CHAPTER 201:

551 43 7
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 201:

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Pagkabukas...

Nang muling pumasok ang babaeng Triplets upang gisingin muli ang mga players nang makita nila si Hanamichi, Sendoh, Maki at Fujima na nauna nang nagising kaysa sa mga kasamahan nito.

Naabutan nila ito na nakaupo sa gilid malapit sa bintana na tila bang napakaseryoso ng kanilang pinag-uusapan.

Nang makita sila ni Hanamichi ay tinanguan lang siya ng mga pinsan nito saka ginising ang natutulog nitong kasamahan.

Pagkatapos nun ay ginawa nila nung tulad na nangyari kahapon. Nang matapos sila sa kanilang pagkain ay nagpasya ito na magkakaroon sila ng ensayo. Sinuhestiyon naman ni Kawaragi na may basketball court sa rooftop ng building na iniistayhan nila.

Nang matapos sila sa kanilang mga gawain ay nagtungo na nga sila sa rooftop ng hotel. Pagkarating nila ay lumantad sa kanila ang malawak na rooftop ng building. Sa bawat dulo ng rooftop ay may nakatayong bakod upang maiwasan ang disgrasya sa mga maglalaro dito.

Si Hanamichi naman ay muling nakipag-usap kina Sendoh.

Pinag-usapan nila ang tungkol sa sinabi ni Rukawa kahapon sa kanya. Nung una ay nabigla ang tatlo sa kanyang sinabi dahil nakipagkita pala si Rukawa sa kanya kahapon at binigyan ito ng babala para sa laban nila sa Round 5, which is bukas na magaganap.

Bukas na ang kanilang laban sa Seoul Team. Kaya ngayon ay nagpaplano na sila at naghahanda.

"Ano, Sakuragi? Sinabi talaga yun ni Rukawa?" Tanong sa kanya ni Sendoh.

"Oo. Para atleast daw ay magawan natin ng katapat ang mga posibleng kilos ng Seoul Team sa atin." Sagot ni Hanamichi.

"Hindi kaya ginugudtaym ka lang ni Rukawa nun?"

"Sira ulo. Oo, inaamin ko na hindi kami magkasundo ni Rukawa. Pero kailanman ay hindi ko pa narinig na magsalita ng isang biro."

Kumibit balikat na lang si Sendoh. "Okay, so--- kung ganun mukhang magiging malaking subo ito sa atin."

"Sa sinabi ni Rukawa sayo, mukhang delikado nga itong Seoul Team lalo na sa mga centro nila." Wika ni Maki.

"Sa pinupunto ni Rukawa, mukhang dapat pagtuunan natin ng pansin ang maglalarong Centro sa ating laban bukas sa Seoul Team." Wika din ni Fujima.

Sumagot naman si Hanamichi. "Kaya nga... Kaya, gusto kong patigasin ang mga buto ng Triplets na'tin. Pero kailangan ng volunteer na may tangkad na 200+ centimeter para masabayan ang tangkad nina Uno, Dos at Tres."

Tinawag naman ni Maki sina Jin, Hanagata at Ikegami. Sinali niya din si Sendoh.

Nang makalapit ang tatlo sa kanila ay sinabi sa kanila ni Maki ang gagawin nila. Pareho namang tumango ang tatlo at sumang-ayon sa gustong ipapagawa nito.

Tinawag naman ni Hanamichi ang Triplets. "Hoy! Uno, Dos at Tres! Halinga kayo dito."

Agad namang lumapit ang triplets sa kanila. Si Maki at Fujima naman ay nag-excuse sa kanila dahil hindi lang sina Hanamichi ang mag-eensayo. Ang ibang players na natitira ay pamumunuan nina Maki at Fujima upang ensayuhin ang opensa at depensa nito.

Tiningnan naman ni Hanamichi ang Triplets. Katabi niyang nakatayo sina Sendoh, Jin, Hanagata at Ikegami.

"Kayong tatlo, makinig kayo. Ito na ang huling vacant day natin dahil bukas ay sasabak muli tayo sa match. Seoul Team ang unang makakalaban natin at napakasama ng nalaman ko tungkol sa kuponang iyan. Matinding laban ang nahihintay sa atin,kaya sulitin na natin ang ensayong ito." Sabi sa kanila ni Hanamichi.

Sumang-ayon naman ang Triplets sa mga sinabi ni Hanamichi.

***

Nang makabalik si Rukawa sa unibersidad ng syudad ng Washington ay sinabi niya din sa kasamahan niya ang nangyaring pagkikita nila ni Hanamichi.

Nasa gymnasium sila ngayon ng kanilang campus at abala sa pagtatraining ang ibang kasamahan niya. Dahil tulad ng Tokyo Team, ay magsisimula na din ang Round 5 match nila pero ang kanilang unang makakalaban ay ang kuponan ng Pilipinias.

Si Rukawa naman ay nakaupo sa gilid at uminom ng tubig dahil bago lamang ito natapos sa kanyang ensayo.

Nilapitan naman siya ni Sawakita. "So, ano ang sinagot ni Sakuragi nung sinabi mo ang tungkol sa Seoul Team?" Tanong nito sa kanya.

"Ewan ko sa lalakeng yun." Sagot nito.

"Sana nga magawan nila ng paraan ang possible attack ng Seoul Team sa kanila." Sabi ulit ni Sawakita.

"Magagawan nila yun." Sabi nito saka pinunasan ang sarili bago ulit tumayo at nagpatuloy sa training.

***

Samantala sa Tokyo Team...

"Ano ba! Pwersahin niyo si Ikegami. Kung puro tulak ng paa lang ang gagawin niyo, hindi niyo siya mapaatras!" Sigaw ni Hanamichi sa triplets.

"M-Masyado siyang malakas." Nahihirapang sagot ni Hitotsu sa kanya.

"Huwag kayong puro reklamo! Kaya nga pwersahan niyo. Ano ba yan--- sa match natin bukas, posibleng mas malakas pa may Ikegami ang makakaharap niyong centro.--- mag-ipon kayo ng pwersa sa mga paa niyo at gamitin ang katawan para maitulak niyo siya."  Hanamichi

"Oo!" Sagot nung triplets.

Paglipas ng ilang oras, pagsapit ng alas syete ng gabi nang matapos sila sa kanilang ensayo.

Pagkatapos nilang kumain ay bumalik na ito sa kanilang room number at kanya-kanyang bagsakan upang makatulog na.

Samantala si Hanamichi ay nakatihaya sa higaan niya at napaisip sa kawalan. Hindi na siya makapaniwala na magsisimula na ang kanilang laban sa pagitan ng Seoul Team.

Dahil gaganapin na sa iisang court ang Round 5 hanggang Round 7 ay napaisip si Hanamichi.

Manonood kaya si Rukawa at ang ibang Yellow Fox sa laban nila sa Seoul Team?

***

Kinaumagahan...

Ang lahat ng players ng Tokyo Black Samuraiz ay nakahanda na ang lahat para sa kanilang byahe patungo sa Standium na pupuntahan nila kung saan iheheld ang laban.

Ang transportasyon na sinakyan nila ay bus na inarkilahan ng babaeng Triplets para sa Tokyo Team at mahatid sila nito sa lokayson ng Cameron Indoor Standium.

Nang makasakay na silang lahat ay umandar na ito paalis.

Pagkalipas ng ilang minuto ay sa wakas nakarating na sila. Nasa loob pa lamang sila ng bus ay kitang-kita na nila sa bintanda kung gaano kaganda at kagrande ang labas ng standium.

"Grabe! Mukhang mamahalin ah!" Sabi ni Hanamichi sa sobrang mangha.

Sumagot naman si Kawanagi. "Yes, that standium is really grand. That's when the NBA match was once held."

Mas lalong napawow si Hanamichi. "Kung ganun--- kapag naglaro na ang poging Henyong ito at manalo sa match na'to. Ibig sabihin ay pang NBA na ang galing namin!"

Napairap naman si Kawayagi. "Masyado kang ilusyunado. Kawanagi only said was that once a NBA match held that standium. But doesn't mean you can be a NBA player in just a short period of time. Besides, the ticket will be expensive, just like the fights as is."

Muling napatitig si Hanamichi sa ganda ng standium at napaisip.

"Nandyan na kaya sila Rukawa sa loob?" Hanamichi

[PS: ANG KWENTONG ITO AY KATHANG-ISIP LAMANG AT WALANG KINALAMAN SA TUNAY NA KWENTO NG SLAM DUNK.]

YouTube Channel: ANIME VIRALS PH

SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon