SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES
CHAPTER 249: TOKYO vs. WASHINGTON (America)
(Ps: Typo Errors Ahead!)
THIRD PERSON'S POV
Sa 5 minutes at 32 seconds na natitira ay tabla na ang parehong puntos ng dalawang kuponan. Si Rukawa ang huling nakashoot kaya ang bola ay mapupunta muli sa Tokyo Team. Hawak yun ni Hanamichi at pinapatalbog ito bilang opensa.
Ang apat niyang kasamahan ay naunang tumakbo sa kanya palabas ng court ng Washington.
"Depensahan sila!" Sigaw ni Lucas sa mga kasamahan.
"Tara, Team. Puntos!" Nakaismid na sabi din ni Fujima habang nakataas ang isang hintuturo nito.
Dinribol ni Hanamichi ang bola palabas ng court ng Washington hanggang nakasalubong nito ang kanyang Teammates at doon ipinasa ang bola.
*PASS!*
Hawak ni Fujima ang bola. Mabilis ang pagdidribol nito kaya agad silang nakarating sa half court ng Tokyo Team kung saan nakatayo ang depensa ng Washington Team. Tumungo si Fujima sa left 3 point area ng kanilang court, pero sa isang kurap lamang ay nakita niya na agad si Minami na nasa kanyang harapan.
Nagtigilan at tumayo ang mga balahibo ni Fujima dahil doon. "Ang bilis."
*PAKK!*
"Alright! Nice interception, Minami!" Cheer ni Coach Amerigo sa kanya.
Agad nilipat ni Minami ang bola sa kaliwang kamay niya at agad nagdribol palayo kay Fujima.
(Dribbling...)
Dinribol nito ang bola palayo sa outer area ng Tokyo team. At bago pa lang makalapit sa division line ay kay Sawakita niya ipinasa ang bola bago paman siya harangan muli ni Fujima na nakasunod na agad sa kanyang likuran.
*PASS!*
"Okay." Bulong ni Sawakita nang masalo niya ang pasa ni Minami.
Siya ang nagpatuloy sa opensa. Sa pagpasok niya sa court ng Washington Team ay pinuntirya niya ang outer court upang makagawa ng tres. Sa saktong paglapit palang niya sa outer free throw area ay shinoot na agad ang bola.
(Shooting...)
*PAKK!*
Napatikom ng bibig si Sawakita nang makita niya ang nakakabighaning palpal ni Sendoh sa ere. Ang ginawa nito sa bola ay katulad na ginawa noon ni Hanamichi sa Paris Team. Isang Straight down blocked swatter.
Ang bolang inistraight down blocked swatter ni Sendoh ay tumalbog palayo sa sahig. Pero laking gulat nila nang makuha yun ni Lucas at tuloy-tuloy na idinribol palapit sa ring hanggang sa tagumpay nitong nagawa ang lay-up shot.
*SHOT!*
"AYOOOOOOOOS!
NICE LAY-UP, VICE CAPTAIN LUCAS!
VICE CAPTAAAAAAAAIN!" Cheer ng Washington Audience dahil sila na muli ang lamang.
Ngayon, ang 17 points ng Washington Team ay ngayon 19 points na. Mas lamang na kaysa sa Tokyo Team na 17 points. Pagkapasok ng bola ay tumakbo agad ito palayo sa ring sabay apir kay Sawakita at sa iba pang kasama.
Agad kinuha ni Sendoh ang bolang shinoot ni Lucas. Pinatalbog niya ang bola sa kanyang pwesto saka tiningnan ang scoring board. Lamang na ulit sila, talaga ngang ayaw magpatalo o tumawad ang kuponan na ito laban sa kanila. Mahigit konting minuto na lang ang natitira at matatapos na ang unang kwarter ng kanilang laban.
Sinimulan ni Sendoh ang opensa.
(Dribbling...)
Agad nagsipwesto sa harapan niya ang ka teammates nito na sina Hitotsu, Fujima, Maki at Hanamichi. Habang ang Washington Team naman ay ganun din, isang mahigpit na depensa na naman ang ginawa nito laban sa opensa ng Tokyo Team.
Mabilis ang matulin ang pagkakadribol ni Sendoh sa bola at mag-isa nitong nailabas sa court ng Washington Team. Pagkapasok niya sa half court ng Tokyo ay kay Hanamichi niya agad ipinasa ang bola.
*PASS!*
Napatingin si Rukawa dun. "Si Sakuragi..." Sambit nito at agad tinungo nito si Hanamichi na nasa outer area ng court ng Tokyo. Kutob niya magtitres ang taong ito. "Imposible... Hindi niya magagawa yan ng harap-harapan sakin."
Nang masalo ni Hanamichi ang bola ay nasa tamamg porma ang kanyang katawan para tumira. Nag pose ito ay shinoot ang bola. Napatingin silang lahat sa bola na nasa ere. Subalit biglang dumating sa harapan niya si Rukawa at tinamaan nito ang bola dahilan na ikinawala ng porma nito.
*PAKK!*
"WhaaaAaaaAAaAAh!" Napasigaw si Hanamichi sa bigla.
Ang sablay na 3 point shot ni Hanamichi ay nanatili sa ere. Mataas ito at ang tanging makakaabot nito ay isang napakapambihirang player lamang o katulad niya. Kaya tumakbo siya agad palapit sa ilalim ng ring. Pero sa pagkakataong ito ay nandito si Rukawa.
"Abutin mo, Sakuragi!" Sigaw ni Mitsui.
"Sira ulo ka Mitchi! Masyadong mataas kase tinamaan ni Rukawa!" Sigaw din ni Hanamichi sa kanya.
"Gunggong ka! Kailangan ko pa bang ulitin?! Kaya mong abutin yan!" Sigaw din ni Akagi na tila pinagkakaisahan nila si Hanamichi.
Pinagkakaisahan nga nila pero malaki ang tiwala sa kakayahan ni Hanamichi.
Dahil sa pamimilit ni Mitsui at Akagi ay sinunod ni Hanamichi ang sinabi nito. Nang makarating siya sa restriction area ay huminga ng malalim si Hanamichi at nag-ipon ng pwersa sa kanyang mga paa.
Napaismid si Lucas. "Masyadong mataas. Hindi mo kaya."
*PAKK!*
"ANO!" Nanlaki ang mga mata ni Lucas nang harap-harapan niyang nasaksihan ang pambihirang leap ni Hanamichi. Hindi siya makapaniwala. Masyadong mataas ang bola na nasa ere pero nagawa parin itong abutin habang kaharap niya si Rukawa.
Ginaya ni Rukawa ang kaninang ginawa ni Sendoh kay Sawakita, ang straight down blocked. Ang postura ni Rukaw nang ginawa niya iyon ay parang gawain ng isang Wing Spiker sa volleyball. Malakas ang pagkakapalpal niya sa bola kaya malayo itong tumalbog palayo kay Hanamichi imbes na maabot nito.
"Hindi maaari! Si Rukawa! Natapatan niya ang talon ni Sakuragi!"
Pero parang may kung anong kidlat ang biglang sumulpot sa likuran ni Hanamichi dahilan para masave nito ang bola at mabilis na ipinasok sa inner court ng Washington.
"Si Moroboshi!" Sambit ni Maki namang makita niya na nasa kamay ng kanyang opponent partner ang bola. Responsibilidad niya ang lalakeng ito.
Pagkapasok ni Moroboshi sa loob ng Washington court ay tumalon ito paatras para gawin ang fade away shot. Kahit na ganun ay alam ni Maki kung paano pipigilan ang fade away shot. Kaya tumalon din ito para iblocked ang tira ni Moroboshi.
Pero laking gulat na lamang ni Maki nang makita niyang hindi na hawak ni Moroboshi ang bola habang nasa ere parin. Na saan na ang bola?
Sa dahan-dahang pagbaba ni Moroboshi ay sa likuran nito ay nakatayo si Minami sa shooting guard area at hawak na nito ang bola. Narealize ni Maki kung anong ginawa ni Moroboshi. Binack pass niya ang bola kay Minami.
*SHOOT!*
Tagumpay na naishoot ni Minami ang bola na siyang ikinadiwang ng kanilang panig.
"AYOOOOOOOOS!
MINAMI NICE TREEEES!" Cheer ng mga ito sa kanila.
Parehong nakangiti sina Moroboshi at Minami, nag-apiran sila. *apir!*
Dahil sa tirang yon ni Minami ay tumuntong na sa 22 points ang kanilang puntos. Lamang na sila ng 5 points sa Tokyo Team. At ang mas ikinatuwa pa ng Team Manager ng Washington Team na si Eri ay tatlong minuto na lang at magtatapos na ang 2nd half.
Buo ang loob niya na ang Washington Team parin ang lamang sa pagtatapos ng unang kwarter. "Humanda kayo, Tokyo Team.... Dahil ito na ang magiging katapusan niyo."
[PS: ANG KWENTONG ITO AY KATHANG-ISIP LAMANG AT WALANG KINALAMAN SA TUNAY NA KWENTO NG SLAM DUNK.]
YouTube Channel: ANIME VIRALS PH
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️
FanficSa ikalawang yugto ni Hanamichi Sakuragi sa pagsabak sa Intercollegiate Matches ay nagawa ng kanilang kuponan na talunin ang ibang NUMBER 1 TEAMS na nakabilang sa kanilang Row at nahirang bilang representative sa Row 1 ng Division 1. At sa Row Match...