CHAPTER 252: TOKYO vs. WASHINGTON (America)

475 42 9
                                    

SLAM DUNK: INTERCOLLEGIATE MATCHES

CHAPTER 252: TOKYO vs. WASHINGTON (America)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Ang bolang tagumpay na naidakdak ni Hanamichi sa ring ay tumalbog sa sahig na agad na dinakma ni Rukawa.

"BILISAN NIYO!" sigaw ni Rukawa sa kanila.

Medyo magulat sina Maki, Fujima, Hitotsu at Hanamichi sa sinigaw ni Rukawa, paniguradong babawi agad ang mga ito. Mabilis at mahusay angpagdidribol ni Rukawa hanggang sa nakalabas siya sa court ng Tokyo Team.

Pagdapo niya ng tingin sa Washington court ay nakita niya doon si Sawakita kaya hindi na siya nagpaligoy na ipasa ang bola. In-air pass niya ng bola pero hindi yun nakita ni Sawakita dahil nakapukos ito sa daan.

"SAWAKITA!" tawag niya habang naipasa ang bola. "Tatanga-tanga..."

Paglingon ni Sawakita ay nanlaki ang mga mata niya na patungo pala sa kanya ang bola. At mas lalong nanlaki ang mga mata niya nang dalawa sa player ng Tokyo Team ang nakatalon para saluhin ang bola, sina Hanamichi at Hitotsu.

Parehong nakataas ang kanilang kamay upang masiguro na walang kahit sino ang makakaagaw sa bola. Sumapit na ang eksaktong limang segundo ang oras.

Parehong napatayo si Coach Zakusa at Coach Amerigo.

"SIGE! KUNIN NIYO!" sabay nilang sigaw.

Si Coach Kawarama at ang apat na ungas ay napahigpit ang hawak sa bakal ng railing. Hindi nakapagtimpi ang Lolo sa kasalukuyang pangyayare.

Ang bola ay saktong tutungo sa mga kamay nina Hanamichi at Hitotsu.

Pagkalapit ng bola ay dumapo yun sa gitnang daliri ni Hanamichi. Napangisi siya.

Akmang aabutin na niya ang buo ng bola nang may biglang dalawang kamay ang humawak nun.

*PAKK!*

"Ang babagal niyo!" Seryosong sabi sa kanila ni Rukawa at agad na ibinaba ang bola.

Na shock si Hanamichi at Hitotsu sa kanyang ginawa. Napanganga ang mga manonood.

"Imposible--- Rukawa?! Papaanong---" hindi nakapagsalita ng maayos si Hanamichi dahil sa sobrang gulat. Ang talon ni Rukawa, ay halos kasing taas na rin ng talon niya.

Kung may kakahayan palang ganito si Rukawa, ibig sabihin ay--- kanina pa itong nagtitimpi at tinatago ang totoong galing para paghandaan ang mas bigdeal na laban?

Agad dinribol ni Rukawa ang bola hanggang sa nakalapit siya sa ilalim ng ring ng Washington court. Akmang susugod sina Maki, Sendoh at Fujima nang sabay silang babagan nina Minami, Moroboshi at Sawakita.

Si Lucas naman ay hinarangan ni Hitotsu upang hindi makasunod kay Rukawa. Tanging si Hanamichi na lang ang libre. Hinabol niya si Rukawa.

Pero...

Sa rebounding area pa lang ay malaya si Rukawa kaya tumalon ito ng mataas palapit sa ring at pinakawalan ang isang kabigha-bighaning dunk.

Ngunit hindi nagpatinag si Hanamichi, mabilis niyang nababagan si Rukawa at tumapat ito sa harapan para palpalin. Sumabay siya sa talon nito.

"Pipigilan kita, Rukawa!" Sigaw ni Hanamichi habang nakataas ang kamay. Si Rukawa naman ay seryosong nakahawak sa bola.

Ang lahat ng manonood ay tutok na tutok sa kanilang dalawa.

"AAAAAAARRRHHHHHHH!" mabangis na sigaw ni Hanamichi saka tinamaan ang bola.

*PAKK!*

Pero...

SLAM DUNK #3: INTERCOLLEGIATE MATCHES [BOOK 2 - Season 2]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon