CHAPTER 243: TOKYO vs. WASHINGTON (America)

500 37 2
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 243: TOKYO vs. WASHINGTON (America)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Nakatingin lang si Rukawa nang sabihin ni Hanamichi yun, hindi naman siya walang muwang para hindi alam yon. Pareho lang silang dalawa na dumanas ng mahihirap na training at pinaghandaan ang araw nato.

Ngayon, hawak ng Tokyo Team ng bola. Pinatalbog yun ni Maki. Nakasunod naman sa kanya ang mga kasamahan nitong sina Sendoj, Fujima at Hitotsu. Ang Washington Team naman ay hinda ang kanilang depensa. Dinribol ni Maki ang bola palabas ng court ng Washington, paglapas niya sa division line ay sinalubong siya ni Moroboshi.

Bigla namang huminto si Maki na ikinatigil din ng kaharap niyang kalaban. Nang kumurap si Moroboshi ay laking gulat niya na lang na hindi na hawak ni Maki ang bola. Nasa kamay ni Fujima.

Agad namang sinundan ng depensiba ang bolang inoopensa ng Tokyo Team, si Minami ang tumarget kay Fujima. Mabilis at matulin ang ginawang opensa ni Fujima kung kaya ay alanganing maagaw ni Minami ang bola. Pagkapasok niya sa court ng Tokyo Team ay agad niyang pinasa ang bola kay Sendoh na saktong pagawi ng shooting guard area.

*PASS!*

Nang masalo ni Sendoh ay tumalon ito para tumira, pero sumabay sa kanyang galaw si Sawakita. Hindi naman nagpatalo si Sendoh, agad niyang iniwas pababa ang bola dahilang nabigo yung palpalin.

"Ano!" Sawakita

At saka nito binalik sa itaas at shinoot.

*SHOOT!*

Isang malakas na hiyawan ang muling bumuhay sa Audience area ng Tokyo Team. Ito na ang dalawang beses na nakashoot sila ng three points.

16 minutes at 43 seconds sa 1st quarter - first half, meron nang 6 points ang Tokyo Team habang sa Washington Team naman ay 4 points. Wala pang masyadong sensitive reacts dahil kakasimula pa lamang ng laban.

"Ayos lang yan, Team. Bawi tayo, 2 points lang yan. Madaling lamangan." Cheer ni Eri Fujisawa sa kanila.

Bumulong naman si Mari. "Tssk... As if naman at magpapatalo kami."

"Kalma lang, Darling." Wika ni Coach Zakusa.

"Ang yabang ng manager nila, porket sa Amerika nag-aaral. Pssh, bahala na atleast di pandak." Imbyernang bulong pa ni Mari.

Gusto tumawa ni Zakusa sa pinagbubulong niya pero kailangan imaintain ang professionalism.

"Ang init ata ng dugo mo ngayon, Darling? Lika nga kiss kita---" akmang lalapit si Zakusa nang itulak ni Mari ang mukha niya.

"Ano ba, nasa court tayo. At kapag nalaman ni Yuki na may relasyon tayong dalawa, siguradong uulbo ang kaspa nun." Mari

"Ayos lang sakin na malaman niya, supportive naman yun kahit bobito." Zakusa

"Kahit na, hindi pa panahon..." Mari

SA COURT... Mabilis na nakabawi ng opensa ang Washington Team, ang bolang inopensa ni Moroboshi ay pinasa niya kay Sawakita hanggang sa pinasa nito kay Lucas na nasa outer area ng 3 point line. Nang masalo ni Lucas ang long pass ni Sawakita ay shinoot niya agad ito sa pamamagitan ng Series shot.

*SHOOT!*

Napaismid si Eri at muling dinagdagan ang kanilang record points. "Very good Team, tuloy lang." Lamang na ng 1 point ang Washington Team. Nagpalakpakan naman ang bench players nila.

Nashock si Hitotsu nang masaksihan niya ang long series shot ni Lucas, hindi niya akalain na kayang gawin yun ng centrong tulad niya.

Nang mashoot ang bola ay tumalbog ito sa sahig at dinakma yun ni Hitotsu. Ang manonood sa standium ang kanya-kanyang cheer sa kanilang idolong players. Sinimulan na ni Hitotsu ang opensa.

15 minutes na lang, limang minuto pa bago matapo ang unang quarter. Dinribol niya ang bola palabas sa court ng Washington Team saka binounce pass kay Sendoh na nasa kanyang unahan.

*PASS!*

Pagkasalo ni Sendoh ay siya ang nagpatuloy ng opensa, sa saktong pagdaan sa center circle ay si Sawakita ulit ang humarap sa kanya. Gaya ng napagkasunduan at mabuti na lang sumunod ito sa resulta. Nawala ang bangayan nila kung aling players ang kanilang babantayan.

Klase-klaseng opensa ang ginawa ni Sendoh subalit hindi siya hinahayaan ni Sawakita na makalagpas sa kanya.

"Kahit anong gawin mo ay hindi mo na ako ulit matatalo, Sendoh." Ngumisi si Sawakita sa kanya.

"Hihihihi ayos lang, ang mo nga Kitasawa ee." Nakangiting sabi ni Sendoh na ikinawala ng ngisi ni Sawakita.

"Anong sabi mo?"

"Ahahahaha!" Agad nakalusot si Sendoh nang sandaling mawala sa pukos si Sawakita. Sinamantala niya iyon kaya nakalagpas siya.

Agad niya namang pinasa ang bola kay Fujima.

*PASS!*

*PAKK!*

Nakuha yun ni Minami, pero bago paman siya makalayo ay nakarating na agad sa harapan niya si Fujima at naintercept nito ang bola.

*PAKK!*

"Ang bilis niya." Minami

Ang bola ay tumalbog pagawi sa direksyon ni Maki. Nang makalapit ay agad itong dinakma, si Moroboshi naman ay nakasunod sa kanya. Sa dalawang gilid niya ay nakatayo si Lucas at Minami kaya wala siyang choice kundi pakawalan ang bola sa pamamagitan ng pwersang paghagis nito palapit sa ring.

*THROW!*

"Hala! Hinagis niya!"

"Bilis, rebound!"

"Kunin niyo!"

Nagtinginan naman si Hitotsu at Lucas. Agad kumilos si Lucas para kunin nang rebound nang agad siyang babagan ni Hitotsu.

"Dito ka lang..." Babag niya kay Lucas. Pero inaamin niya, mas malakas ang pwersa nito kaysa sa kanya. Dahil sa lakas niya ay marahan niyang naaabante si Hitotsu.

"Why won't you let me?..." Pamumwersa ni Lucas sa kanya.

"Dyan ka lang, palapit na yong Reboundant namin!" Sagot ni Hitotsu.

Agad namang napatingin si Lucas sa ilalim ng ring, at doon nakita niya sina Rukawa at Hanamichi na nag-uunahan. Pagkalapit ng bola sa ring ay tumama ito sa gilid at tumalbog ng mataas.

*TSSSKKKK!*

Naunang tumalon si Rukawa at inabot ang bola. Ilang centimetro na lang ang lapit at maaabot na niya.

"Nako, si Rukawa ang makakakuha." Sambit ni Hanagata.

Ngumisi naman si Eri habang nakatutok sa court. "Sige, Rukawa. Yakang-yaka mo yan."

Samantala si Yuki na nakatingin din sa court. "Hayyy nako napakabasic lang nyan, siya na ngang unang tumalon ang bagal pang makuha."

"Ayan na siya." Muzaka

*PAKK!*

"Ang bagal mo, Rukawa!" Ngising sabi ni Hanamichi saka dinakdak ng patalikod ang bola.

*DUNKKKKKKKKKKK!!!*

"YAHOO! Yan nga ang dapat!" Masayang sigaw ni Yuki habang nakatayo. Hinila naman siya paupo ni Sakurayashiki.

"Huwag ka ngang tumayo." Ani nito.

Naghiyawan muli ang Tokyo Team dahil sa dunk ni Hanamichi..

"AYOOOOS!

ANG GALING TALAGA!

ANG BILIS NG BACK-UP! GRABE!"

Napawow naman ang Coach ng Washington Team na si Coach Amerigo. Ang ginawang dunk ni Hanamichi ay isa aa signature dunk ni Micheal Okita. Pero hindi niya akalain na makakasaksi siya ng coincidental duplicate skill nito. "Magaling ang batang ito... Interesante."

Samantala si Rukawa ay tahimik lang na nakatingin kay Hanamichi hanggang sa nakababa ito sa sahig.

"Ayos ba, Rukawa?" Nakangising tanong ni Hanamichi.

"Pasikat." Sagot ni Rukawa.

[PS: ANG KWENTONG ITO AY KATHANG-ISIP LAMANG AT WALANG KINALAMAN SA TUNAY NA KWENTO NG SLAM DUNK.]

YouTube Channel: ANIME VIRALS PH

SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon