CHAPTER 196:

478 36 4
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 196:

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Sumapit na ang alas dose ng hating gabi nang lumabas si Haruko para uminom ng tubig. Pero natigilan siya nang makita niya si Coach Kawarama na nakatingin parin sa bintana tila may hinihintay.

"Lolo Kawarama. Akala ko po natulog na kayo. Nakakasama po para sa katulad niyo ang manatiling gising ng dis oras ng gabi." Sabi ni Haruko sa kanya.

Tinignan naman siya nito. "Ayos lang, Hija. Hinihintay ko pa kase ang Apo ko. Nag-aalala na ako sa kanya, hating gabi na ngunit wala parin siya. Nag-aalala na ako baka pinagtripan siya ng mga player na kasama niya." Hindi mapakaling sabi nito.

Mahina namang natawa si Haruko sa reaksyon niya. "Naku po, hindi naman mga masamang tao ang kasama ni Hanamichi ngayon. Atsaka po, Lolo. Huwag kayong mag-alala kay Hanamichi. Panigurado, sinisipagan niya ang training niya ngayon."

"Siya nga ba, Hija? Pero dis oras na, dapat nakabalik na siya dito at nagpapahinga na." Nag-aalalang sabi ulit ni Coach Kawarama.

Muling natawa si Haruko. "Kung alam mo lang po, Lolo Kawarama. Kayang-kaya ni Hanamichi mag ensayo nang magdamagan at walang tulungan. Naalala ko pa, bago nung laban namin sa Toyotsu. Magdamag na nag-ensayo si Hanamichi sa gymnasium. Inaral niya ang depensa, ball handling, long shot at tree point shots. Inensayo niya lahat yon kahit kinabukasan ay sasabak na naman siya sa labanan. Malakas at masipag si Hanamichi. Hindi siya sumusuko, kaya..." Napatingin na lang si Haruko sa kawalan. "Kaya minahal ko siya." Dagdag pa nito na may ngiti sa labi.

Mahina namang tumawa si Coach Kawarama. "Hayyy nako, mga kabataan talaga."

"Kung kaya't, wag na kayong mag-alala, Lolo Kawarama. Matulog na po kayo at magpahinga, bukas pa yun makakabalik kase byahe po natin bukas." Wika ni Haruko sa kanya.

Sumandal na lang sa upuan si Coach Kawarama. "Tama ka, Hija."

***

Sa mga oras na nagdaan, sa pagtatraining ni Hanamichi Sakuragi sa ilalim ng malalakas na player ay pinilit niyang tapatan ang mga ito. Halos bukas na ang mga ilaw sa paligid ng public court at wala nang mga tao sa paligid. Sumapit na ang ala una, dos, at tres ng madaling araw pero hindi parin sila natatapos.

Madilim na ang palibot ng court at silang anim na lamang ang natatanging gising.

Nakikipagpwersahan si Hanamichi may Solevenn at Sylvestre nang ipasa ni Rajak ang bola kay Caideux.

Pagkasalo ni Cadieux ay direkta itong nagdribol palapit sa ring saka tumalon para mag lay-up shot.

*PAKK!*

Laking gulat nang lima nang makita nila si Hanamichi na nakapalpal dun.

Napawow si Solevenn at Sylvestre dahil hindi man lang nila namalayan na wala na pala si Hanamichi sa kanila.

Pagkababa ni Hanamichi ay hindi siya makapaniwala sa kanyang nagawa.

Nagawa niya.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagawa niyang pigilan na makapuntos ang limang player na siya lamang mag-isa na nagbabantay.

Napahilot na lang ng mga daliri si Jabour at nag stretch. "Break muna tayo, kanina pa yung training nya." Sabi nito saka naglakad paalis.

Nag thumbs-up naman ang apat saka naglakad paalis ng court upang magpahinga.

Gawa sa konkretong materyales ang public court na gamit ngayon, madaling araw na at malamig ang simoy ng hangin. Napaupo sila sa gilid at sinandal ang likod sa pader dala ng kanilang pagod.

SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon