SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES
CHAPTER 218: TOKYO vs. SEOUL (South Korea)
(Ps: Typo Errors Ahead!)
THIRD PERSON'S POV
Muling pumito ang Referee.
Parehong nirelax ng Seoul Players ang kanilang mga sarili. Wala na silang magagawa sa maging dulo ng laro. Mas mabuti pang samantalahin at ienjoy ang laban.
Dahil ang Seoul Team ang huling nakapuntos. Ang bola ay hawak ngayon ng Tokyo Team. Si naman Jin ay sinimulan niya agad ang opensa.
Ang kanyang mga kasamahan na sina Maki, Sendoh, Kiyota at Hanamichi ay mabilis na tumakbo palabas ng court ng Seoul. Si Jin naman ay mag-isang idinribol ang bola palabas.
Ginamit ng Seoul Team ang pagkakataon na mag-isang inopensa ni Jin ang bola samantala ang mga kasamahan nito ay nasa kabilang court na agad. Si Ryeowook ay nagtungo sa gawi ni Jin upang babagan ito at hindi tuluyang makapasok sa court ng Tokyo. Pagkalapit ni Ryeowook sa kanya ay inairpass lang ni Jin ang bola na saktong hindi maabot ni Ryeowook.
Napahangad silang lahat sa bola na nasa ere. Akmang dadakmahin yun ni Kurooshi nang babagan siya ni Maki.
"Anong---" laking gulat ni Kurooshi nang si Maki ang humarang sa kanya sa halip na si Hanamichi.
Ang player na nakakuha sa over head pass ni Jin ay si Sendoh. Sa ilalim ng ring naman ay agad tumungo si Hanamichi at Sunah. Ang ibang kasamahan na sina Kiyota at Jin naman ay agad nagsipuntahan sa mga parteng outer area para sa tres puntos.
Si Sendoh ay nasa small forward area at malapit lang sakanya ang ring. Madali para sa kanya ang pumuntos mula dito. Nagpose siya para sa short range jumpshot.
Desidido din ang Seoul Team na pigilang makapuntos ang Tokyo Team. Kaya si Seohoo ay blinock si Sendoh, si Sangwoo naman ay binabagan si Kiyota dahil masyadong halata ang senyas nito.
Nakita ni Sendoh si Jin na nakataas ang isang kamay mula sa 5 ft ahead left area ng 3 point line. Pinasa pabalik ni Sendoh ang bola sa kanya.
*PASS!*
Sa saktong pagkasalo ni Jin ay nagshoot agad ito na hindi man lang pinaghahandaan ang porma.
*SHOOT!*
"Okay!" Nakangiting sabi ni Jin dahil pasok ang kanyang tres.
"AYAN NA! AYAN NA! MAGPAPASIKAT NA ANG 3 POINT SHOOTING MACHINE NG TOKYO!"
Tagumpay na nakapasok ang tres ni Jin, ang kaninang 71 points nila ay naging 74 points na. 42 points ang kanilang lamang kumpara sa puntos ng Seoul Team.
"OKAY, TEAM! NGAYON, DEPENSA NAMAN! HULING MINUTO NA LANG!" Sigaw sa kanila ni Mari habang nagrerecord ng panibagong puntos.
Ang bolang shinoot ni Jin ay tumalbog sa sahig ay agad na kinuha ni Ryeowook at sinimulan ang opensa.
Ang Tokyo Team naman ay tumakbo patungo sa court ng Seoul para depensahan ang mga opensa nito. Mabilis ang takbo ng apat na kasamahan ni Ryeowook at nakabuo ito ng 4-1 offense treat na kayang talunin ang top 3 tallest member ng Tokyo Team na nasa line-up na sina Hanamichi, Sendoh at Jin.
Pagkalapit ng tatlo kasunod si Ryeowook ay pinasa niya ang bola sa tumatakbong si Kurooshi patungo sa free throw area ng Seoul court.
*PASS!*
Nasalo ni Kurooshi ang bola. Pagbaling niya ng tingin sa court ay nagulat niya nang nasa harapan na niya agad si Maki. Nakita niya ang mga kamay ni Maki na palapit sa bola nang agad niya itong iniwas.
BINABASA MO ANG
SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️
FanfictionSa ikalawang yugto ni Hanamichi Sakuragi sa pagsabak sa Intercollegiate Matches ay nagawa ng kanilang kuponan na talunin ang ibang NUMBER 1 TEAMS na nakabilang sa kanilang Row at nahirang bilang representative sa Row 1 ng Division 1. At sa Row Match...