawi kay Sendoh.

*PAKK!*

"Fast Break!" Sigaw muli ni Sendoh saka pinamunuan ang opensa.

Nang makababa si Hanamichi ay agad itong tumakbo palayo sa pwesto ni Sunah, sumabay si Kiyota sa kanya.

Samantala si Sunah ay naiwang naiinis at dinabog ang isang paa.

"Kaasar! Madaya yun ah?! REFEREE! HINDI MO BA YUN NAKITA? HINAWAKAN NIYA YUNG DAMIT KO?!" complain ni Sunah sa Referee.

Pero tumanggi ang Referee sa kanya, wala itong nakitang mali. Pero ang sinabi ni Sunah ay may katotohanan.

Hinawakan ni Hanamichi ang damit niya para mas pabor ang talon nito kaysa sa kanya. Yumukom ng kamao si Sunah.

"Grrrrrrr... Kiyota at Sakuragi... Parehong mga Unggoy!" Naaasar nitong bulong habang nakatingin sa dalawa na sabay tumatakbo patungo sa sariling court nito.

*SHOOT!*

Tagumpay na pumasok ulit ang tres puntos ni Sendoh.

Naghiyawan naman ang mga tao sa loob ng standium.

"YAHOOOOOOOO!

GRABE! ANG GALING TALAGA!

MAS LALONG TUMATAAS ANG LAMANG NILA!

TOKYOOOOOOO!"

"9 minutes na lang!" Sigaw ni Mari habang nirerecord ang kasalukuyang puntos.

Napayukom ng kamao si Coach Hyunjoo, maikling minuto na lang at magtatapos na ang laban pero ang kanilang puntos ay tinambangan ng Tokyo Team.

Tumayo siya at sinenyasan ang Referee.

(Pumito...)

Natigil ang mga player nang pumito ang Referee.

"SUBSTITUTION! SEOUL GREEN ALLIGATORS!" anunsyo nito.

"Ano?" Napatingin si Coach Zakusa sa Coaching Box ng Seoul Team.

"Kuroo... Tulungan mo sina Sunah at Sangwoo sa loob. Gawin niyo ang lahat para mamarkahan niyo sila bilang pagharap sa atin sa match na'to. Bigyan niyo sila ng hindi malilimutang ala-ala!" Utos ni Coach Hyunjoo sa kanya.

Natigilan si Kurooshi doon. "Seryoso ka, Coach? Hindi kaya kalabisan---"

"Walang kalabisan sa labang ito, Kuroo. Ginagawa natin ito para manalo. Kahit sa ospital pa sila lalanding hindi na natin problema yun. Iba ang katigasan ng katawan sa galing ng paglalaro. Malayo na ang narating ng Seoul Team, hindi tayo pwedeng matalo!"

"Pero, Coach---"

"Pumasok kana sa loob!" Utos nito at tinuro ang court.

Napabuga na lang ng hangin si Kurooshi at wala nang nagawa. Ayaw niya rin na matalo sila.

Pero kahit na ganun, ay basang-basa na ni Kurooshi ang magiging dulo ng laro at tanggap niya yun.

Ito na ang pangalawang beses niya na nakalaro sa Intercollegiate at masasabi niyang may mga kuponan pa palang hindi mo aakalain na mas malakas pa kaysa nung nakaraang taon.

"Kailangan baguhin ang sistemang laro ng Seoul Team. Kahit anong dahas pa ang gagamitin, mananalo at mananalo pa rin ang totoong magaling... Pasensya na Coach." Bulong ni Kurooshi at ngumiti na lang.
"Nakalimutan mo atang kalahati sa pagkatao ko ang kuponan kalaban natin ngayon. Nay lahing hapon din ako." Dagdag pa niya.

[PS: ANG KWENTONG ITO AY KATHANG-ISIP LAMANG AT WALANG KINALAMAN SA TUNAY NA KWENTO NG SLAM DUNK.]

YouTube Channel: ANIME VIRALS PH

SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon